Chapter 22

5.9K 230 39
                                    

Chapter 22:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

One week na rin ang lumipas at second semester na. Naging smooth naman ang mga araw na lumipas.

Naging close kami lalo ni Archer simula noong araw na nagkausap kami sa field, iyon nga lang, minsan ay nakakaasar pa rin ang mga banat niyang masyadong straight forward. Akala mo talaga hindi nakakasakit ng damdamin.

Gaya na lang noong isang araw.

Adrian Arrow:

punta aq jan sa unit mo

Archer:

Bakit? Huwag na. Istorbo ka naga-advance study ako.

Adrian Arrow:

cnasabi mo bng distraction lang aq? :((

Archer:

Oo.

<>

'Di ba? Sino ba naman ang hindi masasaktan kung gan'yan ka-straight forward ang kausap?

Hindi man lang sinabing, "Hindi naman sa gano'n. Baka kasi ma-bore ka lang din dito." Hayyys.

Hindi lang 'yan. Nangyari naman 'to kahapon lang.

"Kasama mo ulit si Isla?" Tanong ko nang magkausap kami sa phone. Wala kasi akong klase sa umaga sa araw na 'to.

"Oo, bakit?" Sagot niya na para bang napilitan pang sagutin ang tawag ko.

"Sinabi mo na lang sana na gusto mo ng kasama para pumunta ako diyan kahit na wala akong pasok!" May bakas pa ng pagtatampo ang boses, baka lang kasi maawa siya. Iyon nga lang...

"Gusto ko ng kasama, pero hindi muna ikaw." Sagot niya.

Sa sobrang inis ko kahapon, binabaan ko siya ng tawag at nagdabog buong araw. Pati mga kaklase kong nagtatanong lang ay nababara ko sa sobrang hinagpis.

Mabuti na lang talaga at mahal ko siya. Mahal... Oo, mabuti na lang mahal ko ang isang 'yon kaya kahit gaano siya kasakit magsalita minsan ay wala pa rin magbabago. Gusto ko, e.

"Guys, mag-perform daw tayo mamaya sa The Jigs? Wala raw 'yong regular band na nag-gi-gig doon, e." Bungad ni Davy nang pumasok siya sa music room ng university.

"What time? May six to seven pm akong class." Sagot ni Rowan.

Minsan din kasi ay tumatanggap kami ng gig, lalo na kapag maluwag ang sched namin sa school.

"Kahit daw 8-10? Kaya ba?" Sagot niya.

"Okay lang sa'kin." Sagot ko. Wala pa namang tinatambak na activities mga prof namin.

"I'm on." Si Kens.

Sabay-sabay kaming napatingin kay Andrei na nakangiting hawak ang phone niya.

Nagkatinginan pa kami ni Davy. "Hoy Drei, nakikinig ba sa'min?" Tanong ni Davy sa kan'ya. Binato pa niya ng bag kaya napatingin sa'min si Andrei na nawala ang ngiti.

"Oo, saan ba tayo mag-gym?" Tanong niya. Tang ina.

Lumapit sa kan'ya si Davy at sinakal siya gamit ang braso. "Gig gago hindi gym!"

"Iyon nga! Tang ina naman, bitaw!" Sigaw niya. Napailing na lang si Rowan habang natatawa naman ako at ang girls.

Tang ina. May sikreto rin yata yang si Andrei, e. Maka-react naman noong nalaman ang lihim namin ni Davy, pero siya rin pala ay mayroon. Totoo nga ang kasabihan na, "walang sikretong hindi nabubunyag." Tsk.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon