Simula at Katapusan

336 1 0
                                    

                   Grade 3 ako noong unang beses akong maka-tikim ng sigarilyo. Inutusan kasi ako ni kuya na bumili sa tindahan at sindihan na din ito pagkatapos. Hindi pa ako marunong kung paano manigarilyo noon kaya pait na pait ako sa lasa nito at nauubo-ubo pa sa pagbuga ng usok. Hindi kagad nasundan ang eksena na iyon, matagal bago ulit ako nakahawak ng sigarilyo. Dalawang taon marahil mula sa unang beses, ito ay dahil nagkita ako ng naiwang kaha ng Hope sa ginagawang banyo namin. Sa mga manggagawa ang naiwang kaha ng sigarilyo. Doon sa madilim na sulok ng ginagawang banyo ako patagong pumuwesto at nagsindi ng isang stick. Tahimik akong umupo at nanigarilyo sa mayabang na paraan. Yung paraan ng paninigarilyo ng isang siga sa kanto na tila walang ibang trabaho kundi ang manigarilyo. Hindi din nasundan agad ang eksenang ito. Dala ng takot na baka mahuli ako nina tatay at inay bukod doon, wala pa talaga sa isip ko ang mga bagay na ganun dahil labing-isang taon pa lamang ako at mas pinipili kong ihulog sa alkansyang kawayan ang barya na natitira sa baon ko. Labing anim na taon ako nung nagsimula akong maadik sa paninigarilyo, patago noong una lalo sa nanay ko. At nung araw na nalaman ng nanay ang bisyo ko binawasan pa nga niya ang baon ko mapatigil lamang ako pero sa halip, lalo pa akong nalulong sa sigarilyo. Umabot sa nakaka-ubos na ako ng isang kaha sa loob ng isang araw. Hindi nagkulang sa paalala si nanay, mula pag-gising hanggang pagpikit ng aking mata isa ang sinasabi niya "Akala mo ba may magandang idudulot yang sigarilyo? Itigil-tigil mo yan wag kana gumaya sa kuya mo". At tulad ng isang pang-karaniwang kabataan sa halip na sumunod sa utos ay lalo ko pa siyang sinuway. Lagi kong ginigiit na titigil lamang ako pag tumigil na si kuya sa paninigarilyo total sa kanya ko naman natutunan ang bagay na ito. Siya ang master ko at sa kanya lamang ako susunod.

                       Labing-walong taon naman ako nung unang matutong mag-inom. Mababa ang tolerance ko sa alak kaya kung minsan limang shot pa lamang bagsak na ako. Ngunit sa kagustuhang mas mapa-tibay ang katawan, inaraw-araw ko ang pag-inom. Nasa kolehiyo ako ng mga panahon na ito at kumukuha ng kursong Business Ad. Wala naman naging problema noong una sa grado ko dahil nakukuha ko pa din naman mag-aral kaya nga siguro hindi rin ako mapatigil nina tatay dahil maayos naman ako pagdating sa pag-aaral ko. Ngunit hindi nagtagal ang pagiging mabuting estudyante ko dahil nagsulputan naman ang iba't ibang uri ng online games at hindi maiiwasan sa barkada na piliin ang magcomputer kesa making sa isang matandang professor at uugod-ugod na kung magturo. Napadalas ang pagcu-cutting class naming at madalas hindi kami nakakapag-exam dahil hindi pa bayad ang tuition fee. Napupunta sa paglalaro at pustahan ang perang dapat pambayad sa tuition. Dito ako natutong mangutang sa kaklase para wag mahalata sa bahay na wala na ang perang ibinigay nila sa akin.

                         Tumagal ng limang buwan ang gawain kong ito ngunit nagkabistuhan dahil sa isang bwisit kong kaklase na naningil sa nanay ng perang ako naman ang umutang. Kulang na lamang ay magkasuntukan kami sa school nung nagkita kami. Galit na galit ako dahil sa ginawa niya muntik na ako patigilin at ipadala sa mga tiyahin ko. Buti na lamang napaki-usapan ko si nanay na magbabago na ako at mag-aaral na ng mabuti. Nangako ako na babayadan ang lahat ng pinagka-utangan ko at magpa-part time job din ako para makatulong sa gastusin sa bahay.

