Chapter 18

6.8K 239 30
                                        

Martha's POV:

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa company. Hindi na ako nag-abalang ibigay mismo mo kay santi ang resignation letter ko. Para saan pa? Alam ko na ang mangyayari, at mahirap na kung mauulit nanaman 'yon.

Ngayon ay busy ako sa pag-iimpake sa maleta ko. Ginamit ko ang naging sweldo ko last month para makabili ng ticket papuntang Vancouver. Nakausap ko na ang parents ko at kaagad naman silang pumayag na dun na ako for good. Tyaka ko nalang aayusin ang visa ko, Ang mahalaga ay makaalis na kaagad ako dito sa pilipinas.

Masyadong maliit ang Maynila para sa'min ni Santi.

Speaking of Santi. Araw-Araw siyang pumupunta dito sa bahay, pero kahit magwala siya sa labas ay hindi ko siya pinagbubuksan. I've had enough. Sobrang na off ako sa ginawa niya kay Ralph. Hindi na tama, at hindi na pweding intindihin nalang palagi.

Willing na sana ako na bigyan siya ng chance kahit na sobrang sama ng ginawa niya sa'kin. Dahil akala ko, kapag binigyan ko siya ng chance na magbago ay mababago ko siya. Pero hindi. lahat 'yon ay naglaho nang parang bula.

Nagawa niya na sa'kin yon ng isang beses. Kung hindi pa ako lalayo ay paniguradong magagawa niya ulit 'yon. Hindi ko alam kung paano niya kinakaya, pero siya nga naman si Saint Montego. Kaya niyang controlin ang lahat dahil sa pera niya. Kaya hindi siya natatakot, wala siyang kinakatakutan. Ang tanga ko lang sa part na naisip kong mababago ko siya.

Nahinto ako sa pag iimpake ng makaramdam ako ng hilo. Bumagsak ang katawan ko sa kama at mahigpit na napakapit sa sintido ko. Saglit lang ay nakaramdam ako na parang masusuka ako, kaya naman mabilis kong tinakbo ang CR.

Napaluhod kaagad ako malapit sa toilet bowl at kaagad nasuka. Ilang minuto ang tinagal ko don bago ako bumalik sa kama. Napaisip ako, tatlong beses na nangyari 'to.

May pumasok sa isip ko, pero pilit ko itong binabaliwala. Hindi pweding mangyari 'yon. Hindi pwede!

Buong araw ay hindi ako mapakali. Kung saan-saan lumilipad ang isip ko. What if totoo ang naiisip ko kanina, what if totoong buntis ako?

Possible yon dahil ilang beses na may nangyari. Unprotected pa... pero babae siya, na merong "ari" katulad sa lalake. But possible kayang pwede siyang makabuntis?

Pinagpapawisan ako ng malamig habang nag-iisip. Paano nga kung buntis talaga ako? Paano na.

Nanginginig ang katawan na kinuha ko ang wallet. Isa lang ang solusyon sa problema ko...

Nandito ako sa labas ng mercury drug store. Walking distance lang naman ito sa bahay ko. Sandali pa akong nanatili sa labas bago tuluyan ng pumasok.

"Yes mam?" Nakangiting sabi nung pharmacist.

"Ahm... ah, t-three pregnancy test..." nahihiya akong umiwas ng tingin.

Hindi naman ito sumagot at umalis lang sa harap ko. Kaagad din naman siyang bumalik at hiningi ang bayad.

Sa sobrang kaba ko ay hindi ko na nagawang kunin ang barya, mabilis akong umalis sa lugar na 'yon para makauwi na sa bahay.

Kaagad kong ginamit ang pregnancy test. Tatlo ang binili ko at sabay-sabay ko na ginamit. Ilang segundo lang ang hinintay ko, hindi ko muna 'yon tiningnan dahil natatakot ako.

Please, not now.

Sa sobrang likot ko ay nalaglag ang isang pregnancy test, pinulot ko 'yon at hindi sinasadyang nakita ang result...

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, basta nalang akong nakatulala habang hawak hawak ang result.

Kinuha ko pa ang dalawa, umaasa na hindi parehas ang result. Pero halos mapa upo ako sa sahig sa nakita—

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now