Chapter 19

7.2K 233 20
                                        

Martha's POV:

Dilim. Sobrang dilim. Kahit konting liwanag ay wala akong maaninag.

"Tulong" 'yon kaagad ang unang lumabas sa bibig ko ng magising ako. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Sinubukan kong gumalaw pero para akong paralisado. Hindi ko magalaw ang mga kamay ko, ang buo kong katawan.

"T-tulong" mahina pero sapat lang para may makarinig sa'kin.

"P-parang awa niyo na, t-tulong..." 

Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Madilim ang paligid. Until unti, naramdaman ko ang posas na nakakabit sa magkabilang palapulsuhan ko.

Sinubukan kong igalaw pero sakit lang ang nakuha ko. Ramdam ko na ang sakit ng may ilang beses ko pang subukan.

"Please, tulong—"

Nahinto ako sa paghingi ng tulong ng may marinig ako. Pintuan, nagbukas ang pintuan...

Kaagad kong naisara ang mata ko ng biglang lumiwanag. Sobrang sakit sa mata ng ilaw kaya naman mariin kong naisara ang mga mata ko.

Sandali lamang ay malakas na sumara ang pinto at narinig ko pa ang pag lock nito.

Pinilit ko naman buksan ang mga mata ko, hindi pa man nag aadjust sa ilaw ay naramdaman ko naman ang paglubog ng kama sa gilid ko.

"finally, you're awake..."

Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang taong naupo sa gilid ko. Hanggang ngayon ay nag-aadjust parin ang mga mata ko.

Ngunit ng tuluyan ng umayos ang paningin ko, laking gulat ko sa taong nakita ko...

"Demonyo ka... demonyo kana talaga" sigaw ko.

Ngumiti lang ito sa'kin bago inilapag ang tray na may laman na iba't ibang pagkain.

"I don't know what my child wants. Just eat whatever you want, love." Malawak itong ngumiti bago tiningnan ang tyan ko.

Hindi ako makagalaw dahil naka posas ang kamay ko.

"Pakawalan mo ako, hayop ka!" Malakas na sigaw ko.

Parang wala lang sakanya ang pagwawala ko dito. Nakatingin lang siya sa'kin.

"Stop it, hon. Baka mapaano si baby." Tila concern na sagot nito.

Tumayo siya at may kinuha sa drawer. Maya-maya ay bumalik ito at sinusian ang posas na nakakabit sa kamay ko.

Kaagad kong minasahe ang palapulsuhan ko dahil ramdam ko ang sakit don. Dahil sa pag-galaw ko kanina ay nagkaron 'yon ng pasa.

Hindi ko alam kung kelan pa ako nandito. Matapos kasi ang ginawa niyang pag-sugod sa bahay ko ay nawalan na ako ng malay. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako.

Inilibot ko ang tingin, hindi ito ang kwarto ni santi sa penthouse niya. Hindi rin ito ang kwarto sa office niya... nasaan ako?

"Nasan ako? Saan mo'kon dinala!" May halong galit na tanong ko sa babaeng prenteng nakaupo sa harap ko.

Hindi siya sumagot. Tahimik niya lang ako na pinag-mamasdan, na para bang isa akong art sa museum.

"Eat your breakfast, honey. I don't want you and our child to get sick." Seryosong sagot nito.

Tumayo siya para buksan ang isang malaking flatscreen TV. Lumipat siya ng upo sa single sofa na nasa gilid lang nang kama.

Hindi ko alam ang gagawin ko. This is fucking abduction. She kidnapped me!

"Eat. Martha... I don't want to repeat myself again..." nagbabantang sabi niya, ang tingin ay nasa TV parin.

Nakaramdam ako ng gutom. Kahit gusto ko siyang suwayin ay hindi ko magagawa sa ngayon. Buntis ako, baka kung ano pa ang mangyari sa anak ko kung magugutom ako.

Kahit labag sa loob ko ay kumuha ako ng pagkain. Masyadong marami 'yon, pero pinili ko nalang ang pancake na may kasamang fruits. May gatas rin at tubig.

Para sayo 'to anak. You need to be healthy, para madali lang natin matakasan ang isa mo pang ina.

Tahimik akong kumakain. Pinagmamasdan ko ang paligid, mas malaki ito kumpara sa kwarto niya sa penthouse. Pero iba ang style, parang mga bahay sa ibang bansa.

Nahinto ako sa pagkain... bahay sa ibang bansa? Nasa ibang bansa ba kami?

Tiningnan ko si santi na nanunuod sa TV. Maya-maya ay ibinaling ko ang atensyon sa pinto. Nasa gilid ko si santi, malapit siya sa may sliding door na sa tingin ko ay may balcony.

Hindi na ako nag-isip pa at kaagad tinakbo ang pinto. Nabuksan ko naman kaagad 'yon bago mabilis na tumakbo. Rinig ko pa ang tila kulog na sigaw ni santi.

Nasa second floor pala ang kwarto kung nasaan ako kanina, masyadong mataas ang hagdan na tinatakbo ko. Ng makababa ako sa dulo ay sandali kong tiningnan ang second floor. Nakatayo lang doon si santi at parang wala lang na tumatakas ako. Pinagpasalamat ko naman 'yon.

Ng makarating ako sa malaking pintuan ay kaagad ko 'yon binuksan, ang kaninang pag-asa ko ay kaagad naglaho...

"Mam, saan po kayo pupunta?" Tanong nung malaking lalaki.

Bumaba ang tingin ko sa malaking baril na nakasakbit sa katawan niya. Hinihingal kong tiningnan ang buong paligid. Sobrang dami nila sa paligid, sa tingin ko ay mga tauhan ito ni santi. Nakilala ko ang iba sakanila, ang mga bodyguards niya.

Tila nanlumo ako sa kaisipan na hindi ako basta basta makakawala sakanya. Naluha nalang ako.

"Why did you stop running? Go on, run as long as you want, baby." Natatawang sabi ni santi mula sa likod ko.

Tuluyan ng nagsi-bagsakan ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala. Napahawak ako sa tyan ko dahil bahagya 'yon sumakit.

Narinig ko na naglakad ito sa kung saan. Nilingon ko siya at nakitang umiiling-iling habang nakangiti at naglalakad na papunta sa tingin ko ay kitchen.

Ano na ang gagawin ko? Hindi ako pweding makulong dito, kasama siya...

————————————————————————
A/N: ito lang nakayanan. Mamaya nalang ulit hehe. MATULOG KAYO!

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now