Chapter 1

2.8K 63 5

Flames Series 4
In the Name of Love
"Mirah"
By...emzalbino

Wala pa ang bukang liwayway ay nakahanda na si Mirah sa kanyang araw araw na pag eehersisyo. Tinatakbo niya ang kahabaan ng kanilang hasyenda at pag sumikat  ang araw ay saka ito mangangabayo upang libutin ang kabuuan ng kanilang hasyenda.

"Kay aga mo naman iha?" anang mommy ni Mirah na si donya Merced.

"Mommy parang naninibago ka naman sa akin eh" himutok ni Mirah sabay halik sa pisngi ng ina.

"Kasi naman iha eh lagi mo nalang ginagawa iyan eh kay payat payat mo na ah! Hindi ka ba napapagod?" anang donya sa kanyang anak.

"Hindi po mommy, kasi po pag nakaugalian mo na nag ganitong pattern ay hahanap hanapin na ng katawan mo ito. Gaya rin ng pagkain na para bang hinahanap hanap mo ito sa tuwing gutom ka" nakangiting turan ni Mirah.

"O siya bago mo gawin iyan eh uminom ka muna ng kape o gatas para mainitan ang sikmura mo at ng hindi ka magkasakit dahil tiyak na mataas na nag sikat ng araw pagbalik mo ng bahay" ani donya Merced saka tumayo ito papunta ng kusina at nakasunod naman si Mirah sa kanyang mommy.

"Elling paki gawa mo nga ng mainit na maiinom si Mirah" wika ni Donya Merced sa kasambahay nila na noon ay naghahanda ng agahan ng pamilya.

"Ah opo mam!" maagap na sagot ni Elling kay donya Merced....."Ano po ba ang gusto niyong inumin mam Mirah?" tanong ng dalagitang katulong kay Mirah.

"Gatas nalang Elling" sagot naman ni Mirah saka naupo ito......"Paki toast mo narin ako ng bread with cheese please" dagdag na wika ni Mirah na agad namang tumalima ang katulong.

Habang umiinom ng kape si donya Merced ay biglang may naalala ito at napatingin kay Mirah.

"Iha, totoo ba ang balita na bumalik na ang mga Gonzalo?" may pag aalalang tanong ni Donya Merced kay Mirah.

"I think so mommy" sagot naman nito sa kanyang ina.

"Pero bakit ni hindi ko man lang nakikita kahit sino sa kanila? At totoo ba na dumalo pa sa kasal ni Amor iyong bunsong anak ng mga Gonzalo?" muling tnaong ni Donya Merced.

"Yes mommy, si Tim iyon but after that ay ni hindi ko na naman nakita pa o kahit lang sa may hasyenda nila. But much better kung hindi na sila babalik pang muli rito sa ating lugar dahil sila lang din naman ang nag uumpisa ng gulo" napasimangot na tiran ni Mirah.

"Well tama ka anak, but just worried kung malaman ito ng iyong daddy at tiyak na magngitngit na naman ito sa galit" may pag aalalang sabi ni donya Merced.

"No mommy, don't worry to much dahil kung noong maliit pa ako at wala akong nagawang laban para ipagtanggol noon si Daddy, ngayon ay may karapatan na akong gawin ang gusto ko at hinding hindi magtatagumpay ang mga Gonzalo sa anumang binabalak nila!" seryosong saad ni Mirah.

"Pero anak babae ka at lalaki ang makakalaban mo? At isa pa ay tuso ang mga Gonzalo at kayang kaya nilang pumatay ng tao".

"Hindi ako takot sa isang kagaya ni Tim mommy, he looks scary with his killer eyes but i can see it inside him na may isang bagay na mahina na siya" ani Mirah sa ina nito dahil muli niyang naalala ang reaksiyon ni Tim ng isusuot na nito sa kanyang hita ang wedding band na hawak hawak nito. Dahil kahit na anong kunot ng noo nito ng makaharap siya ay kitang kita niya sa mga mata ni Tim ang pagkabalisa ng tumambad sa kanyang paningin ang makikinis na hita ni Mirah at kasabay ng paglunok nito ng sunod   sunod kaya naman mas lalong nakaramdam ng inis at galit si Mirah at nasabi niya sa sarili na may pagka "manyak" ang lalaking kagaya ni Tim.

