Chapter 15

1.2K 54 0
                                    

Fast forward to Sunday. Nagyaya ang teammates niya sa volleyball na mag-practice kahit wala ang coach nila. Si Gael ang nag-aya sa lahat sa group chat.

Minsan talaga, gusto nilang mag-practice kahit wala sa schedule, driven by their shared love for the game and the camaraderie they missed during breaks. Today was one of those days. Kapag talaga may mga ganitong chance, para bang tahimik silang nagkakasundo na kailangan nila ng ganitong biglaang session para masanay at mapabuti ang kanilang mga galaw.

Gael Castellon (OH #8):

Practice tayo, @everyone.

Jaxen Santos (OP #2):

Puro ka reklamo sa training sa gym tapos gayak na gayak ka ngayon.

SY Salguero (L #15):

Pagpahingangahin mo naman kami. Napaka-clingy mo.

Zian Leal (OP #11):

Mas gusto niyang mag-practice kasi wala si coach.

Archie Ferrel (S #1):

Saan ba, @Gael Castellon (OH #8)?

Gael Castellon (OH #8):

Buti pa ‘to si kap, masipag. KJ niyo!

Kahit sa open court naman para maiba. Baka may makalaro rin tayo ro'n.

Atlas Borja (OH #23):

G.

Gael Castellon (OH #8):

Okay. Ang ma-late, pangit.

Atlas Borja (OH #23):

🖕🏼

Hiro Fernandez (OH #3):

Game kami ni Pau.

Cade Adlawan (MB #10):

Kami rin ni AJ.

SY Salguero (L #15):

Ikaw, @JAV (MB #13)?

JAV (MB #13):

Sige lang.

Gael Castellon (OH #8):

Game, ah? Sa Aces Dawn open court na lang tayo magkita-kita.

Pumayag na lang siya dahil hapon naman gaganapin ang practice nila. Pagkatapos niyang i-send ang reply niya sa group chat, nag-text siya kay Ansel. It was a habit of his to tell Ansel what he was doing at the moment. Kahit na late ito mag-reply minsan. Pero naiintindihan niya naman dahil busy na tao si Ansel. Iniisip niya na lang na baka busy ito sa pag-aaral o sa café.

Sa practice, kumpleto silang lahat. Gael was the first to arrive, followed by Archie, their official setter and captain. Hanggang sa lahat sila ay nandoon na. The familiar sounds of sneakers squeaking on the court and volleyballs being spiked echoed through the small arena. The atmosphere was filled with energy and anticipation.

Nag-umpisa sila sa ilang magagaan na drills para mag-warm up, lumipat sa mga passing at setting exercises. Habang lumalalim ang practice, pabigat nang pabigat ang laban. Ang mga outside hitters ay nagpakitang-gilas sa kanilang malalakas na spikes, na talagang nagpahirap sa depensa ng kalaban. Ang mga opposite hitters naman, ay nagdala ng balanseng opensa, na laging nagbibigay ng sorpresa sa mga kalaban.

Ang mga middle blockers naman—kasama si Jaren—ay tila pader sa net na laging naaagapan ang bawat attempt ng kalaban. Sa depensa—si Yuriel at AJ sa magkabilang team—ay halos walang tigil na kumilos sa buong court sa sinasagip ang mga bola na tila imposible nang makuha.

Tutoring HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon