Chapter 34:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"I'm not going anywhere." Natatawang sabi ni Archer nang mahigpit kong hinawakan ang kamay niya sa gitna ng maraming tao rito sa field kung saan kami pumunta para maghanap ng pwedeng bilhin sa mga bazaar booths.
Marami ngayong booth. May food bazaar, mga clothes, accessories at kung ano-ano. Ang pinunta lang talaga namin ngayon dito ay ang food bazaar, maraming pagpipilian. May Filipino street foods, Thai foods, Korean and Japanese foods.
"Baka kasi mawala ka." Sagot ko sa kan'ya at hinigpitan pa ang hawak ko sa kamay niya. Tinulak naman niya ako ng mahina, pero natatawa rin at napailing. Napangiti ako at tumingin-tingin na rin doon sa iba't ibang mga pagkain.
"What do you want? Ito ba? Ito?" Isa-isa kong pinagtuturo 'yong mga pagkain na tinitinda nila. "O, baka ako gusto mo?" Sabi ko pa.
Tinignan niya ako na salubong ang kilay, "Napaka-corny." Sabi niya at kumuha ng dalawang stick ng banana cue.
Bumili rin siya ng dalawang fruit juice para sa'min, saka kami bumalik sa bleachers. Nandoon na rin sila Davy para manood ng performance ng every department sa festival dance at kung ano-ano pang pakulo nila ngayong foundation.
"Mamaya manood tayo ng basketball game." Excited na sabi ni Kenna. Humawak pa sa braso ni Archer kaya agad akong pumagitna.
She glared at me. "OA ka naman Arrow. Hindi naman ako mang-aagaw. Ikaw nga 'tong—"
"Wala akong inaagaw sa'yo dahil hindi naman naging kayo." I cut her words. Nag-boo pa sila Andrei at Davy na siyang mas ikinainis ni Kenna kaya natawa na lang ako. Pero agad ding nawala dahil mahina akong siniko ni Archer.
"Kasali ka mamaya sa basketball game 'di ba, Rowan? Manonood kami. We'll cheer for you." Sabi ni Ria.
"Yeah. But I'm just a substitute player. Kulang lang kasi ang department namin ng player." Sagot niya.
Well, nakakapaglaro naman kaming apat ng basketball minsan kapag trip lang namin magpapawis, lalo na rin kapag bumibisita sila sa bahay. Masasabi ko na magaling si Ro sa basketball.
"Okay lang 'yan, ikaw ang pinakamagaling na bangko kung sakali." Sabi pa ni Davy na natatawa. Natawa rin kami dahil doon. Siraulo talaga 'to.
"Ikaw Archer, may sinalihan ka ba?" Tanong ni Kenna kay Archer kaya napatingin kaming lahat sa kan'ya.
"Yup. Sa debate." Sagot niya.
"Really? So, we're going to compete with you?" Sabi ni Maeve. "Good luck to us, Arc." Sabi pa niya at nginitian si Archer. Ngumiti rin sa kan'ya ang huli kaya napairap ako.
"OA talaga ni Arrow. Napakaseloso. Talagang pati kami pagseselosan mo, ah?" Sabi ni Cali at inirapan ako.
"Bakit ako magseselos sa inyo, e hindi naman kayo papatulan ni Archer." Sagot ko. Sumigaw ulit si Andrei at Davy.
Tang ina. Imbes yata na manood kami sa opening program ay ito ang pinag-gagawa namin.
Hindi ko na lang sila pinansin dahil puro lang naman sila kalokohan. Kinuha ko ang kamay ni Archer. Pinaglalaruan ko 'yon. Ang lambot kasi.
Iginuhit ko sa palad niya ang salitang 'I love you'. Nang tumingin ako sa kan'ya ay nakatingin din pala siya sa'kin.
"I love you." I muttered. Sinagi niya ako at umirap, pero ngumiti rin naman kalaunan.
"Ang tagal matapos ng program." Sabi ko. I lean on his shoulder. Pinaglalaruan ko pa rin ang kamay niya. Hindi naman siya umangal kaya napangiti ako.
"Potek na 'yan. Sana pala hindi ko na iniwasan 'yong sasakyan kanina. Sa inggit lang pala ako mamamatay." Narinig kong sabi ni Ria. Hindi ko sila pinansin sa mga side comments nila. Bahala sila mainggit diyan.

BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024