"May transferee raw?" akbay ni Yuriel kay Jaren. Kasama nila si Elijah at kasalukuyan silang naglalakad papunta sa canteen dahil may biglaang meeting ang mga teachers kaya naisipan nila na tumambay na lang muna.
Abala si Jaren sa pagta-type sa phone niya, nakatuon ang buong pansin sa screen. Natigilan siya saglit nang marinig ang tanong ni Yuriel.
"Huh? Katatapos lang ng midterm ngayong 1st sem ah? Buti pinapasok pa siya?" tanong niya at nagtataka, habang ini-slide niya sa bulsa ang cellphone.
"Kaya nga, e. Pero hindi pa alam kung saang section ‘yon mapupunta. Nga pala, nakita mo ba ‘yung dalawa?" dagdag ni Yuriel habang nagmamasid sa paligid. Umiling naman siya. Maya-maya ay dumating na rin ang isang kaibigan nila.
"Aray ko! Tangina mo, Chase!" angal ni Yuriel nang bigla siyang sipain ng kaibigan. Wala talagang pinipiling lugar ang dalawang ito sa pagbabangayan.
Love language talaga nila ang physical attack.
"Oh, ayan na. Bakit ba nandito ka agad. Ba-backstab-in pa sana kita e," sabi ni Yuriel, kunwaring inis.
"Hindi ko mahanap si Kylo kaya dumiretso na ako rito. Ilan ka sa physics?" tanong ni Chasen, diretso sa punto.
"Panira ng araw, amputa," sagot ni Yuriel habang napapailing. Kung si Elijah ang binansagan nilang Math Lord, kabaliktaran naman nito si Yuriel. Matalino naman silang magto-tropa, sadyang hindi lang forte ni Yuriel ang math. "Ano nga!?" pamimilit pa nito.
"Mataas," simpleng sagot ni Yuriel sa kanya, medyo nang-aasar.
"Maniwala," biro ni Chasen.
Habang nag-aaway ang dalawa, kinuha ulit ni Jaren ang cellphone niya sa bulsa. Binuksan niya ulit ito at dumiretso sa messages.
Sinuntok niya sa braso ng kaibigan. "Ano... Forty four."
"Muntik ko nang marinig," sambit ni Chasen dahilan para masipa siya ni Yuriel.
"Yung exam ba o quiz? Fifty ako sa exam," gatong naman ni Jaren.
"Yabang, porket may nagtuturo sa kanya," anito at sinamaan ng tingin ang kaibigan. "Yung exam. Ang dami kasing formula. Napagbaliktad ko... Bakit ikaw, Axl, ilan ka?"
"Forty five. At least mas mataas ako sa 'yo ng isang points. Ikaw, 'lijah?" tanong nito sa tahimik na kaibigan. Ang isang 'to kasi ay wala talagang imik. Kung ano lang ang itanong mo sa kaniya, 'yon lang din ang sasagutin niya.
"'Yan pa talaga tinanong mo, e si Mr. Batak 'yan sa memorizing at solving. Syempre almost perfect 'yan," tama naman si Jaren. Sa tropahan nila, si Elijah talaga ang pinakamatalino.
"Sabagay. Teka nga, bakit ang tagal nung isang ‘yon? Yung tukmol na 'yon kinalimutan na tayo."
Hinihintay lang nila si Soren habang nakatambay sa canteen. Natyempuhan rin kasi na ang mga teachers dapat nila sa oras na 'yon ang nasa biglaang meeting. Mabuti na rin 'yon para magkakasama silang tropa. Minsan na lang din kasi sila mabuo dahil nga magkakaiba ang section nila. Si Jaren ay nakaupo at patuloy pa ring nagta-type sa phone niya, samantalang si Yuriel at Chasen ay nagkukwentuhan tungkol sa mga nakaraang exams.
Maya-maya pa ay nagulat na lang sila sa biglaang pagpasok at sigaw ng ibang estudyante.
"Ma'am! Sir! May suntukan po sa room!" sigaw nila at tumigil saglit. Bakas ang pagod sa mukha nila dahil hingal na hingal at mga pawis pagdating.
"Ay nako, tigilan niyo ako r'yan sa mga gan'yanan ninyo! Magda-drama kayo nang gan'yan tapos pagpasok ko sa room, surprise lang pala. Magsipasok kayong lahat!"
"Hala, ma'am, wala naman pong okasyon ngayon. Bakit ka namin i-su-surprise..."
"Aba't! Anong strand ba 'yan at nang matapos na!"

BINABASA MO ANG
Tutoring Hearts
Romance"I've found my heart learning to love you more each day. Who would have thought it has been yours to teach and guide all along?"