Chapter 11

6.4K 237 9
                                        

Martha's POV:

"Martha? Can you please come here? I need your help." Rinig kong sabi ni santi sa intercom.

You read it right, gays. Si santi.

Bumalik na ako sa trabaho ko bilang secretary niya. Bakit ko ginawa? Dahil no choice naman ako.

It's been a month since that incident happened. Hinayaan niya akong mag resign, pero hindi naman niya ako hinayaan makapag trabaho sa ibang company. Sa lahat ng pinag-aapplyan ko ay parati akong hindi na tatanggap. Kahit may nakalagay naman na hiring ay hindi parin nila ako tatanggapin. Isa lang ang parati nilang sasabihin "Meron na kaming natanggap."

Paano ko na laman na kagagawan lahat 'yon ni santi? Dahil dito...

Flashbacks:

"Good morning, mam. Andito po ako para mag-apply." Nakangiting sabi ko sa manager.

Nakita ko na hiring sila ngayon kaya naman pinatulan ko na. 1 week na akong walang trabaho, dahil sa wakas ay nakawala na ako kay santi.

"Ganon ba? Do you have your resume with you?"

Ngumiti ako at kaagad iniabot ang dala kong resume.

Pinaupo muna niya ako bago basahin ang dala ko. Habang naghihintay sa mga sasabihin niya ay inilibot ko muna ang tingin ko sa buong opisina. Maganda naman, pero hindi katulad sa company ni Santi. Pero ayos na 'to. At least kung matanggap ako ay may trabaho na ulit ako.

Ilang segundo lang ang lumipas ng magsalita na muli ang manager. Mukhang hindi pa ito mapakali.

"A-ah... sorry miss, pero hindi na pala hiring ang company namin." Halos hindi pa ito makatingin sa'kin habang nagsasalita.

Napakunot naman ang noo ko. Pang apat na company na kase itong pinag-applyan ko. At kung hindi "meron na" ay "hindi na pala hiring" ang maririnig ko.

"Ganon po ba? Sige po, thank you."

Tumayo na ako at paalis na sana ng marinig ko  na may nagsalita sa intercom—

"Is she gone? Buti at itinawag mo kaagad sa'kin, kundi malalagot tayo kay Saint Montego."

Kaagad akong napalingo sa manager na kanina lang ay kausap ko. Para itong nakakita ng multo at kaagad nag-iwas nang tingin.

Halos umakyat ang dugo ko sa ulo dahil sa narinig. So it's her. Kaya hindi ako matanggap tanggap.

Hindi na ako nag-isip at kaagad pumunta sa company niya. Parang anytime ay sasabog na ako dahil sa galit.

Ng makarating ako ay kaagad akong pumasok sa company at dumiretso kaagad sa private elevator na diretso sa office niya.

Ilang minuto lang ay nandito na ako sa labas nang office niya at hindi na nag-abalang kumatok. Pa dabog akong pumasok, hindi na ako nagulat na hindi siya nagulat sa pag dating ko.

"Martha, what brings you here?" Pa inosenting tanong nito.

Pagak akong natawa bago magsalita...

"What brings me here! What the hell, santi! Akala ko ba ay tinigilan mo na ako? Ano 'tong ginagawa mo!" Sigaw ko.

Hindi ito umimik at seryoso lang na nakatingin sa'kin.

"I don't know what you're talking about, martha." Sagot nito bago sumandal sa swivel chair niya at pinaikot-ikot.

Gusto ko na maiyak dahil sa inis at galit na nararamdaman. Bakit kailangan niyang gawin sa'kin 'to?

"Do you want to be my secretary again? It's fine, I'm still willing to hire you again, you know." Ngayon naman ay nakangiti na ito.

Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o ano. Ang hirap niyang basahin. Ang hirap niyang intindihin.

"Hindi mo ba talaga ako kayang tigilan?"

Umiling ito bago tumayo at lumapit sa akin...

"I told you, you are mine. No one can take you away from me. No one."

End of flashback.

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo. Pumasok na ako sa loob nang office niya.
Napakunot noo ako dahil wala siya sa swivel chair niya.

"Here, martha."

Napalingo ako sa gilid ko. Nakabukas ang pinto sa secret room niya dito sa office niya.
Maya-maya ay lumabas siya mula doon...

"Can you help me here? I need to find something." Sabi nito bago pumasok ulit sa loob.

Nagdadalawang isip ako pumasok, pero sa huli ay ginawa ko parin.

Ng makarating ako sa loob ay halos mapangaga ako sa ganda. Parang mini penthouse niya kase ito. May bed na sobrang linis, mga gamit na mukhang mamahalin at iba pa. Para na nga itong penthouse kung tutuusin.

Busy ako sa pag tingin nang paligid ng marinig ko ang pag sarado nang pinto. Kaagad nabaling ang atensyon ko don.

Hindi ko namalayan na nasa likod pala si santi nang pinto. Ngayon nga ay nakatayo ito mula don at seryosong nakatingin sa'kin. Mula sakanya ay napunta ang tingin ko sa doorknob dahil rinig ko ang pag pindot niya para ma ilock ito.

"What are you doing?" Seryosong tanong ko kahit ang totoo ay kinakabahan na talaga ako.

Ngumisi ito at dahan-dahan na naglakad papalapit sa'kin.

"I miss you, baby. Don't you miss me too?" Nakalapit na ito sa'kin.

Sa kaba ko ay hindi ko napansin na sobrang lapit na niya sa'kin.

Tangkang tatakbo na ako papunta sa pinto ng mabilis niya naman akong niyakap at hinalikan.

————————————————————————
A/N: sorry gays, natagalan. Nag outing lang hehe.

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now