Chapter 17

6.4K 208 50
                                        

Martha's POV:

I woke up feeling dizzy. Hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay nasusuka ako. Pumasok ako sa Bathroom para sumuka. Halos umiyak na ako, dahil kahit anong gawin ko ay wala naman lumalabas.

Hindi kaya dahil ito sa kinain ko kagabi? Baka panis na yung ininit ko na pagkain.

Kahit nahihilo pa ay naligo na ako para pumasok sa company ni Santi. Marami siyang meeting ngayon, kaya dapat ay maaga ako ngayon.

Nag-ayos lang ako ng konti. Nag book nalang rin ako sa Grab app para mabilis akong makarating.

9am na ng makarating ako sa office. Halos sabay lang kami na dumating ni Santi, nauna lang ako ng ilang minutes.

"Good morning, martha." Nakangiting bungad sa'kin ni Santi pagkapasok niya palang sa office.

"Good morning." Nakangiting bati ko rin pabalik.

"have you eaten breakfast yet?" Tumango nalang ako bilang sagot.

Ang totoo ay hindi pa. Wala kasi akong gana kumain. Baka lalo lang ako magsuka.

"I have a meeting until 5pm at the other company. I will take you with me." Sabi nito bago nagpaalam na papasok na sa loob ng office niya.

Kinuha kolang ang mga gagamitin ko. Bukod kase dito ay may iba pa siyang company, pero madalas ay dito siya.

Sabay kaming pumunta sa kompanya niya sa QC. Kararating palang nga namin ay sumabak na siya sa meeting. 11-1:30 'yon, hanggang sa sunod-sunod na.

Pakiramdam ko ay sobrang pagod ang katawan ko, kahit nakaupo lang naman ako sa gilid ni Santi habang nakikinig sa meeting nila.

Bahagya kong hinilot ang noo ko dahil nakakaramdam ako ng pagkahilo. Kanina pang umaga masama ang pakiramdam ko.

"Are you okay?" Rinig kong bulong ni Santi sa gilid ko.

Nagmulat ako ng mata, sobrang lapit niya kaya naman gulat akong napalayo. Tumango lang ako bilang sagot.

Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko, kaya naman ipinatigil niya ang meeting. Nahihiya akong tumingin sa mga kasama namin dito bago siya tiningnan...

"Okay lang ako. Promise..."

Hindi siya sumagot at marahan lang akong hinila patayo. Nahihiya akong nag-iwas ng tingin sa mga taong nakatingin na sa'min ngayon.

"let's go to my office."

Hindi na ako nagpumilit ng hawakan niya ang kamay ko at hinila na ako palabas. Ng makarating kami sa office niya ay bumagsak kaagad ang katawan ko sa sofa. Hinang-hina talaga ang katawan ko ngayon, hindi ko alam kung bakit.

"do you have a fever? Dapat hindi nalang muna ikaw pumasok." Nag-aalala ang boses nito.

Tumabi siya sa'kin at may inabot na bottled water. Nag thank you naman muna ako bago 'yon ininom.

"I don't know. Nagsuka kase ako kanina pag-gising ko, baka sa kinain ko kagabi." Hinilot ko ulit ang noo ko dahil bahagya 'yon kumirot.

Ramdam ko na natigilan si Santi sa tabi ko. Hindi ko napigilan na tingnan siya, tulala lang itong nakatingin sa'kin. Hindi ko nalang pinansin dahil ganyan naman siya palagi.

"May meeting kapa, bumalik kana don. Susunod ako kapag okay na ako." Ngumiti ako ng konti para i-assure siya na okay na ako.

Pero katulad kanina ay nakatulala lang siya sa'kin, parang may malalim na iniisip.

"I'll just end the meeting. Wait me here."

Hindi na niya ako hinintay na sumagot, tumayo na siya kaagad at lumabas. Nakaramdam ako ng antok, kaya naman humiga na ako dito sa sofa.

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now