Chapter 20: [ Alaine De Castro]

153K 4.8K 1.1K
                                    

MYRTTLE JOONG

"Bakit kasama mo siya?" Sabay at nakabusangot na tanong ng kambal na si Kiera at Ash kay Blaise.

Buong pagtatakha naman naming tinignan ang dalawa na sinagot naman ng masamang tingin ng isdang ito.

Pfft. Kambal na kambal ah?

Ngunit nabalik kay Alaine ang atensyon ko ng narinig ko itong humikbi. Maluha-luha ang mata ng babaeng ito na walang gana ko lang ding tinapunan ng tingin.

Anong iniiyak iyak niya?

Dahil dito'y napapalatak nalang si Blaise ngunit mas hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Sinsero niya itong pinakalma kasabay ng pagbigay nito ng panyo kay Alaine. Hindi ko alam kung ako lang pero mas masakit sa mata ang ginagawa ng isdang ito ngayon kesa sa ginawa ni Landon kanina!

"Wahh Ash! Pinaiyak mo si Ate! Anong name mo ateng nakasalamin?" Masayahing tanong ni Ethan sa babae.

Medyo nabawasan naman ang pagkainis ko dahil sa gestures ni Ethan. Nakakatuwa dahil ang friendly ng batang ito.

Pero hindi ko parin magawang kalimutan nalang ang lahat. Tila may kung ano sa babaeng ito na hindi ko maintindihan. Para siyang may nililihim na ewan! Una, doon sa masamang pagtingin niya sakin sa canteen. Pasalamat pa nga siya at niligtas ko siya nun pero iyon ang igaganti niya? Tss. Pangalawa, doon sa sadya niyang pagtabig sakin para mapaso ako! Inililigtas ko lang naman siya ah?! Whats wrong with that! At ngayon naman ay ang pagarte niya ng ganito? Bakit gano na ba kasakit ngayon ang tanong na 'bakit kasama mo siya'?

Ugh. May point ba talaga ang pinagiiisip ko? Ni wala nga akong proweba na may saltik ang babaen ito 'e. O sadyang judgemental lang ako?

Nagpakawala nalang naman ako ng buntong hininga nang marealise kong walang kwenta ang pinagiiisip ko.

Tss. Nag o-overthink nanaman ako.

"Hey are you alright?"

Napatingala ako at nakita kong si Hunt ito.

"Yep, just... never mind me." Pagiiba ko ng topic at nginitian ko nalang ito.

Ayus din pala 'tong si Hunt 'e. O sadyang weird lang din ako kaya magkasundo na kami ngayon?

Whatever. Ang mahalaga binigyan niya ako ng lollipop kanina!

"I'm Alaine De Castro. My family is one of the stockholders of this University. And we—"

"Okay that's enough. He only asked your name not your life story." Walang modong pigil ni Agata dito. Bagay na muktik ko nang ikinatawa dahil may punto naman talaga siya.

Napalingon naman ako sa magkatabing si Landon at Linzy ng sabay itong nagpigil ng tawa na nagirapan din naman agad. Weird.

"What's wrong with you guys? Be nice to Alaine. She needs us. Mr. De Castro and Lolo demanded me to take care of her. So please." Iritang anunsyo ni Blaise saamin. Habang ginagawa nanaman ang kanyang paghalukipkip na kadalasan niyang ginagawa pag galit ito.

So Baby sitter na pala siya ngayon Nice.

BLAISE HARRISON BLAIRE

Tsk. Ang pinaka ayoko sa lahat ay 'yung malalapitan ako ng babaeng ni hindi ko naman ka-close! Nakakainis pero wala naman akong magawa dahil ang Lolo na mismo ang nagsabing gawin ko 'to. UGH!!

Well, I'm trying my best just to be nice to her. Pero badtrip lang, ayaw makisama maging ng mga Rulers!

At isa pa, kung makadikit siya sakin! Alam ba niyang si Celine lang ang nakakahawak sa braso ko?!

HARRISON UNIVERSITY: The School Of Monsters [Published under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon