BOOK 2- Chapter 13

1.2K 24 2
                                    

CHAPTER 13

"How to be a true friend? Be her punching bag to tap on when she's shuddering, be her camera to capture her happy moments, be her hanky to wipe her tears, be her shoulder to cry on, and be her guidance councilor when she's depressed."
-c.




Pagkapasok ko sa kwarto, hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Damon. Gusto kong mag-sorry pero bakit? Para saan? Pero hindi ko naman kaya na bigla na lang siyang natahimik. Hindi ko alam kung may nagawa o nasabi ba ako.

Nakapagbihis na ako at nakapag-dinner pero hindi pa rin nagtetext si Damon sa akin. Sinubukan ko na siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Puro ring lang ang naririnig ko. Nakauwi na kaya siya?

"Gibrielle?" Katok ni Ate Hershey sa labas ng kwarto ko.

Lumapit ako para pagbuksan siya ng pintuan. "Hm?"

"Si Damon nasa sala,"

Nanlaki ang mga mata ko. "Huh? Kanina pa ba siya, ate?"

Ngumisi si Ate Hershey. "Kakarating lang niya. Ano? Bababa ka ba o papuntahin ko na lang diyan sa kwarto mo?"

"Ah, hindi. Puntahan ko na lang siya, ate. Salamat!"

"Sige. Nasa kwarto lang ako ha."

Nginitian ko na lang si Ate Hershey. Iniwan ko muna ang cellphone ko sa kama at bumaba na para puntahan si Damon. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa at nakayuko. Dati kapag nakikita ko siyang nakayuko, ang ibig sabihin lang nun umiiyak siya. Siguro naman hindi siya umiiyak ngayon.

Nakahinga ako ng maluwag nung mag-angat siya ng tingin sakin na walang bakas ng luha sa kanyang mga mata. Ngumiti ako at tumabi sa kanya.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

"Nagpahangin lang," nag-iwas siya ng tingin.

"Bakit?" Nanliit ang mga mata ko, pilit na hinuhuli ang kanyang mga tingin. "May nagawa ba ako, Damon? May nasabi ba ako?" Sa wakas ay naitanong ko na ang kanina pa bumabagabag sa loob ko.

Agad siyang napalingon sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "No, bhie. Wala kang nagawa, wala kang nasabi. I'm sorry, masyado akong nadala ng emosyon ko... nagselos ako."

"Nagselos? Saan?" Nagsalubong ang kilay ko.

"Sa..." Nasapo niya ang kanyang noo. Hirap niyang sabihin ang totoo.

"Nagselos ka ba kay Hunter?" Tinitigan ko siya.

Dahan dahan siyang tumango. Napahalakhak ako. Sa lahat ng pagseselosan niya, si Hunter pa! Bumusangot siya sa reaksyon ko.

"Now you're making my jealousy a joke?" Asar niyang tanong.

"Why? Kay Hunter? You know him, wala kang dapat na ikaselos."

"I know. God knows I know." Bakas talaga ang frustration niya. "Hindi ko lang napigilan."

Bigla akong naawa kay Damon. Niyakap ko siya. Hindi naman niya kailangan maramdaman iyon, e. Mabait lang talaga si Hunter. At ewan ko ba dun sa lalaki na iyon bakit niya naisipang bilhin 'yung kwintas para sakin.

"I'm sorry, bhie." Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"I'm sorry, too. You know how much I love you. I know how much you love me too and I never doubt that. I'm sorry."

Gusto kong maiyak. Hindi talaga ako magsasawa na magpasalamat sa Panginoon dahil binigay niya ang isang tulad ni Damon sa akin. Hindi ko alam kung anong nagawa ko pero sobra sobra ang pasasalamat ko dahil nagkakilala kami at mahal namin ang isa't isa.

That Frat Leader (TFL SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon