Chapter 13

1.3K 48 1
                                    

After the weekend, they came back to school again. Napansin agad ni Ansel na may kakaiba at hindi niya malaman kung ano ito sa kapaligiran niya. Habang naglalakad siya sa hallway papunta sa classroom, napansin niyang marami ang sumusulyap at nagbubulungan. Hindi niya ito pinansin agad, pero habang tumatagal ay lalong nagtataka na siya sa mga pinag-uusapan ng mga estudyante.

Sa loob ng classroom, bumati si Kino at Reis sa kanya.

"Sel!" mahinang sigaw ni Reis na nakaupo sa mesa niya.

Lumapit si Ansel sa dalawang kaibigan at tumigil sa harap ng upuan. "Anong meron?" tanong niya, nagtataka sa mga ekspresyon ng mga ito.

"Narinig mo na ba?" tanong ni Reis.

Kumunot ang noo niya. "Narinig na ano?"

"Yung tungkol sa kumakalat na tsismis?" dagdag ni Kino.

Napatigil si Ansel sa pag-aayos ng upuan. "Anong tsismis?"

"Yung tungkol sa inyo ni Jaren. May nakakita raw sa inyo noong weekend sa mall. Tapos pinapagkalat na parang kayo raw," paliwanag ni Reis. Halata sa mukha nito ang pag-aalala. His friends might tease him sometimes but they still care about each other.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Kino.

Tumatawa siya sa isip niya. To think that people would actually gossip about this? Wala na ba silang matinong gawin bukod dito?

He wasn't scared of people talking about him. He was slightly mad. But he didn't care because what's the point? Ang petty naman kung aawayin niya ang mga nagpakalat noon. Magiging defensive rin ang dating niya, lalo na’t wala namang masama na lumabas siya kasama si Jaren at ang mga kapatid niya.

So instead, he ought to focus on reviewing for the upcoming midterm.

"Wala naman sa akin ‘yon," sagot ni Ansel, medyo naiinis. "Nagkataon lang na kasama ko sila. Masyado lang siguro silang mahilig sa chismis."

Nilapag niya ang bag sa upuan niya at inilabas ang mga gamit para sa klase. Ayaw niyang bigyang pansin ang usap-usapan na iyon. Ang mahalaga sa kanya ay alam niya kung ano talaga ang totoong nangyari noong araw na iyon.

Naghahanap siya ng ilang notebook sa bag niya, pilit na hindi pinapansin ang tensyon sa paligid. Hindi niya kailangan ng dagdag na stress. Mahalaga ang midterms at dapat doon siya mag-focus.

His friends noticed his change of mood so they decided not to bother him anymore and went back to their own seats.

Habang nagkaklase, napansin niyang ilang beses siyang tinitingnan ng ibang kaklase. Pero pinilit niyang huwag magpaapekto. Alam niyang wala namang masama sa ginawa nila ni Jaren at ang mga tao ay talagang mahilig gumawa ng istorya kahit walang katotohanan.

He didn't care about people talking behind his back. But what worried him was Jaren. What would people feel when they found out that Jaren Venezia hangs out with a guy like him? Some people might even misunderstand it. Baka isipin nila, may relasyon si Jaren sa kanya.

He felt a mix of irritation and frustration. Why couldn’t people just mind their own business?

Noong una pa lang na sumasama-sama na si Jaren sa kanya sa campus, lalo na sa library, walang mata ang hindi sumusulyap sa kanila sa tuwing dadaan sila nang magkasama. Minsan nga, gusto niyang sabihan si Jaren na huwag siyang kausapin sa campus dahil ayaw niyang may masabi ang ibang tao tungkol sa kanila—lalo na kay Jaren. Parang lahat ng kilos nila ay may kahulugan sa mga mata ng ibang tao. It was exhausting.

Ansel had always preferred to stay under the radar, focusing on his studies, club activities, and maintaining a low profile. He wasn’t used to this kind of attention, and the rumors made him feel frustrated.

Tutoring HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon