"Hindi ka sasama mag-samgyup?"
Kasama ni Jaren ngayon ang mga kaibigan niya palabas ng gym locker room nila. Pagkatapos ng laro nila, nag-shower na agad siya at saka nagbihis ng panibagong damit. He's now wearing a pecan brown polo shirt paired with cream pants and white snickers. Suot niya rin ang white cap niya, nagdala rin ng extra na relo para maisuot.
"May pupuntahan ako," sagot niya kay Yuriel.
"Saan?" dagdag na tanong pa ni Soren.
"Tignan mo naman ang suot n'yan, halatang may pinopormahan, e," ani Chasen. Nag-fist bump pa silang dalawa ni Yuriel at nagtawanan.
Si Gabriel naman, tinitignan siya na parang sinusuri yung suot niya. "Sabi sa ‘yo maganda ang taste ko sa outfit, e," proud niya pang sabi. Itong kaibigan niya kasi ang nagbigay sa kanya ng ideya na iyon ang suotin.
Si Gabriel kasi yung may pinakamaganda ang style sa kanilang magkakaibigan—maganda manamit, in short. Lalo na't mahilig sa classic outfits ito. O siguro baka dahil kahit anong isuot niya, maganda pa rin sa kanya at malakas ang dating. Ultimo kahit simpleng t-shirt at short lang ang suotin niya, mukha pa ring classic ang dating ng pananamit niya. "That's because of the way I style it," lagi niyang katwiran. Kaya si Soren, panay ang pangungulit na tulungan siyang mamimili ng magagandang damit sa tuwing pupunta sila sa mall.
"Kaya pala pamilyar yung style, e! Gab, ako naman i-dress up mo next!"
"Ano ka, manika?"
"Ikaw, Yuri, sasama ka?" tanong ni Jaren pabalik kay Yuriel.
"Oo, tatabi ako kila Zian. Nag-aaya raw si Gael mag-inom."
"Nandoon si Elijah, ah?"
Nagkatinginan naman ni Soren at Chasen. "Pwedeng sumama kahit hindi naglaro? Sagot naman ng officers ‘yan di ba? Nina Elijah?"
"Siguro? Punta na lang din kayo, tutal hindi naman ako makakapunta. Nauna na ata sila Elijah doon sa place, sunod na lang kayo," saad ni Jaren habang palinga-linga sa paligid na parang may hinahanap.
"I'm also not going. Aalis na rin ako," anunsyo ni Gabriel habang kinakaway ang cellphone. May kausap. Bigla na lang pumunta sa direksyon ng parking lot pagkatapos noon. Dala kasi ng isang 'yon ang kotse niya papunta sa arena.
Minsan duda na talaga silang magto-tropa kay Gabriel. Baka mamaya may girlfriend na pala na tinatago. Hindi rin kasi palasabi ang isang iyon.
Habang naglalakad palabas ng campus at papunta sa gate, kung ano-ano lang ang pinag-uusapan nila. Si Soren at Chasen ay nagkukulitan, habang si Yuriel at Jaren ay tahimik lang silang inoobserbahan, minsan ay nakikisali rin.
Pagdating sa gate, natanaw ni Jaren si Ansel na nakatalikod. Suot nito ang paboritong red cap na lagi niyang sinusuot tuwing pupunta sa bahay nina Jaren. He excused himself to his friends before actually walking towards Ansel.
"Kaya naman pala," saad ni Soren dahilan para matawa si Yuriel.
"Oy, baka naman next time, ha!" sigaw ni Chasen habang naglalakad si Jaren palayo. Kumaway naman siya at ngumiti sa tatlo bago tuluyang maglakad kasama si Ansel.
Later on, his friends went straight to the van that will take them to the said place. Si Ansel naman, napatingin sa direksyon nila.
"I just messaged you," saad ni Ansel na ngayon ay nakaharap na sa kanya.
"Sorry, hindi ko na nabuksan ang cellphone ko. Bakit?"
"Sinabi ko lang na hindi ako makakasama kasi hinahanap ako ni tita."
"Ahh, okay."
"Hindi ka sasama sa kanila?" nakakunot ang noo na tanong ni Ansel kay Jaren habang nakasunod tingin sa paalis na van.

BINABASA MO ANG
Tutoring Hearts
Romance"I've found my heart learning to love you more each day. Who would have thought it has been yours to teach and guide all along?"