Chapter 24: Diego

4 0 0
                                        

Ashiana POV

"Inuutusan ko kayong anim na magpunta sa xanxan baryo" utos sa amin ni mommy kaya napatango kami. "Balitaan niyo kami agad kapag may nalaman na kayo tungkol sa baryong iyon"

"Sasama ka ba talaga, anak?" Tanong ni dad kaya agad akong tumango.

"Marami pa akong dapat malaman sa islang ito at isa pa, gusto ding malaman kung ano bang meron sa baryong iyon"

"Mauuna na po kami" sabay yuko nila asriel kila mommy, niyakap at hinalikan ko muna sila sa pisngi bago ako sumunod kila asriel.

Sumakay na kami sa kalesa kaya pinaandar na ito ng kawal, hindi ko alam kung anong naghihintay sa amin doon kaya hindi ko maiwasang mapakapit sa aking espada.

"Kumalma ka, hindi tayo mapapalaban" sambit sa akin ni asriel.

"Hindi mo alam"

"Mabuti na lang may sapat tayong pagkain" sabay subo ni sasha ng tinapay.

"Hindi pa din ako makapaniwala na isa kang maharlika at anak ng isa sa pinaka-mayaman dito sa buong isla" sambit ni jazzy sa akin, ako din ay hindi makapaniwala. Akala ko ay simple lang ang buhay namin.

"Hindi ko din alam, ngayon ko lang din nalaman na dito nakatira sila mommy"

"Saan ka ba nanirahan? Bali-balita ay nakatira daw kayo noon sa labas ng isla" tumango ako.

"Maganda ang pamumuhay ko doon, hindi tulad dito"

"Maganda bang mang-bully sa kapwa?" Pabalang na sabi ni yuki, nagsisimula na naman ba siya?

Hindi ko na siya pinatulan dahil baka magka-gulo lang kami dito sa kalesa. Matapos ang mahabang byahe sa wakas, nakadating na kami.

Bumaba na kami sa kalesa at napatingin sa napaka-laking gate na nakaharang sa amin. Napakunot noo ako dahil hindi na ito parte ng isla, pinindot ko ang doorbell kaya umalingaw-ngaw ang tunog nito sa loob.

Dahan-dahang bumukas ang gate kaya nagkatinginan kami bago pumasok sa loob. Napatingin kami sa mga taong nadadaanan namin, mukhang alipin sila sa baryong ito.

Nagdere-deretso lang kami hanggang sa makarating kami sa pinuno ng baryong ito.

"Anong palasyo kayo galing?" Matapang na tanong ng pinuno sa amin.

"Galing kami sa shine palace.. maaari ko bang malaman kung nasaan si diego?" Napatigil siya sa sinabi ko.

"Wala dito ang hinahanap mong diego, matagal na siyang wala dito"

"Kung ganoon, saan namin siya makikita?" Tanong ni kaiden.

"Sa labas ng isla.. pero kayo makalabas, kailangan niyo munang kalabanin ang mga higante ko! Hindi ko hahayaan na makalapit kayo kay diego!" Galit nitong sabi at tinawag ang mga sinasabi niyang higante.

Nakarinig kami ng sigawan kaya napatingin kami sa likod at nakita namin doon ang tatlong higanteng tao, ang lalaki at ang tataba nila. Paano namin sila mapapatumba?!

"Kung hindi niyo sila matatalo, magiging alipin kayo sa baryong ito.. atakihin na sila!" Sigaw ng pinuno kaya agad tumakbo papalapit sa amin ang tatlong higante.

Agad naming nilabas ang espada at inabangan ang mga higante. Tumango kami ni asriel sa isa't-isa at agad sinugod ang isang higante.

Nagulat kami ng bigla ding maglabas ng espada ang higante at agad iyon inatake sa amin.

Jane POV

"Rachel?" Gulat kong sabi ng makita ko siyang katabi si oliver, hays. Siya pala ang tinutukoy nilang bagong reyna. Ngumisi si rachel at lumapit sa akin. "Akala ko mabait kang tao! Sakim ka din pala sa kapangyarihan!"

My EverythingWhere stories live. Discover now