Chapter 17

1.1K 41 4
                                    

Nang makarating sila sa bahay nina Ansel, hinintay muna ni Jaren na makapasok si ang binata sa loob bago siya umalis. Nagpasalamat si Ansel sa kanya sa huling sulyap, tumango naman si Jaren at nagbigay ng maliit na ngiti bago tumalikod.

Maglalakad na sana siya nang tumunog ang notification ng phone niya.

It was a text from Chasen.

Chasen:

Saan ka? May condo pala rito sa Cavite si Gab, nandito kami ngayon.

[Location] Punta na. Ayaw mag-kwento nitong isa kasi wala ka pa raw.

Jaren:

Okay, OTW.

Halos 20 minutes din ang byahe niya. Pagdating niya sa harap ng condo ng kaibigan, nag-doorbell muna siya para makasigurado kung tama ba yung unit na napuntahan niya. Sandali lang siyang naghintay at narinig niya na ang yabag ng mga paa papalapit sa pinto.

Nang bumukas ang pinto, si Gabriel ang sumalubong sa kanya. "Finally," bati nito, pero may ngiti sa kanyang mukha. Napansin agad ni Jaren ang band-aid sa labi nito.

Parang kanina lang sakit na sakit siya sa sugat niya sa labi, pero ngayon ang pilyo ng ngiti.

Natatawa naman siyang tumingin dito. "Sorry, may hinatid ako," aniya at pumasok sa loob. "Bakit ‘di ka pa raw nagk-kwento?"

"We just got here, like, 25 minutes ago. Bumili lang muna kami ng food. Sabi ko hintayin ka na para hindi na ako mag-kwento ulit."

Agad niyang nakita sa sala sina Chasen, Yuriel, Soren, at Elijah na kumakain na. Si Chasen at Soren ay naglalaro rin ng console sa TV. Malaki naman ang unit ni Gabriel. Kasya sila. Sa totoo lang pwedeng tumira ang dalawang tao rito lalo na’t dalawang ang kwarto. Pero wala pang nahahanap na kasama sa unit si Gabriel, kaya medyo roomy ang lugar para sa kanya.

"Uy!" sigaw ni Soren, halatang natutuwa sa pagdating ni Jaren. "Ang tagal mo, pre. Nagutom na kami kahihintay sa kwento ni Gab."

Jaren settled down on the couch beside Yuriel, who scooted over to make space for him. Gabriel took a seat on the armrest of the couch, while Chasen and Soren continued their game, though they were clearly more interested in the conversation about to happen. Then Elijah sat cross-legged on the floor, facing the group, munching on some snacks.

Nag-ayos pa ulit ng pagkain si Gabriel sa mesa at umupo na rin ulit sa tabi ng mga kaibigan niya. They were all waiting expectantly for him to start

"Okay, so ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni Chasen habang hindi inaalis ang mata sa laro nila ni Soren. "Buti na lang at hindi tinawag ng principal si tita Shar. Nako yataps ka roon pag nalaman niyang may bangas ka sa mukha sa first day mo sa Crestview."

Gabriel chuckled, "She's in Manila. Kahit tawagin pa siya, I doubt she'll drive here when she hears what happened. She's having her time there."

"Ayon pa. Bakit ka nandito sa Cavite, e, ang ganda ng school mo sa Manila?" tanong ni Soren, na ngayon ay nasa kaibigan na ang tingin.

"Things happened. And I'm looking for a cat."

Nakakunot ang mga noo nilang lahat at napatingin sa kaibigan.

"Pucha! Wala bang pusa sa Manila at dito ka pa talaga dumayo?"

"Anong klaseng pusa ba ‘yang hinahanap mo?" tanong naman ni Jaren na natatawa. Iba talaga itong isang kaibigan nila. Magulat na lang sila, hindi pala talaga pusa ang hinahanap ni Gabriel.

"Basta. I'll tell you next time. Anyway, what happened earlier was just a misunderstanding. I told him that his girlfriend had nothing to do with me. Hindi naman ako gago parang mang-agaw. Sinabi ko na lang kung ano talaga yung nangyari. Then we already settled it. Aggressive lang talaga yung lalaki. I can't believe na kaklase ko siya."

Tutoring HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon