Martha's POV:
Nandito ako ngayon sa Patio kasama si Santi. Nalaman ko na nasa Palawan pala kami, at nandito kami ngayon sa isa sa mga beach houses niya.
Halos mag-iisang linggo na kami dito. Dalawang beses na akong nagtangkang tumakas, pero masyadong mahirap dahil marami siyang bantay. Kaya naman imbis na mapagod ay pinili ko nalang manahimik.
Nasa dagat ang tingin ko, nasa tabi ko si santi at busy na nakikipag-usap sa mga pinsan niya. Kahapon lang dumating ang mga ito sakay nang dalawang helicopter.
Mag-iisang linggo narin kaming nandito. So far, so good pa naman. Hindi narin ako nag-iisip na tatakas dahil na ngako naman siya na pag dumating na ang mommy niya galing UK ay babalik narin kami sa Manila.
Hinahayaan ko nalang siya sa mga gusto niyang gawin. Ayokong mapagod dahil ayokong may mangyaring masama sa anak ko.
"Baby? You hungry?" Rinig kong bulong ng katabi ko.
Umiling ako habang ang tingin ay nasa dagat parin. Masyadong maganda ang view para hindi ko ito pagmasdan.
Hindi na muling nagsalita si santi at bumalik narin sa pakikipag-usap sa mga pinsan niya.
Balak ko siyang kausapin ng maayos, tungkol sa sitwasyon ko, namin. Tulad nga ng sinabi ko, ayokong may mangyari sa anak ko. Dahil kapag ipinilit ko ang gusto ko, baka mapasama pa ito.
Hanggat maaari, ayokong mapasama ang pag-bubuntis ko. Wala rin naman mangyayari sa pagtakas ko kung ipipilit ko lang. kung hindi ko naman siya makausap ng maayos, tyaka nalang ako. Magpaplano kapag nakapanganak na ako.
Lumipas ang buong araw at ganito lang ang nagiging routine namin. Tatambay sa patio, kakain at matutulog. Simula nung pumunta kami dito ay hindi pa kami nag-uusap ng maayos. Nagpapasalamat rin ako dahil hindi pa siya inaabot ng kaanuhan niya... dahil simula ng dumating kami dito ay wala pang nangyayari.
"mommy is a obstetrician/gynecologist doctor. let's just wait for her to come home from UK, she's the one I want to check up on you and our baby." Si santi.
Nandito kami ngayon sa dining room dahil dinner na. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain.
"I told you, Zorena. Si Santi ang unang magkaka-anak sa'ting magpipinsan." Sabi nung isa sa mga pinsan niya.
I think her name is katelyn. Katelyn Montego. She's nice naman. Hindi ko lang alam kung hanggang kelan.
"With her having a dick? Hindi na nakakapag-taka." Natatawang sagot ni Zorena.
Sinamaan lang sila ng tingin ni Santi, pero napuno parin ng tawanan ang dining room.
"Marthina, right?" Mula sa pagkain ay nag-angat ako ng tingin sa babaeng nasa tapat ko.
Kung hindi ako nagkakamali, her name is Zia, Zorena's sister.
"Yes." Sagot ko dito.
Ngumiti naman ito bago nagsalita ulit...
"Kailan pa kayo ni Santi? I've never heard na may girlfriend na pala itong pinsan ko na cold hearted."
Halos lahat ng kasama namin ay nagtawanan sa sinabi niya, maliban sa'min ni santi na parehas tahimik.
"She's not my—" naputol ang tangkang pag sagot ko ng maramdaman ko ang mahigpit na kapit ni santi sa hita ko.
Tumingin ako sakanyan pero wala sa'kin ang atensyon niya. Mariin itong nakatingin sa pagkain niya na bahagyang pinaglalaruan ng isa niyang kamay.
"we have been together for several months. She's my secretary and my future wife..."
Pakiramdam ko ay natuod ako sa kinauupuan ko. Rinig ko ang sigawan ng mga pinsan niya, pero ang tingin ko ay nakay santi parin.
Galit kaagad ang naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Basta basta nalang siyang nagsasabi ng mga salita na hindi ko alam. Para bang nagiging sunod-sunuran nalang ako sakanya at sa mga gusto niya.
Tumayo ako at hindi na nag-abalang mag-paalam sa mga kasama. Bastos na kung bastos. Naglakad na ako pabalik sa kwarto, rinig ko pa ang mga pagtawag nila sa pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon.
Malakas kong isinara ang pinto ng makapasok ako sa kwarto. Sobrang bilis ng paghinga ko dahil don.
Saglit lang ay bumukas ulit ito at pumasok don ang tao na wala ng ibang ginawa kundi ang pahirapan ang buhay ko.
"Ano nanaman 'yon? Huh, santi? Kasal? Binuntis mo na nga ako, ngayon naman gusto mo pa ng kasal? Gusto mo manlang ba akong tanungin kung papayag ako? Hindi pa nga natin napapag-usapan ang tungkol sa pagbubuntis ko." Tila sumabog na ako sa galit dahil sumisigaw na ako.
Hindi siya nagsalita at lumapit lang sa harap ko.
"isn't that where it's going too? after you give birth, I want us to get married-"
"Pero paano naman yung gusto ko?"
Paano naman yung gusto kong maging desisyon? Palagi nalang ba siya ang masusunod?
"don't you want to give our future child a complete family?"
Sandali akong natigilan sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko.
Sino ba ang magulang na ayaw magkaron ng kompletong pamilya ang anak?
Pero hindi e. Iba ang sitwasyon namin. Hindi ko siya mahal...
Pero paano ang anak mo, marthina? Ayaw mo ba siyang magkaron ng buong pamilya?
Bigla akong napalayo dahil parang may bumulong sa isip ko.
"don't you want to give our child a complete family? Hmm, martha?"
Mas lumapit sa'kin si santi. Naramdaman ko nalang na hawak niya na ang dalawang kamay ko.
"when we get married, we can give him or her a complete family... don't you want that for our child." Tila na hihipnotismo ako sa mga salita nito.
Walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko, hindi ako makapag-isip ng maayos.
"would you rather see our future child be bullied because he doesn't have a complete family? is that what you want to happen?"
awtomatiko akong napailing. Walang magulang na gustong mapahiya ang anak nila dahil lang wala itong matatawag na kompletong pamilya.
"N-no..."
"then let's get married! so that we can give him a complete and happy family."
Mula sa sahig ay nag-angat ako ng tingin kay santi. Nakangiti ito habang pilit akong kinukumbinsi sa gusto niyang mangyari.
"I will give you a happy family. I promise you, you will never regret it."
Wala akong nagawa at Napapikit nalang ng maramdaman ang labi niya na lumapat sa labi ko.
————————————————————————
A/N: sleep na ulit.
