HIDE AND SEEK 1
[16 minutes ago before they heard the loud screams.]
Noong makahanap si Whisper ng kwarto, ilang minuto pa ang lumipas bago makahanap ng isa si Primo. Naglalakad siya no'n nang magtaka siya na wala man lang siyang kahit na isang pinto na makita, kaya naman ni-check niya ang mga hedges. Nang may mapansin na dalawang maliit na space at dalawang mataas na guhit, sinubukan niyang itulak ang na sa gitna ng mga 'yon. Nang mabuksan ni Primo ang pinto, roon niya napagtanto na hindi literal na kwarto ang hinahanap niya dahil gawa lamang ang space na 'yon para mapagtaguan.
﹌﹌﹌﹌﹌
「 ✦ ROOMS ✦ 」⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
1 - Empty
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
2 - Empty
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
3 - Full
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
4 - Occupied
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
5 - One slot available
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
6 - Full
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
7 - Empty
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
8 - One slot available
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
9 - Empty
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
10 - Empty
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
11 - Occupied by one person
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
12 - Empty
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
13 - Empty
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
14 - Occupied
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝⚝──⭒─⭑─⭒──⚝
15 - Empty
⚝──⭒─⭑─⭒──⚝﹌﹌﹌﹌﹌
"Matutulog muna ako, ha? Pakigising na lang ako kapag natapos na ang laro," ani Xia saka sumandal sa hedge.
Tumango naman si Whisper. "Okay, no problem," sagot niya saka sumandal sa kabilang dulo. Magkaharap na sila ngayon.
Ipinikit na ni Xia ang mga mata niya, habang pinagmasdan na siya ni Whisper. At dahil walang mapaglibangan si Whisper, tumingin-tingin siya sa bawat sulok ng kwarto, balak tingnan kung may camera ulit. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya 'yong nakita niya kanina sa classroom.
Nang walang mapansin na camera ay nakahinga siya nang maluwag. Paglipas ng ilang sandali, pinikit niya ang kaniyang mga mata. Wala na siyang magawa kaya binalak na lang niya na matulog din. Magiging risky kasi kapag lumabas siya para lang aliwin ang sarili niya.
"Seekers, it's time to hunt."
"Simula na," bulong ni Whisper sa sarili, nanatiling nakapikit.
THUD!
Napadilat siya nang may marinig sa labas. Sinandal niya ang kaniyang taenga sa pinto para marinig kung ano ang nangyayari, pero hindi na nasundan pa ang narinig niya kahit ilang minuto na ang lumipas.
Nilayo niya ang taenga sa pinto at pinagmasdan 'yon. She contemplated whether to open the door and look outside or remain hidden. Gusto niyang i-check kung ano ang nangyari sa labas, pero hindi niya rin magawang buksan ang pinto dahil baka pareho silang mapahamak ni Xia.

BINABASA MO ANG
Child's Play
Mystery / ThrillerIn Brookfield High, two sections are forced to play childhood games that now mean life or death. Every loss brings them closer to danger, forcing them to form alliances and face deadly challenges to survive.