Habang nagsalita si Jaren tungkol sa taong gusto niya, hindi pa rin lubos na maisip ni Ansel na siya ang tinutukoy nito. He had always admired Jaren's openness, but this was different. Nakatingin lang siya kay Jaren, nakikinig sa bawat salita na binibitawan nito. Pero nung sinabi niya ang huling bahagi, kung saan ipinaliwanag ni Jaren ang mga katangian ng nagugustuhan niya, medyo nagulat siya.
But he didn't want to believe the voices inside his head.
He looked back at Jaren, and their eyes locked. The intensity of Jaren's gaze made his heart race. Could it be? Parang nag-uusap ang mga mata nila, at doon niya naramdaman ang bigat at sinseridad ng mga salita ni nito. Ansel felt a mix of shock and something deeper, something he had hoped for but never dared to believe.
"Gusto kita, Ansel."
Parang tumigil ang mundo ni Ansel sa narinig. He was surprised, but at the same time, he somewhat knew where the sudden confession was going. Deep down, he had always felt that there was something, something more than just the friendship they had. Pero mahirap maging tamang hinala, lalo na pagdating sa ganitong bagay.
Ansel’s mind raced as he tried to process everything. How could he have missed it? Or maybe, he just didn’t allow himself to hope too much. Perhaps he was afraid of being disappointed.
Hindi siya makapag-isip nang maayos pagkatapos noon. Walang pumapasok na salita sa utak niya. Walang boses na lumabas sa bibig niya. All he could do was stare at Jaren as he tried to think. Sa paningin niya, blanko ang paligid at si Jaren lang ang nakikita niya.
Before he could even think and utter a word, he heard a voice calling him.
"Ansel," si Gabriel na papalapit. Ilang saglit ay sumunod si Yuriel sa likod. "Tinatawag ka ng officers ng Cogitassians."
Napabaling ang tingin ni Ansel sa boses, kita sa mukha niya ang pagkalito. Samantala, si Yuriel ay nagmamasid lang, sinusubukang basahin ang ekspresyon ni Jaren. Pansin niya ang tensyon sa paligid.
"Ah, okay. Sige, susunod na ako," aniya bago muling tumingin kay Jaren at ngumiti. "I'll text you later."
"Sure," halata sa mukha niya ang pagkadismaya. Parang lagi na lang naaabala ang pag-amin niya. He was kind of sad—and annoyed—pero hindi niya iyon pinakita.
Nang makaalis si Ansel, nagtago agad ng mukha si Jaren, hindi makapaniwalang naputol na naman ang pag-uusap nilang dalawa. Yung dalawang kaibigan niya naman, lito siyang tinignan at umupo sa tabi.
Nakakainis, palagi na lang!
"Anong nangyari?" tanong ni Yuriel, bakas ang kuryosidad niya sa mukha.
Umiling lang si Jaren habang nagtatago pa rin ng mukha sa kanyang mga kamay.
Napansin ni Yuriel ang maliliit na galaw ni Jaren—ang paraan ng pagtatago ng mukha, ang pagkabigo sa mga mata niya. Umamin na siguro ‘to, isip niya sa sarili. Kaya nagbiro siya. "Si Ansel ba?"
Jaren didn't answer.
"Umamin ka na ‘no?"
He stilled before answering, "...Oo," sagot niya mula sa likod ng kanyang mga kamay.
"Gago, joke lang. Pero totoo nga?!" sabay halakhak ni Yuriel.
"Oo nga!" ulit ni Jaren, tinanggal na ang mga kamay mula sa mukha at pinakita ang pamumula ng pisngi niya.
"Ahh, I knew it," bulong naman ni Gabriel na may halong tawa sa boses.
"Alam mo rin?!" tanong ni Jaren, medyo napalakas ang boses niya kaya agad niyang tinakpan ang bibig niya.

BINABASA MO ANG
Tutoring Hearts
Romance"I've found my heart learning to love you more each day. Who would have thought it has been yours to teach and guide all along?"