"But they proven already iha" sagot muli ni Donya Merced.

"Noon iyon mommy dahil wala pa tayong kalaban laban but now ay malalaki na kami at naririyan din si Kuya Marc at kaya kaya na niya tayong protektahan kaya wala kayong dapat ipag alala at kung sakaling gagawa sila ng isang maling hakbang ay pagsisisihan nila ito!" pormal na saad ni Mirah saka nagpaalam na sa ina upang umpisahan na niya ang kanyang daily routine exercise.

.....

Sa Maynila....

Pagkatapos na dumalo ni Tim sa kasal ng kaibigan ni Serge ay ipinasya niyang sumama muna sa kanyang kinakapatid sa Maynila upang irelax kahit sandali ang kanyang isipan at ma refresh lahat ang mga bagay bagay sa kanyang utak habang pinag aaralan nito ang pamamahala ng kanilang hasyenda.

"Well, kailan ba ang balik mo ng Palawan?" ani Serge sabay abot nito ng basong may lamang whisky.

"Probably im not sure yet, hindi ko pa naiisip kung papaano sisimulan ang pagpapatakbo ng aming hasyenda but now suddenly makikita ko ang  mga taong nagparanas ng isang hindi malilimutang ala ala kay lolo Ben" tiim nag bagang na wika ni Tim habang sinisimsim nito ang alak sa hawak nitong baso.

"Tim, that was long time ago! Why you shouldn't forgive to each other para matahimik na ang isa sa inyo at maging mapayapa ang inyong isipan" kunot noong payo ni Serge sa kinakapatid.

"It's so easy to say it Serge but it so hard to do, lalo na kapag nakikita mo ang iyong mahal sa buhay na nagdurusa sa kagagawan nila" muling sabi ni Tim.

"That battle was very long time ago, and I thought everything should be alright because it's very long time na naging tahimik kayo sa isa't isa but suddenly everything has changed when you saw Mirah on Kael's wedding" pahayag ni Serge.

"Because all the pain inside are played back again at ngayon ko lang napatunayan na mas masakit pala dahil sa nakikita mong masaya ang pamilyang may kagagawan ng lahat ng hirap na pinagdaanan noon ng aking lolo".saad ni Tim.

"So anong balak mo ngayon?" kunot noong tanong ni Serge.

"Just watch me!" tanging sagot ni Tim sa pormal nitong mukha.

......

Lumipas ang isang buwang pamamalagi ni Tim sa Maynila ay ipinasya niyang bumalik na ng Palawan upang pamahalaan na ang kanilang hasyenda.

Kagigising lang niya ay agad siyang nagtungo sa kwadra ng mga kabayo at kinuha nito ang isa sa mga iyon. Sumakay siya at pinatakbo ng pinatakbo ito palibot sa kanilang hasyenda.

Nang papasikat na ang bukang liwayway ay kitang kita ni Tim ang kabuuan ng kanilang hasyenda. Iginala nito ang paningin sa palibot ng hasyenda at maya maya pa ay napatingin sa katabing malawak na lupain na pag aari ng mga Sebastian.

"Ngayon mga Sebastian makikita ninyo ang talagang bagsik ng mga Gonzalo! And i will claim the justice for my lolo sa ginawa nila noon at ikaw Mirah ang  pagbabayarin ko para maging patas ang laban!" Nanggagalaiti sa galit na wika ni Tim habang nakatingin sa kabilang hasyenda at ng hindi sinasadya ay natanaw niya si Mirah na noon ay nakasakay ng kabayo na tanging running short at racer back shirt lang ang suot nito.

Saan hahantong ang galit ng isa't isa sa kanila.?

Wala na bang pag asang magkabati ang magkatunggaling mga pamilya?

....itutuloy.

Flames Series 4....In the Name of Love...."Mirah"....by...emzalbinoBasahin ang storyang ito ng LIBRE!