Pagkatapos ng kanilang sandaling pagninilay, nagpasya silang maglakad palabas ng simbahan. "Tara, bili tayo ng pagkain sa 7/11. Malapit lang dito," aya ni Yuriel.
They were walking when Jaren noticed Ansel's worried face. Lumapit siya rito at mahina niyang tinanong, "Okay ka lang?"
Ansel was pouting. "Malamig."
Jaren had to restrain himself from saying something that might make Ansel really shocked. Like for example, iniisip ni Jaren na nasa labas na rin naman sila ng simbahan, bakit hindi niya pa kunin ang pagkakataon na pakasalan ang binata? Lord, ibigay mo na sa akin ‘to...
Kung meron lang akong singsing na dala, baka lumuhod na ako sa harapan niya at nag-propose...
He shook his head at the thought. What he did next made Ansel stare at him though.
Tinanggal ni Jaren ang scarf na suot niya at isinuot ito kay Ansel. He gently adjusted it around Ansel’s neck, ensuring it was snug and warm.
"Better?"
Ansel blinked in surprise, then smiled. "Yeah, better. Thanks, Atreus."
Jaren felt a warmth spread through him that had nothing to do with the scarf. He couldn’t help but chuckle softly.
Hindi naman talaga ganoon kalamig para kay Jaren, pero iba ang balat ni Ansel—medyo mahina siya sa lamig. Pag nasa van nga sila, palaging ina-adjust ni Jaren ang aircon dahil alam niyang malalamigan si Ansel. Kaya kahit na hindi gaano kalamig ang simoy ng hangin para kay Jaren, dala niya pa rin ang scarf bilang extra, lalo na’t alam niyang sobrang lamig sa Baguio tuwing umaga.
Ansel’s shiver subsided. Hindi niya alam na ang scarf na dala ni Jaren ay para talaga sa kanya.
Naglakad sila patungo sa 7/11, kung saan naghanap sila ng makakain. Kinuha ni Jaren ang paborito niyang sandwich habang si Ansel naman ay naghanap ng maiinom. Matapos makapamili, tumigil muna sila sa isang tabi para kainin ang mga pinamili bago maglakad-lakad sa Session Road.
Arriving at the said place, they happily walked around and toured the shops. Tumigil sila sa mga street food stalls at nag-enjoy ng mga sikat na pagkain tulad ng strawberry taho at grilled corn. They also found a small tiangge that sells souvenirs and crafts, where Kino and Theo bought some gifts for their family.
Si Dianne at Wendy naman ay napahinto sa isang bakery store na tinatawag na Victoria Bakery. Napakaraming tao ang nakapila, ngunit sulit naman ang paghihintay dahil sa mga masasarap na tinapay at pastries na binebenta roon. They bought different types of bread and cakes to taste later.
While walking, Jaren noticed Yuriel and Elijah delightfully eating bibingka. He also saw Soren busily taking pictures of their tour with his camera. Chasen and Kino were trying out some fresh strawberry taho from a nearby vendor. Sina Lane at Reis naman ay nasa gilid lang at nag-uusap.
Meanwhile, Jaren and Ansel strolled through the stalls enjoying the vibrant atmosphere and the cool breeze of the morning
Tuloy-tuloy lang sila sa paglilibot hanggang sa napagod na rin sila at nagdesisyong bumalik na sa van.
"Hala, 11 AM na pala? Ilang oras din pala tayong naglibot," sabi ni Reis habang sila ay nagsiupo at nag-ayos na sa van.
"Lunch muna tayo before pumunta sa next place?" tanong ni Chasen.
"Saan ba next?"
"Mines View Park!"
"Pwede naman tayong dumiretso na ro'n. Okay lang, tita Wen?" lingon ni Yuriel sa harap. "Alam ko may mga kainan naman papunta ro’n. Para hindi na rin tayo lumayo pa."

BINABASA MO ANG
Tutoring Hearts
Romance"I've found my heart learning to love you more each day. Who would have thought it has been yours to teach and guide all along?"