Chapter 14

7.4K 223 14
                                        

Martha's POV:

Tulala lang ako habang nakatingin sa ceiling dito sa secret room ni Santi. Wala akong kahit na anong suot, maliban sa comforter na nakatabon sa katawan namin.

Namin. Dahil nasa ibabaw ko parin siya hanggang ngayon at mahimbing ng natutulog. Ang dalawang braso niya ay mahigpit na nakayakap sa'kin. Kaya naman konting galaw kolang ay alam ko na magigising nanaman siya.

At 'yon ang ayokong mangyari. Dahil sa tuwing magigising siya ay para siyang hayop na matagal na hindi nakakain. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ng ginawa sa'kin ang bagay na'yon. Basta ang alam ko nalang ay pagod na pagod ako at masakit ang buo kong katawan.

Sandali akong natigilan dahil gumalaw siya. Napalunok nalang ako dahil sa takot na umulit nanaman siya.

"Hey... aren't you sleepy?" Inaantok na tanong nito.

Umiling lang ako at bahagyang iginalaw ang katawan ko. Dahan-dahan naman siyang umalis mula sa pagkakapatong sa'kin bago lumipat ng higa sa gilid ko.

Kinuha ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Inipon ko yon lahat at pupunta na sana sa cr ng bigla naman niyang hawakan ang kamay ko—

"Where are you going? You're not going anywhere..." pagpigil niya sa'kin.

Hindi ko siya pinansin at hinila lang ng malakas ang kamay ko bago tuluyan na makapasok sa Bathroom niya.

Hubad pa ang katawan ko ng makarating ako. Wala narin naman akong pakealam sa sarili ko, tutal nakita naman niya na lahat sa'kin. Kaya ano pa ang itatago ko?

May malaking salamin sa may bathroom sink niya. Sandali akong natigilan dahil sa nakita... sobrang dami kong hickey sa leeg, sa dibdib at sa iba't iba pang parte nang katawan ko. Makikita rin ang labi ko na sobrang pula at may kaunting sugat.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hanggang sa namalayan ko nalang ang sarili ko na nakaupo na sa malamig na tiles.

Bakit kailangan sa'kin niya pa gawin ito? May girlfriend na siya hindi ba? Sobrang daming babae jan na mas maganda, Bakit kailangan niya pang ipagpilitan ang sarili niya sakin?

Nahinto lang ako sa pag-iyak ng pumasok siya sa loob kung nasaan ako. Katulad kanina ay hindi ko parin siya pinansin.

Nakasuot na siya nang robe, habang ako ay wala parin na kahit ano.

"Stop crying, baby." Dahan-dahan siyang lumuhod sa gilid ko at bahagyang inayos ang buhok ko na tumatabon sa basa kong mata.

Iniwas ko ang mukha ko dahil hahawakan niya 'yon.

"Gusto ko nang umuwi." Seryosong sabi ko naman habang pinupunasan ang mukha ko.

"But... I still want to be with you. let's spend the night here, can we? Hmm, baby?" Malambing na sagot niya.

Umalis siya sa harap ko at may kinuha sa drawer na nandito sa loob nang bathroom niya. Kumuha siya ng isang malinis na towel at robe. Bumalik siya sa gilid ko at ibinigay 'yon sa'kin.

"take a bath first. I will prepare your sleeping clothes, I will also order our dinner. Okay?" Yumuko ito para patakan ako ng halik sa ulo bago tuluyan ng lumabas sa bathroom.

Sandali pa akong umiyak pero kalaunan ay pinili ko nalang din na maligo. Sobrang tagal ko pala sa loob dahil nakarating na ang inorder niya ay nandito parin ako.

Parang ayoko na umalis sa tubig. Mas gusto ko nalang dito.

"Martha? why did you take so long?" Rinig kong sabi niya sa labas nang shower room.

Hindi ko siya pinansin at patuloy lang na nakatayo sa shower. Pakiramdam ko ay nalilinis nito ang mga laway niya na kumalat sa katawan ko.

"Martha!" Sigaw niya.

Napapikit nalang ako ng mariin bago pinatay ang shower. Isinuot ko na ang robe at pinatuyo naman ang buhok ko gamit ang towel.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko nang pinto ay nasa labas siya. Kunot ang noo nito na nakatingin sa'kin at halos magkasalubong na ang kilay.

"The dinner is ready. there's your clothes." Itinuro niya ang isang paper bag.

Lumapit ako don at kinuha 'yon. Buti naman at pajama ang ibinigay niya sa'kin. Hindi na ako nag-abalang pumasok ulit sa shower at sa dito nalang nagbihis. Ramdam ko ang nanunusok niyang mga mata na nakatingin sa'kin.

Ng maisuot ko na ang pajama ay nauna na akong lumabas. Kaagad rin naman sumunod si santi sa likod ko at parang aso ito na sumusunod sa kada lakad ko.

Tangkang lalabas sana ako sa secret room niya para kunin ang cellphone ko sa lamesa ko sa labas ng pigilan nanaman niya ako—

"Where are you going? I told you—" hindi ko siya pinatapos at pinutol ko ang pagsasalita niya...

"Kukunin kolang ang cellphone ko." Marahas kong binawi ang kamay ko at tuloy tuloy na lumabas.

Wala narin naman akong gana na tumakbo pa. Dahil alam ko na mahuhuli at mahuhuli niya lang rin naman ako sa huli.

Halos mapairap ako ng maramdaman ko na sumunod nanaman siya sa'kin hanggang sa makalabas ako nang office niya. Kinuha ko ang bag ko na palagi kong dala bago tiningnan ang phone ko.

8pm na pala. May text rin si Cate at sinabing uuwi na siya.

Nasa cellphone ko ang atensyon ko at nalipat lang 'yon dahil sa chismosa na nasa gilid ko. Nakatingin si santi sa cellphone ko at bahagya pa na nakakunot noo. Kaagad ko naman na pinatay 'yon at dinala nalang papasok ulit sa office niya.

"Come here, let's eat dinner na." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at hinila ako papasok sa loob nang secret room.

Wala akong nagawa at nagpahila nalang. Pagpasok namin ay kita ko ang paper bag na may tatak nung restaurant na palagi namin na kinakainan dati. Nakalabas na ang mga pagkain. Ngayon lang yata ako nakaramdam ng gutom.

Hindi na ako nag-inarte pa at kumain nalang. Paminsan-minsan ay kinakausap niya ako, pero pinili ko nalang na mag-bingi bingihan.

"We will go to Palawan next week. mom wants to see you."

Sandali akong natigilan dahil don. Her mom?

"Bakit ako ang isasama mo? Bakit hindi si Amanda?" Sagot ko naman.

Huminto siya sa pagkain at itinuon ang pansin sa'kin.

"and why do you think I should bring her instead of you? I don't care about her." Nagtataray naman na sagot nito.

Uminom siya sa tubig niya, habang ako naman ay hindi makapaniwalang nakatingin sakanya. Halos isang linggo niyang ginagamit ang babae na'yon, tapos sasabihin niya na wala siyang pake?

"Bakit paba ako magtataka. Ganyan ka nga palang klase na tao." Naiiling na sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

Kita ko na natigilan siya sa pag-inom ng tubig.
Bumaling ako sakanya at seryoso siyang nakatingin sakin. Umiling ulit ako at pinili nalang na tapusin ang pagkain para makatulog na ako.

————————————————————————
A/N: mas gumagana talaga isip ko sa madaling araw.

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now