Martha's POV:
Kinabukasan ay hindi ako pumasok. Hindi na ako nag-paalam. Nagagawa niya nga ang gusto niya sa'kin na hindi nag-papaalam, kaya ganun din ang gagawin ko.
Pinili ko nalang na hindi pumasok. Masakit ang katawan ko— mali. Buong pagkatao ko pala. Gusto kong matulog nalang buong maghapon.
Kung iniisip niyo na bakit hindi nalang ako umalis aa kompanya ni santi? Saan naman ako pupulutin kapag ginawa ko 'yon? Kahit yata sa fastfood ako mag-apply ay walang kukuha sa'kin.
Hindi basta bastang tao si Santi. Alam ko 'yon dahil secretary niya ako. Masyado siyang maimpluwensya. Kaya kung gagawin ko 'yon ay gutom lang ang mangyayari sa'kin. Hindi ko alam ang takbo ng utak niya.
Pero hindi naman habang buhay ay hahayaan ko nalang siya sa mga ginagawa niya at sa mga gagawin niya pa sa'kin...
Tumayo ako para mag-order nang pagkain. Wala akong gana magluto dahil nga mga sakit ang katawan ko. Binuksan ko ang Grab App para pumili ng pweding kainin. Pinili ko nalang ang isang fastfood.
Lumabas ako sa kwarto para mag-ayos, dinala ko narin ang sarili kong laptop dahil balak ko manuod sa Netflix. Gusto ko mag-relax kahit ngayon lang.
Ilang minuto lang ay tumawag na sa'kin ang Grab driver at sinabing malapit na siya. Kumuha muna ako nang hoodie para isuot. Tiningnan ko ulit ang app at nakitang malapit na ang driver. Lumabas na ako ng bahay para abangan ang mag-dideliver.
Ilang saglit lang ay dumating na ito.
"Ma'am, Marthina?" Tumango ako sa driver at inilabas na ang pera na pambayad.
Kinuha ko ang pagkain na pina deliver ko at nagpasalamat sa driver. Papasok na sana ako sa gate ng biglang may malambot na kamay ang humawak sa braso ko. Gulat akong napatingin sa gumawa non...
"Anong ginagawa mo dito!" Medjo naiinis na sabi ko.
Si santi lang naman 'yon. Naka office attire ito at mukhang nanggaling na sa office. Bumaba ang tingin ko sa dala niyang paper bag sabay napa irap.
"You didn't go to work, so came here." Muli akong napairap sa sagot niya.
"Pwede ba! Gusto kong magpahinga. Bumalik kana sa kompanya mo." Binawi ko ang braso ko na hanggang ngayon ay hawak niya parin.
"I brought you breakfast..." itinaas niya ang hawak na paper bag.
"Isama mo narin 'yan."
Papasok na sana ako sa loob ng iharang naman niya ang kamay niya sa gate ng tangka ko itong isasara—
"this is for you... I cooked it." Muli niyang itinaas ang paper bag at mas inilapit pa sa'kin.
Sandali akong natigilan at tiningnan siya...
"Kapag ba kinuha ko 'yan, aalis kana?" Taas kilay kong tanong sakanya.
"but... I want to eat breakfast with you. I haven't eaten breakfast yet." Umiwas ito ng tingin.
Huminga ako ng malalim bago siya tiningnan ulit.
"Look, santi. Aware kaba sa ginawa mo sa'kin?" Seryosong tanong ko.
Kunot-noo nitong ibinalik sakin ang tingin.
"you raped me!" Pagdidiin ko.
"I didn't rape you. We made love!"
Hindi ako makapaniwalang tumingin sakanya. Sarkastiko akong natawa. Baliw na talaga siya.
"Okay kalang? Made love? Pumayag ba ako?—"
Hindi niya ako pinatapos dahil tuluyan na siyang pumasok sa loob nang gate.
