Chapter 20

1.2K 60 16
                                    

"Pwedeng magtanong?"

Nasa library silang dalawa ngayon. Ala-una y medya nang matapos ang practice nina Jaren sa volleyball, at pagkatapos magpalit ng damit ay dumiretso siya rito. Walang tutor session ang mga kapatid niya ngayong araw kaya naisipan niyang samahan si Ansel na mag-review at mag-advance reading.

"You're already asking."

"Haha. Funny," Ansel smirked at him annoyingly but then nodded, approving Jaren to ask him.

Before Jaren could ask, a brief silence engulfed them. Hindi naman si Ansel ang tipo na namimilit kaya hinayaan niya na lang itong magsalita at hindi minadali.

Nang sa wakas ay nagpasya na si Jaren na magsalita, inalis niya na ang tingin sa notebook na binabasa niya at itinuon ang pansin sa binata.

"Why do you like Philosophy so much?"

Matagal niya na itong gustong itanong sa binata. He couldn't help but wonder why Ansel was so passionate about philosophy. Why was he so drawn to it? What did it give him that nothing else could?

Ansel stared at Jaren in confusion. Bahagya siyang natigil sa pagsusulat, at binalik ulit ang atensyon sa ginagawa.

"Why ask?" he fired back another question to Jaren.

"Kasi... You know, I noticed that when you give me your notes, especially in philosophy, sobrang detailed ng sulat mo. I mean, don't get me wrong. All of your notes literally saved me. Lahat detailed, pero ang laking difference pagdating sa philosophy, kasi mas detailed ang notes mo sa subject na 'yon," sunod-sunod na sabi niya. "Just an observation..."

Ang notes na ata ni Ansel ang sumalba kay Jaren sa pagiging student-athlete niya. Kapag ipinapahiram siya ni Ansel ng notes sa mga subject na hindi niya napasukan dahil sa practice, hindi lang niya ito binibigay, tinutulungan niya rin si Jaren maintindihan ang mga ito.

Kaya kapag tinuturuan siya nito, Jaren actively and attentively listens to Ansel. Nagsusulat din siya ng sarili niyang notes kung paano niya naintindihan ang mga itinuro sa kanya. Nakikinig naman siya sa mga prof niya, pero mas naiintindihan niya si Ansel.

Natigil naman si Ansel sa pagsusulat at humalukipkip. Maya-maya pa ay binalik niya ang magkabilaang siko sa lamesa at kinuha ulit ang panulat, pinapatama sa kanang sentido, at umaktong nag-iisip.

Nakatuon pa rin ang atensyon ni Jaren sa binata at hinihintay siyang mag-isip, "Kasi pilosopo ako."

Alam ni Ansel na seryoso itong naghihintay sa sagot niya kaya binasag niya ang pagkaseryoso nito at tinukso.

"E, ano nga..." the latter softly whined. He put his hands on his chin then slightly moved his body towards Ansel, then stared at him, giving him his full attention.

Ansel chuckled, "I don't know, I might just be obsessed with the idea of acquiring knowledge..." he started.

Nakatitig pa rin si Jaren sa kanya. Hinihintay siya na mag-kwento.

"It's a long story."

"Okay lang, makikinig ako. Nagtanong ako, e."

Napabuntong-hininga na lang siya at nagsimula.

"When I was a kid, I stumbled upon a book called Man's Search for Meaning, it was written by world-renowned psychiatrist Victor Frankl. Hindi ko alam kung saan galing ang libro na ‘yon, nakita ko lang sa shelf ni tita, tapos naisipan kong basahin."

"That book is about an exploration of how one may find meaning in the most unusual places, even in the horrendous environment. Maganda iyon. It talks about how finding meaning in life is one of human’s motivations. The core of Frankl's philosophy is that a person's greatest desire is to find meaning in their life, and once they achieve this, they can endure anything," aniya. "Marami rin siyang magagandang quotes sa libro na iyon."

Tutoring HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon