At tulad nga ng inaasahan ko, nakakailang hakbang pa lang kami palayo sa kaniya ay gumawa na naman siya ng panibagong eksena.

"B*tches!"

Sumigaw ba naman?! Anong problema nito? Hindi ba siya marunong mahiya? Feeling close, kung makasigaw, wagas!

"Anong karapatan ninyong talikuran lang ako? Hindi pa tayo tapos!" Nanggagalaiti sa galit na sigaw niya.

Oh my gosh! Nakakastress siya, seriously!

Ano ba talagang problema niya! Kami na nga itong lumalayo sa gulo, tapos siya naman pinapalala pa. Ang liit lang ng problema masyado niyang pinapalaki.

Humarap kaming tatlo sa pwesto niya. Napahinga na lang ako ng malalim. Buti na lang wala akong hypertension, hindi ako maha-high blood.

"Ayaw namin ng gulo Nathalie, kaya kung pwede lang tumigil ka na. Please?" sagot ni Mitchie na mukhang naiinis na rin.

Hello? May pasok pa kami. Tapos nasa Mediocris section din pala siya. Wala ba siyang planong pumasok?

"Ayaw ninyo ng gulo o sadyang duwag lang kayo? Ano nga ba ang aasahan ko sa mga mahihinang kagaya ninyo? Duwag!" pakiramdam ko nagpanting ang tenga ko dahil sa sinabi niya.

"Ayaw niyo ng gulo o sadyang duwag lang kayo?"

"O sadyang duwag lang kayo?"

"O sadyang duwag lang kayo?"

Paulit-ulit na nagpiplay 'yan sa utak ko. Mga salitang pinaka-ayaw kong marinig dahil alam ko sa sarili ko na wala akong nagawa para mailigtas ang mga magulang ko... dahil naduwag ako.

Kung nagawa ko lang lumaban ng mga panahong iyon sana ay kasama ko pa sila. Nakakaramdam ako ng galit sa sarili ko at sa taong nagpaalala ng mga salitang iyon.

*****

Michie.

Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to. Ang sarap niyang ipakain sa mga piranha. Letse! Nakakapag-init ng ulo! Pati si Caela na nagpapakamahinahon na nga para hindi humaba ang gulo, inaaway pa niya!

"Ayaw ninyo ng gulo o sadyang duwag lang kayo? Hahaha. Ano nga ba ang aasahan ko sa mga mahihinang kagaya niyo? Duwag!" Nakakaasar pa 'yung tawa niya. Arrgh.

Sadyang hindi lang kami warfreak katulad niya! Feeling queenbee, hindi naman bubuyog. Pero papasa naman siya bilang si Jollibee. Tutal bida-bida din naman siya. O kaya si McDonald's, tutal mukha din naman siyang clown. Kaimbyerna!

"Mukha kang demonyo sa pagtawa mo Nathalie! Nakakaasar iyang pagmumukha mo." inis na inis na saad ni Sophia..

"Aminin ninyo na kasi na duwag kayo. Mga walang kwenta."

"Enough." ani ng malamig na boses na nagpatigil sa pagtawa ni Nathalie at siyang nagpakaba sa akin.

Napakasimple lang ng sinabi niya pero hindi ito naging dahilan para hindi ako kilabutan. It's full of authority. Hindi maaaring hindi mo sundin.

Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon na sana ay hindi ko na lang pala ginawa. Nakatungo si Caela habang nakakuyom ang dalawa niyang kamay.

I swear! Kinilabutan ako sa pagsasalita niya at naramdaman ko rin ang lamig ng simoy ng hangin na nagpadagdag sa takot na nararamdaman ko.

"H-huh? Anong sabi mo? Akala mo ba matatakot mo ako diyan? D-duwag ka rin naman. Bagay lang kayong magsamang tatlo!" tatawanan ko na sana si Nathalie kung wala lang kami sa ganitong sitwasyon. Fear was visible in her eyes.

"Ahm, C-caela. Ahm... tara na. L-late na tayo." Hahawakan na sana namin si Caela para hilahin paalis pero sh*t lang!

Nagulat at kinilabutan ako nang mag-angat siya ng tingin. Wala na ang maamong kulay abo niyang mata. Her eyes were full of different emotions. Hatred. Longing. Guilt. And her eyes' color – were red. At parang wala itong sasantuhin!

Sa isang iglap lang ay nasa tabi na siya ni Nathalie. Napasinghap na lang kaming dalawa ni Sophia pati na rin ang mga estudyanteng kanina pa nanonood sa amin.

Caela anong nangyayari sa'yo? Lumabas na ba ang kapangyarihan mo?

Kitang-kita ko ang gulat at takot sa mukha ni Nathalie. Kung ako rin ang nasa kalagayan niya siguradong maiihi na ako sa takot.

Mata pa lang niya ay nakakatakot na. Paano pa kaya kung nagpalabas na siya ng kapangyarihan?

"If I told you to stop, then stop! You don't know what can I do on that sharp tongue of yours!" malamig na bulong ni Caela kay Nathalie, na sapat lang para marinig ng mga taong malapit sa kinaroroonan niya.

It gave me goosebumps. Nakakatakot siya. Parang hindi siya ang Caela na masayahin na kasama namin noong mga nakakaraang araw.

Naglakad na siya pabalik sa amin at iniwan si Nathalie na nakatulala lang doon. Ang mas nagpakabog ng dibdib ko ay noong lumapit siya sa akin at sinabing,

"Don't be scared Michie. Ako pa rin 'to." At nauna na siyang umalis sa amin.

Nabasa ba niya ang nasa isip ko? Arrgh! Ano ang nangyayari?

"M-michie, t-tara na. Malilate tayo." Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ni Sophia nang hawakan niya ako upang hilahin para pumunta na sa room namin.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!