Epilogue:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘Ang malakas na sigawan ng mga students ang maririnig dito sa gitna ng field habang ang university's band ay tumutugtog sa harap namin.
Patutunguhan by Cup of Joe ang kakantahin nila.
Pataas na naman mga alon
Nalulunod sa ’king ilusyon
Ba’t gano’n
Sino ‘yonNapatingin ako sa direksyon ni Archer, nakangiti siya habang sinasabayan ang kanta.
His entire face radiated joy. The light from the stage danced across his face. His eyes were glowing. Masaya siya.
Napangiti rin ako at kinuha ang kamay niya. Nang tignan niya ako ay ngumiti ako. He rest his head on my shoulder habang sumasabay pa rin siya sa kanta.
Gaya ng beat ng music sa stage, malakas din ang tibok ng puso ko.
Mahal ikaw lang
Ang nakikita ng bulag kong paningin
Ikaw lang
Ang ilaw sa dilimHabang maingay ang paligid. Nakatuon lang ang tingin ko sa mukha niya. Parang nawala na ang ibang tao sa paligid namin at kami na lang ang nandito sa malawak na field.
Diretso lang tingin sa hilaga
Abot-tanaw ang iyong hiwaga
Timog, silangan at kanluran
Ikaw pa rin ang patutunguhanThat's when I realized, matagal ko na palang nahanap ang nawawalang inspiration sa buhay ko.
It's him.
Ryle Archer Soler.
Habang nakatingin ako sa kan'ya ay unti-unting naliliwanagan ang isip ko.
Mula noong tumigil ako sa hilig ko sa pag-pi-paint, siya ang una ko ulit na iginuhit. His face. His smile.
Siya.
He's the art that I wanted to paint. Pero alam kong hindi ko maju-justify ang ganda niya, pero gusto ko siyang ipakita sa mundo. Gusto kong makita kung gaano kaganda ang ngiti niya.
"Ano mang takbo ng panahon
Kahit na ako’y biglang matangay
Wala mang himlay
Basta ako’y patungo sa ’yo."Napatingin siya sa'kin nang kantahin ko ang verse na 'yon. Sa'yo ang patungo ko, Archer. Ikaw ang patutunguhan, iligaw man ako. Babalik ako sa'yo.
"Makikinig ka ba sa'kin? I want you to know the reason why I stop painting." Bulong ko.
Umayos siya ng tayo at humarap sa'kin. "Sure ka bang handa ka nang sabihin sa'kin?" Tanong niya. Tumango ako.
...
"Ang ganda ko diyan!" Nakangiting sabi ni Jas habang nakatingin sa pini-paint ko. Nasa harap ko siya ngayon at siya ang model ko para sa art subject namin.
"Huwag kang gumalaw!" Sabi ko at inilayo sa kan'ya ang canvas dahil hindi ko pa tapos.
"Ang arte, tapos naman na, e." She crossed her arms while her brows were knitted.
"Ang ingay niyo na naman love birds, tama na kayo!" Sigaw iyon galing sa pinsan ni Jas na si Kenna. Ewan ko ba at nandito 'to, ibang school naman 'to, e. Nakikiepal sa bonding namin ni Jas. May dala nga rin siyang gamit sa pag-pi-paint.
"Ikaw ang tumigil, Kenna. Epal." Sagot ko. Agad siyang lumapit sa'kin at inagaw iyong paint brush saka niya iyon hinampas sa braso ko.
"Pasalamat ka at boyfriend ka nitong pinsan ko, kun'di kanina pa kita sinakal." Sabi pa niya.

BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024