Chapter 26:
∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘"Adrian..."
Nagising ako dahil sa marahang pagtapik ni Archer sa pisngi ko. Kahit nakapikit pa ang mga mata, napangiti ako.
"Hmmm..." mas isiniksik ko ang mukha ko sa balikat niya. I wrapped my left arm around his waist and pull him para mas lalong maglapit ang mga katawan namin. "It's nice that your voice was the first thing I heard today, baby." Namamaos na sabi ko. Hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi.
Fvck. Parang dati lang sa imagination ko lang nangyayari ang lahat ng 'to, pero ngayon totoo na. Yakap-yakap ko na siya. Dati kasi, kahit na magkatabi kaming matulog, may distansya pa rin, pero ngayon... shit.
"Tayo na, I have a morning class." Sagot niya at babangon na sana, pero hindi ko siya binitawan.
"Five minutes? Gusto pa kita yakapin." I opened my eyes and his beautiful face was the first thing na nakita ko. "Good morning, baby." Sabi ko at agad na pinatakan ng halik ang labi niya.
Natawa naman siya at tinulak ako, "Bangon na. You have a class din. Baka ma-late tayo." Sagot niya. Napanguso ako. Panira naman 'yong klase na 'yan.
Mas nauna siyang bumangon, inaantok pa ako kaya pumikit ulit ako. Nagising lang ulit ako nang katukin niya ulit ako para makakain na.
He cooked breakfast for us. Hindi ako kumakain ng breakfast, pero simula yata noong nakilala ko siya nasanay na ako. Breakfast daw kasi ang pinakaimportanteng meal. Dahil sabi niya, walang pag-aalinlangan akong sumusunod.
"Bukod sa matcha, anong mga favorites mo?" Tanong ko habang kumakain kami. Napapansin ko naman na noon ang mga ayaw niya, like 'yong mga matatamis. Hindi siya mahilig sa mga cakes. He prefer tulips than roses.
Napag-usapan namin 'to kagabi na every day magbibigay kami ng mga random things about us para makilala namin ang isa't isa.
"Dati gusto ko lahat maliban sa'yo." Sagot niya kaya napatingin ako sa kan'ya na salubong ang kilay. Umisa na naman.
Akala ko magiging sweet na 'to kasi kami na, pero masama pa rin ang ugali. Masusubukan talaga haba ng pasensya ko.
Nang nakasimangot lang akong nakatitig sa kan'ya ay tumawa siya, mas lalo lang tuloy akong naasar.
Sumagot din naman siya ng matino. His favorite color is green, kaya nga matcha raw ang naging favorite flavor niya. His favorite food is Beef Bulalo, lalo na raw 'yong luto ng Mama niya. Sinabi pa niya na lulutuan niya ako kapag may time.
He loves watching mystery thriller movies and series. He want to adopt a cat, pero may allergy siya sa balahibo ng pusa kaya bumili na lang daw siya ng cat plush toy.
Pinakita pa nga niya 'yon. Natawa pa ako kasi magkamukha sila. Cute.
Sa first week ng relationship namin, kinilala lang namin ang isa't isa. Masaya sa pakiramdam na marami na kaming alam sa isa't isa.
Noong nakaraan ay maaga talaga akong nagising para lang pumunta kami sa Lavender view point para tignan ang sunrise...
Nuka nang dumating kami sa viewpoint ay kumukuha lang siya ng mga pictures. Minsan, nahuhuli ko siyang tinatapat ang camera niya sa'kin.
"After nito, saan naman tayo pupunta?" Tanong ko sa kan'ya habang nakatingin pa rin kami sa maganda view sa harap.
Sobrang relaxing ng vibe. Ngayon ko na-appreciate ang ganda ng nature. Baka after nito, babalik ulit kami rito dahil ang ganda talaga. Kitang-kita pa ang kabuuan ng Lavender.

BINABASA MO ANG
Veiled Desires✓
Romanceseries 1: vd The echoes of our hearts, a haunting melody of desire. started: May 25, 2024 ended: July 09, 2024