                          Sinubukan ko magtrabaho at pinakita ko sa nanay at tatay na nahihirapan ako pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Sa kabutihang palad, epektibo ang pagpapa-awa ko sa kanila at pinatigil nila ako sa trabaho. Hindi nila ako matiis na mahirapan. Hindi nagtagal mula ng tumigil ako sa trabaho bumalik ako sa dati kong gawi, mas ma-ingat sa pangalawang pagkakataon. Hindi pa rin nawawala ang bisyo ng paninigarilyo at pag-iinom sa akin. Normal naman siguro sa edad na labing-siyam na binata ang ganitong gawain kaya hindi na rin ako madalas suwayin ng magulang ko. Napagod na din ata dahil alam nila na kahit anong sigaw nila sa tenga ko ay hindi ako makikinig.

Dalawangpu't isang taong gulang ako ng magtapos sa kursong Business Ad. Hindi madali ang maka-hanap ng trabaho. Nauna pa nga ako makahanap ng babaeng mamahalin kesa sa trabaho. Anim na buwan akong pabalik-balik sa kung saan-saan para mag-apply ng trabaho. At matapos ang ilang buwan ng pag-hihirap nagkita din ako ng nararapat sa akin. Maliit ang kita pero tataas naman daw kada buwan hanggang sa maabot ko ang limit ng sweldo. Pinag-tiyagan ko ang kakarampot na sweldo at nagtiis sa init at hirap ng trabaho. Mula sa maliit nakinikita ko hindi nawawala ang pambili ko ng isang kaha ng sigarilyo at pambili ng alak na maiinom tuwing araw ng pahinga.

                               Dalawang buwan matapos ako magkaroon ng trabaho, lumapit sakin ang mahal ko at nagsabing buntis daw siya at ako ang ama. Hindi ko naman itatanggi na may nangyari sa aming dalawa at mas gugustuhin ko ng ako ang ama ng dinadala niya kaysa ibang lalaki. Natakot akong sabihin sa magulang ko ang tungkol dito. Babago pa lamang ako natulong sa kanila tapos may dala na agad akong pasanin. Pero sa kabila ng lahat ay pinili kong ipaalam sa pamilya ko ang nangyari dahil karapatan nila yoon. Bukod doon, naniniwala akong sunod sa Panginoon, pamilya mo ang may kakayahang tumulong sa iyo higit kaninoman. Tinanggap naman nila kaming maluwag at tinanong kung ano ang aming plano at tulad ng sagot ng nakakarami "hindi ko pa ho alam sa ngayon" an gaming naging sagot.

                              Lupimat sa aming bahay ang mahal ko at nagsama na kami sa isang bubong. Sinabihan ko naman siya na hindi ko pa siya mapapakasalan dahil sa kapos pa ako sa pera at ang mas mahalaga ay ang pag-ipunan ang nalalapit niyang panganganak. Nauwaan naman niya ako at sinuportahan sa aking naging desisyon. Ang totoo niyan, ang iniisip ko ay masayado pa akong bata para magpatali sa isang babae. Gusto ko pa rin maranasan ang buhay binata. Nagpapasalamat ako dahil hindi naman kami madalas mag-away ng mahal ko. Hindi din niya ako pinipigilan na mag-inom at manigarilyo ngunit binigyan niya ako ng lugar kung saan maaari kong gawin ang mga bisyo ko at pinag-bawalan niya akong tumabi sa kanya ng amoy alak at amoy sigarilyo kaya siguro nabawasan ang paninigarilyo at pag-iinom ko.

