Chapter 31

5.2K 196 12
                                    

tw: abuse and suicide

Chapter 31:
Archer's Point of View

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Sa tingin mo, Arc? Papayag ba si Isla na ligawan siya ni Arrow?" Tanong ni Ailee. Nakatingin kaming tatlo kay Isla at Arrow na nag-uusap sa field.

Bumuntong hininga ako. Ang sakit talaga makipaglaro ang tadhana. Pati pagpana ni Kupido, lagi na lang sablay.

"Napaka-insensitive ng tanong mo ate Ailee." Sabi ni Cairo. Umikot ang mata ko nang makita na nagsisikuhan pa sila roon habang tumitingin-tingin sa'kin.

"Sorry, Archer. Nakalimutan ko, gusto mo nga pala si Arrow." She apologized. Okay lang naman, anong magagawa ko kung hindi ako 'yong gusto?

Magsasalita na sana ako nang makita naming naglalakad na si Isla palapit sa'min. Kumunot pa ang noo ko dahil doon, ang bilis naman nila mag-usap?

Napatingin ulit ako sa field, nandoon pa rin si Adrian at nakayuko, hawak pa rin niya 'yong bulaklak na dala niya para kay Isla. Red roses 'yon. Dapat ilagay na niya sa isip niya na kapag magbibigay ulit siya ng bulaklak sa taong magugustuhan niya, dapat tulips na.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Isla nang nasa tapat na namin siya.

"I rejected him." Sagot niya kaya kumunot ang noo ko.

"Isla, I told you, don't reject him just because I like him." 

"No, Arc. I rejected him because I like someone else." Sagot niya. Nagkatinginan pa kaming tatlo, wala naman kasi siyang sinasabi kung may nagugustuhan ba siya. "And it's a girl." Patauloy niya. 

"What?!" Sabay-sabay naming sigaw na tatlo dahil sa gulat. Totoo?

Tumango siya, "I'm sorry if I didn't tell you, it's just that, hindi pa kasi ako sure dati." Sagot niya.

Okay lang naman kasi sa'min 'yon. Hindi nga rin tago sa kanila na gay ako, and even Everest.

---

"Saan ka galing?

Naiyukom ko ang kamao nang itanong 'yon sa'kin ni Daddy nang umuwi ako no'ng hapong iyon.

"Hindi ko kailangan ipaalam sa'yo lahat ng ginagawa—"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko when he grabbed my shirt. Kahit na galit na galit ang tingin niya sa'kin, hindi ko pinahalata na natatakot ako.

Lagi naman siyang gan'yan. Kahit noong buhay pa si Mama. He's the reason why my Mom is not here with me anymore.

"Bastos ka na masyado," mariing sabi niya. Marahas niya akong binitawan kaya napaatras ako. "Anong ipinagmamalaki mo? You're nothing without me, Archer!" He shouted.

"Hon, stop it. Baka marinig ka ng anak natin." Bumaba ang asawa niya nang marinig siguro ang sigaw niya. Hinawakan niya ang kamay ng asawa na nakatingin sa'kin. "Umakyat ka na sa kwarto mo." Utos niya.

I want to get mad to his new wife, dahil siya naman ang dahilan kung bakit wala akong buong pamilya ngayon. Gusto kong magalit dahil unfair siya noon kay Mama.

My Mama died because of him. Dahil sa paulit-ulit na pananakit niya sa'min. Hanggang ngayon, ginagawa niya pa rin sa'kin.

"T—tama na po." My little hands was trembling, hindi rin maawat ang pagbagsak ng luha sa mata ko habang pinapanood ang paulit-ulit na pagsampal ni Daddy kay Mama.

"Daddy, t-tama na po." Lumapit ako sa kanila. Hinawakan ko ang dulo ng suot ni Daddy, pero agad niya akong itinulak dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Masakit. Pero ininda ko ang sakit ng pagtama ng likod ko sa sahig at nilapitan si Mama na umiiyak na rin.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon