9

96.2K 4K 141


Caela.

Masama ang tingin na ipinupukol sa akin ng babaeng ngayon ay nakaupo sa sahig. Nanlilisik ang mga matang tiningnan niya ako na parang anytime ay gusto niyang manakmal. Muntik na akong mapangiwi.

Oh godh, not now. This is my first day here.

"Ahm... I-im sorry Miss. Hindi ko sinasadya." Lalapit na sana ako para tulungan siyang tumayo ngunit hinarang ako ng mga babaeng kasama niya.

"You are so clumsy! You don't know whom you are dealing with!" sabi ng babaeng nabunggo ko na ngayon ay nakatayo na.

Hindi pa rin nagbabago ang masamang tingin na ibinibigay niya sa akin. Maganda siya kaya lang ay masyadong makapal ang suot niyang makeup. At nakakasense na rin ako ng hindi maganda.

Ayokong mapaaway!

"Im really sorry, miss. Papalitan ko na lang ang uniform mo." doon ko lang napansin na natapon pala ang juice na hawak niya sa kaniyang uniform. Im really doomed!

"I don't need your sorry. Just get out of my sight now before I do something you wouldn't like. You f*cking careless and weakling b*tch! Bakit ba pahara-hara ang mga basura ngayon? Kairita!"

Biglang kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya. Aba sumusobra na 'to ah! Bago pa ako umapela ay may babae ng nagsalita para sa akin.

"Sumusobra ka naman Nathalie! Nagsorry na nga sa'yo ang kaibigan namin tapos kung ano-ano pang masasakit na salita ang sasabihin mo sa kaniya. Hindi lang naman siya ang hindi tumitingin sa dinadaanan, pati rin naman ikaw. Kasi kung tumitingin ka, maiiwasan mo sana si Caela. At kung may b*tch man dito ikaw 'yun!" pagtatanggol ni Michie habang hinihila ako palayo sa grupo nila. 

"Tara na nga, Caela." bulong niya sa akin.

"So nakahanap ka pa pala ng isang kaibigan na katulad mo ring walang kwenta? Well, Michie my dear, kahit magsayang ka pa ng laway kakasalita mo diyan, hindi mo pa rin ako mapapantayan. Isa ka lang mababang uri ng nilalang. Isang basura na walang kwenta ang kapangyarihan!" bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay nanunuot sa puso ko. Nasasaktan ako para kay Michie na nadamay lang naman sa gusot ko dahil sa kapabayaan ko.

Napansin ko rin na ang dami na ng nanonood sa amin. Ang sabi ko pa naman kung sakali ay gusto kong maging normal lang ang takbo ng buhay ko dito sa academy pero mukhang malabong mangyari iyon.

"Kung basura kami, ano pa tawag mo diyan sa sarili mo? Langaw? Langaw na umaaligid sa basura. Huwag kang masyadong magmalaki Nathalie, tandaan mo nasa iisang level lang tayo. Wala ka sa Superius section, hindi ka Superiors, kaya pantay-pantay lang tayo dito." Galit na ani ni Sophia.

I'm thankful na bukod kina Mama ay may mga taong magtatanggol pa pala sa akin kahit na madamay pa sila sa gulo ko.

"Oh really? Sa tingin mo pantay lang tayo? Dream on, Sophia! Mahina ka lang, isama mo na 'yang transferee na kasama ninyo. Ang mga katulad ninyo ay hindi nababagay sa school na to. Masyadong pabida, hindi naman maganda!"

Ang talas ng bibig ng babaeng to ah? Sumusobra na kanina pa! Alam ko mabait ako, pero napupuno rin ako. Ang mga katulad niya ay hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahon.

"Tara na Michie at Sophia. Umalis na tayo. Wag na tayong mag-aksaya pa ng oras sa taong hindi naman marunong umintindi. Ang isang paghingi ng kapatawaran ay sapat na. Kung ayaw niyang tanggapin, then be it. Hindi ko kawalan!"

Hinila ko na lang dalawa at tumalikod na para umalis dahil alam kong kapag hindi pa sila tumigil ay may hindi magandang mangyayari. Napahiya si Nathalie at alam kong ang mga taong kagaya niya ay hindi tumatanggap ng pagkatalo.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!