Chapter 18

1.1K 48 1
                                    

Matapos ang kanilang oras sa library, dumiretso na sina Ansel at Jaren sa bahay para sa kanilang tutoring session. It was the first session after the exam. Mga dalawang linggo na rin ang nakalipas.

Pinag-usapan din nila ang changes sa schedule. Kung dati ay apat na araw, ngayon ay tatlong araw na lang sa isang linggo ang tutor ni Ansel.

When they finally finished the activity Ansel gave the kids, Jaya immediately looked for Jaren. Nagsabi siya na may materials siya na kailangang bilhin para sa isang project niya. Niyaya siya ni Jaya na sumama, pero tumanggi si Ansel, sinabing hihintayin na lang niya ang mga ito at gagawin na lang muna ang sarili niyang mga assignments, at para na rin mabantayan si Ravi.

Naiwan Ansel sa bahay kasama si Ravi na ngayon ay tulog na sa kama. Si Nanay Betty naman ay namalengke rin, kaya siya na lang talaga ang naiwan para magbantay sa bata. Habang gumagawa siya ng requirements at notes, nakaramdam siya ng uhaw, kaya naisipan niyang bumaba para kumuha ng tubig.

Habang nasa kusina, narinig niyang may pumasok sa bahay. Akala niya sina Jaren na, pero nagulat siya nang makita niya ang isang maputing babae na kaswal ang suot at may white coat—na sa isip ni Ansel ay pang-doctor—na bitbit sa kaliwang braso, at bag naman ang hawak sa kanang kamay.

It was Jaren's mother.

She had short, neatly styled hair that framed her face perfectly. Her skin was fair and smooth, giving her a youthful appearance despite her age.

This was his first time meeting Jaren's mother, so it was kind of overwhelming for him. Ansel stood there, momentarily stunned. The woman before him exuded a calm but also an intimidating presence. Before he could gather his thoughts, she spoke.

May ngiti ito sa labi nang makita niya si Ansel, na para bang may ideya na ito kung sino siya, kaya medyo gumaan ang pakiramdam niya, "Hello, you must be Ansel."

He was slightly taken aback, but still nodded. "Ah, yes. Good afternoon po, ma'am."

Pumasok naman ito sa kusina at inilapag ang mga bitbit na gamit. Tumawa ito nang tawagin siya ni Ansel na 'ma'am'. "Drop the formality. I'm Karina. Tita na lang ang itawag mo sa akin. It's nice to finally meet you, by the way. Atreus and the kids talks about you a lot."

Ansel managed a polite smile. Medyo magkalapit na sila ngayon. Habang nagsasalita ay inaayos ni Karina ang gamit sa mesa. "Mabuti po at naabutan ko kayo. Um... nagpunta po kasi sila Jaren at Jaya para bumili ng materials for a project."

"I see. Thank you for staying here with Ravi. I appreciate it."

"Walang anuman po, tita. Mahimbing naman po ang tulog ni Ravi kaya walang problema."

Karina looked at Ansel thoughtfully. "You know, Jaren tells me you’re an excellent tutor. They're really improving their studies because of you."

"Thank you po. Masipag naman po silang lahat."

Karina’s gaze softened. "And wow, you’re really good-looking like what my kids say. And a good kid too."

Ansel blushed slightly at the compliment. He thanked her again. Sa totoo lang, hindi niya alam ang gagawin niya. Gusto niya na lang ulit umakyat sa kwarto sa taas pero ang sama niya naman kung iiwan niya lang itong mag-isa sa baba.

"Why don't you join me for a minute? I'm making tea."

Nagulat siya sa pag-aya nito. Pero um-oo pa rin siya.

"...Sige po."

"Mauna ka nang maupo sa sala. I'll be there shortly after this."

Tumango siya at nauna nang pumunta sa sala gaya ng sinabi nito. Umupo siya sa long sofa na katabi ng single couch, then he slightly leaned at the armrest, patiently waiting.

Tutoring HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon