"Gab?!"
"... Anong... Love?"
"Bro, anong ginagawa mo rito?!" si Soren na nagtatakang tumingin sa kaibigan nila.
"..."
"Bakit kayo nandito?"
"Dapat kami ang nagtatanong sa 'yo niyan," ani Jaren. "Sabi mo uuwi ka, ‘di ba?"
Nagulat si Gabriel at tila nahuli sa akto. "...Oo nga. Dito sa Baguio."
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa pagitan nila. Lahat ng tanong at reaksyon ay naglalaro sa isipan nilang magkakaibigan.
Bago pa man ulit sila makasagot, nagsalita na naman ang kasama nitong lalaki, "Kayo ba ang mga kaibigan ni Gabo?"
For some reason, their friend’s nickname took them by surprise. Kaya naman, hindi nila mapigilang manliit ang mga mata sa palayaw na ibinigay kay Gabriel.
"Gabo... I mean, oo, kami nga. Bakit?" nakataas ang kilay na usisa ni Soren
"Kailan ang balik niyo sa Cavite?"
"Mamaya na..."
"Tama 'yan, isama niyo na 'yang kaibigan niyo."
Nagkatinginan ang grupo. They were baffled. Hindi nila alam kung tatawa ba sila o magseseryoso.
Gabriel looked at the other guy beside him and said, "Nope. I'm not going. I told you, sasamahan kita rito hanggang matapos ang event," sagot ni Gabriel.
Napa-iling si Jaren at sinenyasan ang mga kaibigan na magsimula na ulit maglakad papalayo. "Sige na, bro, mamaya na lang," halata pa rin ang pagtataka sa mukha niya pero hinayaan niya muna ito para makapag-usap ang kaibigan niya at ang kasama nito. "Hintayin ka namin sa labas."
Tumango na lang sila sa isa't isa at nagkasundo. Pagkatapos ay nagpatuloy na sila sa pag-ikot sa bukid, nag-picture nang kaunti, at pagkatapos ay lumabas na rin. Tumambay si Jaren at ang apat na kaibigan sa exit mismo ng La Trinidad, kung saan napag-usapan nilang magkita-kita at mag-usap.
Since none of them seemed to know how to start the conversation, si Soren ang nagsimulang magsalita sa kanila.
"Ano ba naman ‘tong tropahan na ‘to, ang hilig magtago ng sikreto."
Natawa sila roon syempre, at kahit si Gabriel ay di napigilang mapangiti. Jaren then spoke up.
"So, care to explain?"
Gabriel sighed. "Okay, first of all, I'm sorry if I didn't tell you that I'll be going here. Nasa bakasyon kasi si dad dito sa bahay ni lola. We were with mom, pero umuwi rin siya ng Manila kasama si dad—may issue raw sa kompanya. So yeah, basically, I'm having a vacation with my grandmother here."
"Nagpaalam pa naman kami sa 'yo na pupunta kami rito tapos nag-chat ka lang na mag-ingat kami. Di mo sinabing nandito ka rin pala."
"Akala ko kasi hindi niyo ako maabutan dito. Who would've thought na ma-tyempuhan niyo ako sa bukid pa mismo?"
Eventually, naintindihan din naman nila since Gabriel clearly explained everything. They exchanged glances, nodding in understanding.
"Okay... So, sa graduation ka na babalik ulit?" tanong ni Chasen.
"Yeah, and besides, may mga kailangan din akong ayusin at gawin dito."
"Like what? Chasing someone?" said Elijah who was standing beside Yuriel. Magkatabing nakaupo sina Yuriel at Soren habang ang iba naman ay nakatayo na lang.
Gabriel glanced at him. Umiwas din siya agad at nagsalita ulit. "... Nonsense. Bahala kayo sa buhay niyo. Basta I'm staying here for a bit longer."
"Ay, what about the other guy?" kwestyon ni Soren.

BINABASA MO ANG
Tutoring Hearts
Romance"I've found my heart learning to love you more each day. Who would have thought it has been yours to teach and guide all along?"