Chapter Two

5.8K 82 5

MAHIMBING na natutulog si Dionne sa isang magaspang na bagay. Animo'y nasa isla siya sa mga oras na iyon. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata ngunit bumagsak muli ang talukap nito. Pero bigla naman siyang napamulat at doon may tumambad na mga talangka na gumagapang sa harapan niya. Bumangon siya ng 'di oras, at doon niya na lamang napansin na nakahiga pala siya sa buhangin. Nagmuni-muni siya sa paligid at kung sakaling naroon pa rin ang kanyang mga kasamahan. Tirik na tirik na pala ang araw. Tumayo na siya at pinagpag ang kanyang puting damit at doon naglakad-lakad sa dalampasigan. Kailangan niyang mahanap ang kanyang mga ka-batchmate upang sumabay na siya rito umuwi pabalik ng Maynila.

Halos pabalik-balik na siya sa kakaikot sa isla ngunit hindi niya pa rin nakita ang kanyang mga kasama. Hala, paano ako makakabalik nito? Naisaloob-loob niya. Hindi niya alam ang gagawin kaya napaupo na lamang siya sa buhangin at tumingin sa kawalan. Doon ay niyakap niya na lamang ang mga tuhod habang pinapanood ang mga alon sa dagat. Hindi na niya alam pa ang gagawin dahil wala na nga ang mga kasamahan niya—maging si Dee ay wala na rin sa isla. Labis ang pinagtataka niya kung bakit siya nakatulog sa tabing dagat? Sa pagkakaalam niya, ay hinila siya papasok ng tent—naalala na niya!

"Ano nga'ng pangalan no'n?" Aniya na kausap ang sarili. Nais niyang isipin muli kung ano'ng pangalan ng binatang iyon. Did he rape me? Nagtatakang tanong niya sa isip. Sa pagkakaalam niya kasi, ay virgin pa siya. She didn't feel anything wrong in her. Napabuntong hininga na lamang si Dionne at tumayo nang may nabangga siya.

"Shit!" Dinig niyang mura ng lalaki. Umangat ang tingin niya—ito iyong lalaking iyon! Dahil nga nabangga niya ito, natapon ang hawak nitong beer sa puting sando nito. Para ba namang isang magnet na hindi maalis ni Dionne ang tingin sa basang parte ng lalaki. Yes, she was staring at his abs! Pakiramdam tuloy ni Dionne biglang sumayad ang kanyang panga sa lupa sa nakita.

"So you're fantasizing me," biglang basag ng lalaki sa pagpapantasya niya sa katawan nito. Agad namang umiwas ng tingin si Dionne at tumalikod na sa gawi ng lalaki. "Hindi ka man lang ba magsu-sorry?" Anito kay Dionne.

Hindi na nakapagsalita si Dionne dahil nga lumapit ang lalaki sa kanya. She felt his body on her back. Ramdam niya rin ang mainit na hininga nito na dumadampi sa kanyang leeg. No, don't do this to me, Jaye. Aniya sa isip. Huminga ng malalim si Dionne at akmang hahakbang na nang naramdaman niya ang kamay ng binata na nasa bandang baywang niya. Lalong uminit ang naramdaman nito pero bigla niya namang pinutol iyon. Tinanggal niya ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki at humarap ito saka sinampal niya naman.

Napahawak na lamang ito ng pisngi. "Tsk. Nakakarami ka na sa akin, ah," untag nito.

"Isa kang gago, Jaye." Ani Dionne kaya tumawa naman ang lalaki na may halong sarkasmo.

"Ilang ulit ko ba sasabihin sa iyo na hindi Jaye pangalan ko? It's Sean."

"Alam ko, that's your first name if I'm not mistaken."

He smirked at her, brushing his brown hair. "No, Sean is only my name."

"I don't care if Shaun, Jaye or whatever it is."

"Miss, Sean, hindi Shaun. It's S-E-A-N." He uttered each letter of his name. Inirapan na lamang ni Dionne ang lalaki sabay halukipkip sa harap nito. Hindi na siya muli nakapagsalita at humakbang na siya paalis doon sa binata. Naiinis lang siya roon sa hindi niya malaman na dahilan. Hindi kaya gusto niya ito? No, she won't like him for he is a goddamn arrogant! Umiling-iling na lamang si Dionne at pinagpatuloy ang paglalakad palayo sa lalaking iyon.

"Buwisit, Sean, Shaun whatever. He's a jerk."

TANGHALING tapat na kaya umupo at sumandal muna si Dionne sa puno ng mangga. Mainit dahil tirik na tirik ang araw sa mga oras na iyon. Medyo mahangin at maraming ibon ang mga nagsisitunugan doon. Hindi niya pa rin alam kung paano siya makakabalik sa Maynila. Wala kasi siyang pera, naroon kasi iyon sa kanyang bag ang pera niya. Naiwan niya iyon sa kanilang tent kaya wala na siyang pera ngayon. Nando'n din ang ticket sana pabalik ng Maynila. Siya na yata ang pinakamalas na babae sa balat ng lupa. Napalunok siya nang maramdaman niyang tumulo na pala ang luha niya sa kanyang pisngi. Pinunasan niya naman iyon saka niyakap muli ang kanyang mga tuhod.

Her Scent Series: DionesiaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!