                               Magdadalawangpu't tatlo ako ng ipanganak ang panganay ko. Sa unang pagkakataon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ng mahawakan ko siya at kandungin sa aking mga bisig. Kay ganda at kay payapa niyang tingnan matulog. Ang aking prinsesa ay may kaka-ibang ligaya na handog sa akin. Kay sarap umuwi mula sa trabaho at silang mag-ina ang aking madadatnan. Totoo nga pala ang sinasabi nilang nawawala ang pagod mo pag nakikita mo ang ngiti ng iyong anak. Wala na akong mahihiling pa. may trabaho ako na sapat na ang kita para saming maliit na pamilya. May asawa ako na balak kong pakasalan pagsapit ng isang taon ng aming anak. May pamilya ako na sumusuporta sa akin at mahal na mahal ako sa kabila ng mga kabiguan kong dinala sa kanila.

                               Hanggang sa sumapit ang ikadalawangpu't lima kong kaarawan at magkasakit ako ng ubo. Nagsimula ang lahat sa simpleng sipon na naging ubo. Tatlong buwan na ang ubo ko ngunit hindi mawala-wala. Umiinom naman ako ng mga maaaring gamut sa ubo ngunit hindi pa rin mawala. Doon kinumbinse na ako ng aking asawa na magpatingin sa doctor upang malaman ang tunay na dahilan kung bakit hindi mawala ang ubo ko. Hindi ko inaasahan ang naging sagot ng doctor. Nagtaka ako at nag-apoy sa narinig na resulta. Sa tabi ko naman ay ang umiiyak na asawa ko. Pina-tigil ko siya sa pag-iayak at pinalakas ang loob. Naniniwala ako na hindi totoo ang sinabi ng doctor kaya minabuti naming na magpa-2nd opinion sa ibang ospital. Sa pangalawang pagkaaktaon, lumabas ang parehong resulta. Bumalik sa alaala ko ang nakaraan ko at ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Oo nga't mahigit isang taon na akong tigil sa mga bisyo ko at yoon din marahil ang naging umpisa kaya mabilis na kumalat sa buong katawan ko ang sakit.

               Cancer sa lungs, stage 2. Kayang-kaya daw makuha sa gamutan ang sakit ko. Hindi naman nagdalawang isip ang pamilya ko na ipagamot at mapahaba ang buhay ko. Kaagad akong sumailalim sa ilang test upang malaman kung anong uri ng gamutan ang dapat kong gawin. At hindi rin naman nagtagal ang resulta. Noong marinig ko ang mga posilbeng mangyari sa akin, nangatal ang buong katwan ko. Hindi ko maintindihan ang tibok ng puso ko. Natatakot ako para sa anak at asawa ko. Masyado pang bata ang aking prinsesa upang maulila sa ama.

               Sa kabila ng pangyayari, hindi ako pinang-hinaan ng loob. Sa tulong at gabay ng aking pamilya, ako'y nanalig sa Panginoon na siyang aking taga-pagligtas at nagpuri sa pangalan Niya. Hindi ko sinisi ang sinoman sa kinahantungan ko. May pagkakataon na pinanghihinaan ako ng loob ngunit salamat sa Diyos hindi ako pinabayaan ng aking pamilya. Tumagal ng tatlong taon ang gamutan. Iba't ibang chemotherapy ang pinagdaanan ko para mawala daw ang cancer cell sa katawan ko.  Namayat ako at katulad ng karamihan na may cancer, nakalbo ang buhok. Susuko na sana ako dahil nakikita ko ang pagod at hirap na pinagdadaanan ng mga nag-aalaga sa akin. Maging ang asawa ko ay kinailangang mag-abroad upang siya ang magtrabaho at magtustos sa mga bayadin.  Nahihiya ako sa kanya maging sa pamilya niya. Hindi ko natupad ang pangako ko na hindi ko siya pahihirapan hanggang nasa piling ko. 

               Kay bilis ng panahon, tila kahapon lamang ang lahat. Kahapon lamang.  

Upos na SigarilyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon