Martha's POV:
"Santi, ano ba!" Gigil na sigaw ko sa babaeng nakayakap ng mahigpit sa likod ko.
Mukhang hindi naman ito natinag dahil rinig ko ang mahina niyang pag-tawa.
"Santi, ano ba?" Halos umakyat na sa ulo ko ang dugo ko dahil sa paggaya niya sa sinabi ko kanina.
Pilit akong kumakalas sa yakap niya habang siya naman ay pilit akong hinahalikan sa pisngi.
"Bitaw!" Pagpupumilit ko.
Imbis na bumitaw ay mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa'kin.
"I miss you nga eh" natigilan ako saglit.
Ng mapansin niyang hindi na ako pumapalag, unti-unting lumawag ang pagkakayakap niya mula sa likod ko. Humarap naman ako sakanya at seryoso siyang tiningnan. Parang tanga pa ito na nakangisi habang tinitingnan ako.
"I know you miss me too. You don't have to deny it, love." Tangkang hahalikan niya nanaman ako ng mabilis kong iniharang ang kamay ko.
Napunta 'yon sa dibdib niya kaya bumaba ang tingin niyo don. Kagaya niya ay napunta rin ang tingin ko sa kamay ko na ngayon ay nakalapat sa kanyang dibdib.
Kita ko ang pag-kagat niya sa labi niya bago ibinalik sa'kin ang tingin...
"Do you want to touch it without my clothes on?" Mabilis kong inalis ang kamay ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.
"Santi, ano ba itong ginagawa mo?" Naguguluhan na tanong ko.
"Bakit mo ito ginagawa sa'kin? Look, kung dahil ito sa nangyari nung lasing ako... please, stop it. Hindi ako ganong klaseng babae."
Unti-unting nawala ang ngisi nito at napalitan ng pagiging seryoso.
"Kung ginagawa mo ito dahil sa tingin mo ay nagugustuhan ko... pwes hindi. Tinatakot mo lang ako sa pinapakita mo—"
Hindi ko naituloy ang mga gusto ko pang sabihin dahil inilapat nanaman niya ang labi niya sa labi ko.
"Are fucking blind, martha! Can't you see that I want you?"
"Want me? Want me to be your whore? Is that what you mean, santi?" Sagot ko sakanya.
Binitawan niya ako at tumalikod. Saglit na segundo lang ay napapikit ako ng bigla niyang hinagis ang frame na nasa table malapit sa'min.
"Fucking dammit." Rinig kong bulong niya.
Unti-unti akong nagmulat. Kita ko na sinasabunutan niya ang buhok niya habang naglalakad ng pabalik-balik.
"I want you. I like you. That is what I mean, martha. Can't you see that? Huh?" Sigaw niya.
Hindi ko magawang makapagsalita. Nakatayo lang ako habang nakatingin sakanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko, na blangko ang utak ko dahil sa sinabi niya.
"Now... I want you to want me too, martha. That's why I'm doing this!—" hindi ko siya pinatapos at ako naman ang nagsalita—
"Doing what? Forcing me to have sex with you? Do you think kapag ginawa mo 'yon, magugustuhan kita? Hindi."
Sandali siyang natigilan. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa totoo lang ay natatakot ako sa way ng pagtitig niya.
"You don't want me..." hindi 'yon patanong. Mahina lang ang pagkakasabi niya at parang sinasabi niya 'yon sa sarili niya.
May naisip naman ako na paraan para tuluyan niya na akong tigilan...
"Yes. I don't want you. I don't like you. I can't even imagine myself being with... you. Kaya please, mam. Itigil mo na ito! Gusto ko lang magtrabaho ng payapa." Kinakabahan man ay pilit kong pinatapang ang boses ko.
