Prologue

12 3 2
                                    

Ang eskwelahang Brookfield High ay isang sikat na eskwelahan sa bansa, kilala ito dahil maraming artista at mga sikat na negosyante ang nakapagtapos sa naturang eskwelahan. Nanatili itong nangunguna sa listahan sa may mga pinaka magandang reputasyon at magandang eskwelahan sa bansa. Tanging mga mayayaman lamang ang may afford ng tuition dito.

Maganda pa rin ang takbo nito hanggang sa mga sumunod na dekada, ngunit biglang bumaba ang ratings nito nang may dalawang section ang bigla na lang naglaho sa eskwelahan. Ang dalawang section na 'yon ay pinalaro ng mga larong pang bata at ang bawat kilos nila ay naka-live stream, maliban na lamang kapag tulog at naliligo. Noong una, hindi ito sineryoso ng mga mag-aaral at mga tagapanood dahil pang bata lang naman ang lalaruin nila, ngunit ang hindi nila alam, ang bawat pagkatalo ng mga kalahok ay may consequence, at iyon ay ang kamatayan.

"Anong sunod na laro naman kaya ang lalaruin natin?"

"Wala akong ideya."

"Hanggang kailan ba tayo maglalaro? Ayoko na makakita pa ng mamamatay!"

"N-Natatakot na ako, akala ko simpleng laro lang pero bakit... bakit humantong sa ganito? Bakit kailangan kong madamay dito, ano ba ang ginawa kong masama?"

***

Join Us Live for the Child's Play!

Experience the magic of childhood on stage! Tune in now to watch our live stream of the child's play with Brookfield High students. Don't miss a moment of the fun and excitement!

[Watch] [Ignore]


Child's PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon