Chapter 16

6.5K 219 23
                                        

Martha's POV:

Pumasok ako sa kwarto ko na may dala-dalang face towel at warm water. Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang boss ko na mahimbing na natutulog sa kama ko.

Takot ang naramdaman ko kanina ng bigla nalang siyang nag pass-out sa harap ko. Hindi ko nga rin alam kung paano ko siya naipasok dito sa kwarto ko na mag-isa.

"Uy, santi..." umupo ako sa gilid ng kama ko at bahagya siyang ginigising.

Inilagay ko muna sa gilid ko ang dala ko bago siya ginising ulit.

"Uy! Gising na." Pero ang bruha, tulog na tulog.

Saglit itong gumalaw, akala ko nga ay gising na pero kinuha lang niya ang unan na palagi kong niyayakap at siya naman ngayon ang yumakap.

"Aba't— hoy! Gising na." Inis ko itong hinampas sa braso niya.

"Hoy—" nahinto ako sa pagpupumilit na gumising siya, ng bigla nalang itong nagmulat at hinila ako pahiga.

Bumagsak ang katawan ko sa ibabaw niya dahil sa ginawa niya.

"You look like a nagging wife." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

Tinulak ko siya kaya naman natatawa itong pumikit. Binitawan naman niya na ako at tangkang matutulog ulit, ng ihagis ko sa mukha niya ang towel na basa na.

"Martha!"

Ngumisi ako bago tumayo para iwan siya sa kwarto. Sa labas nalang ako matutulog, mahirap na.

Ilang beses na may nangyari sa'min. Nung una ay ginusto ko, pero sa pangalawang beses ay ibang usapan na'yon. Unti-unting nawala ang ngisi ko dahil don.

Nabaling ang tingin ko ng maramdaman ko na lumabas si santi mula sa kwarto. Mukhang ayos naman na siya dahil maayos na ang paglalakad niya.

"Martha? Let's eat dinner. I haven't had dinner yet." Hindi ko alam kung bakit parang wala lang sakanya yung ginawa niya sa'kin. At sa pagkakaalam ko, may girlfriend siya. Si Amanda.

"Kumain na ako. Umuwi kana sainyo at dun kana kumain." Sagot ko habang inaayos ang sofa na dapat hihigaan ko.

"I want to eat here... with you." Halos pabulong nalang yung huli niyang sinabi kaya naman hindi ko masyadong narinig.

Napailing-iling ako bago siya tinapunan ng tingin. Sandali ko pa siyang tiningnan lang at ganon rin naman siya sa'kin.

"Bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo sa'kin? i'm good for nothing. At isa pa, I'm just your secretary. Kaya bakit ako?"

Ang maamo nitong mukha kanina ay napalitan ng pagiging seryoso. Pero kahit ganon ay hindi ako nagpatinag.

"Don't fucking say that, you're just good for nothing,martha. Just don't." Lumapit ito sa'kin at tangkang hahawakan ako, kaya naman bahagya ako lumayo. Kita ko ang bahagyang pag-igting nang panga nito.  "I told you, I want you."

"And I told you that I don't want you to like me. Wag nalang ako, santi..."

Hindi ito sumagot at prente lang na nakatayo sa harapan ko.

"Si Amanda, siya nalang. Hindi ba't girlfriend mo siya? What you're doing is cheating. Ano? Gagawing mo'kong kabet?"

Mula sa pagiging seryoso ay kumont ang noo nito. Para bang biglang nandiri sa nasabi ko.

"Girlfriend? Hell no. She's not. Is that the is that the reason why you can't like me?"

Hindi na ako nakaatras ng lumapit siya sa'kin. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko at iginaya 'yon sa pisngi niya.

Nakahawak ang isang kamay ko sa pisngi niya habang ang isa naman ay hawak niya.

"Baby, she's not my girlfriend, okay?" Pag c-convince niya sa'kin.

Dahan-dahan kong inaalis ang kamay ko, pero mas hinila niya lang 'yon pabalik.

"Please? Believe me this time..." tila nagmamakaawa nitong sabi.

Parang biglang lumambot ang puso ko sakanya. Hindi ko alam, bakit ganito bigla ang naramdaman ko.

"Tell me? What do you want me to do? What do you want me to do, so you can like me back? Hmm? Please tell me, I'll do it right away."

Monday ngayon at nandito na ulit ako sa office ni santi bilang secretary niya. May meeting siya ngayon kasama ang mga business partners niya.

Matapos ang gabi na 'yon ay hindi niya na ulit ako pinipilit sa mga ayaw ko. Hindi niya ako sinusundo sa bahay at dinadalhan ng pagkain sa office tulad nalang ng sinabi ko.

Umuwi rin siya ng gabi na'yon dahil sinabi ko. Para siyang isang sunod-sunuran sa'kin. Sinabi ko rin na bigyan niya ako ng time dahil hindi madali ang gusto niya. Hindi naman nasasabihan ang puso na basta nalang mahalin ang isang tao, isa pa, hindi maganda ang naging simula namin.

"Martha? You can take your early lunch." Mula sa laptop ay napunta ang attention ko kay santi.

Mukhang tapos na ang meeting nito.

May inilapag siya na paper pag sa ibabaw ng table ko. Kahit hindi ko buksan ay alam ko na ang nasa loob nun...

"Santi, diba sinabi—"

"Please. Kahit 'yan lang, please let me..."

Ngumiti lang ito bago nag-paalam na pumasok sa loob ng office niya.

Ang tigas talaga ng ulo niya.

Pero kahit ganon, natutuwa ako dahil tumutupad siya sa usapan namin kahit papaano.

————————————————————————
A/N: tulog na kayo.

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now