Chapter 13

7.6K 238 21
                                        

A/N: Again and Again and Again. Warning ⚠️

This is just a work of Fiction. FICTION! It contains sensitive scenes and only for mature readers.

I write offensive plots. So, If you are easily offended or not ready for mature or offensive contents, my stories are not suitable for you. Kaya please, wag nalang basahin okay? Nakakasawa mag explain na hindi ko nga ninonormalize ang S.A. Lahat ng ito ay gawa-gawa lang. Iba ang wattpad world sa totoong mundo. Alam ko at ng mga iba readers ang pinag-kaiba ng wattpad sa totoong buhay. Kaya please lang!

————————————————————————

Martha's POV:

"Sa wakas." Tumayo ako at nag stretching.

Sobrang sakit na talaga ng likod ko sa dami ng trababo. Halos araw-araw ba naman ay may bagong ipinapagawa si mam santi.

Tiningnan ko ang oras, malapit na pala ang lunch time. Sakto dahil tapos narin naman ang ginagawa ko. Kaagad kong kinuha ang phone ko para itext si Cate. Halos 1 week narin kaming nagsasabay kumain sa cafeteria tuwing lunch.

Sumagot rin naman kaagad ito at sinabing hihintayin nalang nila ako ni leon sa cafeteria.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago tuluyan bumaba sa floor kung nasaan ang cafeteria.

As expected, marami na ang tao dito ngayon. Inilibot ko muna ang tingin ko at kaagad naman na napangiti dahil nakita ko na si cate na mukhang busy sakanyang phone.

"Cate." Tawag ko sa kaibigan ko.

Kaagad naman itong kumaway sa'kin.

"Buti naman andito kana. Gutom na'ko teh." Pagrereklamo nito ng makalapit na ako sakanya.

Naawa naman ako sakanya kaya ako na ang nag volunteered na mag order para sakanya. Masaya naman ito sa narinig at kaagad nagbigay ng pambili.

"Teka, asan nga pala si leon?" Tanong ko naman.

Palagi narin kase namin na nakakasama si leon tuwing lunch.

"Here." Sabay kaming napatingin ni Cate sa nagsalita.

"Oh, ayan na hinahanap mo teh." Natatawang sabi ni cate bago na upo at bumalik sa pag-pophone.

"you are looking for me?" Nakangiting sabi naman ni leon.

Tumango-tango naman ako dahil 'yon naman ang totoo.

Sandaling natigilan si leon habang ang mga mata ay nasakin parin nakatingin.

"Leon, matunaw 'yan." Natatawang sabi ni cate mula sa gilid ko.

"Ah, ahm. Mag-oorder kana ba?" Pag-iiba ni leon.

Tumango ako ulit at tumingin sa mga taong nagbabayad na sa counter. Sobrang haba na pala ng pila.

"Papasabay kana ba? Ako ang bibili."

Umiling si leon at itinaas ang hawak niya na paper bag. Dalawa yon.

"No need. Nagluto ako nang food for the three of us."

Napangiti naman ako dahil sa wakas, hindi na ako pipila.

"Uy, I smell something..." si cate nanaman sa gilid ko.

Hindi namin siya pinansin ni leon at natatawa nalang na umupo.

"Wow. Hindi ko alam na magaling ka pala magluto." Sabi ko naman.

Kita ko kase na mukhang masarap ang mga pagkain na niluto niya. Well prepared pa ang mga ito at parang luto ng isang chef.

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now