Katatapos lang ng physics quiz, at halata sa mga mukha ng mga tropa ni Jaren ang pinagdaanan nila. Lumabas silang dalawa ni Elijah ng classroom at sinalubong at mga kaibigan nila na nag-iingay at nagkukwentuhan. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa tambayan nila sa ilalim ng malaking puno sa quadrangle. Puno kasi ang canteen lalo na’t break time nila.
"Grabe, feeling ko nag-nosebleed ako halfway through," reklamo ni Soren habang naglalakad. "Parang nakasulat sa alien language 'yung ibang tanong," sabi niya pa at hawak-hawak ang ulo na parang sasabog.
"Si Ma'am Agustin kasi, e," sabat ni Yuriel, iniiling ang ulo. "Kala mo naman may makakagawa nang tama sa pinapagawa niya. Feel ko gawa-gawa niya lang yung ibang equations doon."
"Ulol. Baka hindi ka lang talaga nag-review."
"Teka, Elijah, tingnan mo nga 'tong sagot ko sa number three. Tama ba 'to o imbento ko lang?" sabi ni Chasen, iniabot ang papel niya kay Elijah.
"You got it wrong."
Sumilip si Jaren sa sagot ni Chasen at natawa. "Pre, parang gumawa ka na lang ng essay sa physics problem. Pero points for creativity!"
Tumawa ang buong grupo.
"Hoy, ikaw, kamusta ka naman?" tanong ni Soren kay Yuriel. "Baka may band-aid ka na naman next quiz, ah."
"Noong isang araw pa ‘yon, ah. Tinanggal ko na nga kanina, e. Tsaka wala naman akong bangas this time. Pero parang may psychological damage ata," biro ni Yuriel.
"Physics talaga sisira sa mental health ko," dagdag pa ni Chasen.
"Naiinggit na talaga ako sa tropa natin," biglang sabi ni Soren at tumingin kay Elijah. "Pre, pahingi naman ako ng utak!"
"Ano pa si Jaren? Nakita namin yung mukha niya kanina habang nag-q-quiz kasi sakto napadaan kami, e physics class pala nila. Kalmado lang siya, tapos kami parang mga batang nawawala sa mall nung kami na nag-take ng quiz," ani Chasen.
"Oo nga! Parang ibang tao," sambit pa ni Soren.
Nagtawanan sila, si Jaren naman ay napailing na lang.
"Si Ansel din kanina," sabi ni Yuriel at sumulyap kay Jaren. "Ako nasa number two pa lang, siya tapos na mag-compute."
"Magaling lang talaga 'yung mga taga-Aristotle. Kaya siguro tahimik lang si Ansel, hindi tulad ng isa d'yan," ani Soren sabay tingin kay Yuriel.
"Hoy, ‘wag mo akong igaya sa ‘yo," sagot ni Yuriel at itinaas ang kanyang gitnang daliri sa kaibigan. "Title ng Plato ang pagiging maingay, ‘no. Pero totoo, iba rin kaya ‘yon mag-multitask. Kayang mag-tutor, maging student leader, mag-aral, at mag-tiyaga sa'yo, Jaren."
"Inggit ka lang," may panunuya niyang sabi.
While his friends continued talking—brushing off the topic about Ansel—Jaren decided to message the latter.
To: Ansel
Your notes are a lifesaver. Thank you, boss! 🫡
Ilang sandali lang ay nag-reply ito.
From: Ansel
How did it go?
To: Ansel
Aced it. Thanks to you. :)
Hindi niya namalayan na nakasilip pala si Yuriel sa phone niya.
Yuriel looked at him and playfully smirked. "Uy, nice. Ano next, magde-date na kayo?"
"Baliw!" Jaren replied defensively. Nahihiya niyang pinatay ang phone niya.
"Oy, sino ‘yan?" tanong ni Soren nang mapansin ang reaksyon niya.

BINABASA MO ANG
Tutoring Hearts
Romance"I've found my heart learning to love you more each day. Who would have thought it has been yours to teach and guide all along?"