Prologue

7.5K 136 52
                                    

∘₊✧──────✧₊

Prologue:
∘₊✧──────✧₊∘

"Sorry—"

Agad na paghingi ko ng pasensya sa lalaking nabangga ko nang umatras ako dahil may mga nagtutulukan sa tabi namin ng mga kaibigan ko.

Mukhang nagulat pa siya nang magtama ang mga mata namin saglit.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. He's wearing a black  plain oversized t-shirt, partnered with jeans at white na rubber shoes. May suot din siyang black na sling bag. Medyo mahaba rin ang buhok niya at nakatali rin 'yon.

Unang pumasok sa utak ko ay, maganda. Sobrang ganda and at the same time ay gwapo. His face is so angelic. Sobrang kinis ng mukha. Anghel. Para siyang anghel na bumaba sa lupa.

Nang tignan ko siya ulit sa mata ay kita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"What? I'm not going to say sorry because you're the one who—" Naputol ang sasabihin niya.

"Everest! Tara na, tayo susunod na magpe-perform." Tawag sa kan'ya ng kung sino.

Napakunot ang noo ko. Member din siya ng banda?

"Banda rin kayo? Kalaban pala namin kayo." Tanong ko. Tumingin din siya sa'kin mula ulo hanggang paa na parang jinu-judge niya ako. Salubong pa ang kilay. Ayos, ah.

"Ah, kasali ka rin? Uwi ka na." Sagot niya. Mayabang pa niyang ibinulsa ang kamay sa suot na jeans at maangas na ngumisi, "Matatalo lang din naman kayo." Patuloy niya pa bago siya sumunod doon sa lalaking tumawag sa kan'ya.

Napanganga ako at hindi makapaniwala sa narinig.

Gago. Angas no'n, ah. Mukha siyang anghel, pero pang satanas ang ugali. Tama talaga ang kasabihan na, "don't judge a book by its cover."

Mapanlinlang talaga ang mga demonyo.

Napailing na lang ako at bumaling ulit sa mga kaibigan ko.

"Sino 'yon?" Tanong ni Rowan. Sinundan din niya ng tingin 'yong lalaki at doon sa mga kasama niya na paakyat na ngayon ng stage.

"Ewan. Ang yabang, e." Sagot ko. Masama pa rin ang tingin doon sa lalaki. Type ko pa naman. Sayang ang sungit.

"Nakalaban na natin mga 'yan last year, 'di ba? Pero ngayon ko lang nakita sa banda nila 'yong isa. 'Yong mahaba ang buhok." Sabi rin ni Andrei na nakatingin din doon sa stage kung saan nag-re-ready na sila to perform.

"Taga South mga 'yan, 'di ba? Last year banda rin nila panalo." Sabi ni Cali kaya napatingin kami sa kan'ya.

"Alam namin, Cali. Nandoon din kami." Sagot ko. Agad naman niya akong inirapan.

"I know him. He's from West. Nag-transfer sa South this year then he joined their band." Sabi ni Maeve kaya napatingin din kami sa kan'ya.

"Naks, alam na alam, ah. Stalker ang atake mo diyan, Mae." Sabi ko na natatawa. Hindi ko lang inaasahan na marami siyang alam doon sa lalaki na 'yon tapos taga ibang university pa.

"Tanga. It's all over the internet." Sagot niya at inirapan pa ako. Over the internet? Artista ba 'yan? Sikat?

"What's his name para ma-stalk ko." Tanong ko pa. Yare talaga 'yan sa'kin. Ang angas kasi, yayabangan ko rin.

"Gago. Galawan mo Davy, type mo?" Tanong ni Kenna. Naka-cross arm pa siya at nakataas ang kilay sa'kin. Natawa tuloy ako.

Oo, type ko.

Stardust Serenade✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon