Pagkatapos ng klase, nagdesisyon si Ansel na dumaan muna sa Café Dianne para kitain ang mga kaibigan at mag-shift ng ilang oras. It was a habit of his to check in and help out whenever he had free time. Isa pa, gusto rin niyang ipaalam sa tita niya ang balita tungkol sa election results.Pagpasok niya sa Café sinalubong siya ng yakap ng kanyang tiyahin "Sel! Congratulations!" masiglang bati nito.
Napangiti si Ansel. "Thanks, Tita. Tutulong pala ako ngayon dito. Wala pa namang masyadong ginagawa sa club."
"Naku, umupo ka muna at magpahinga. Bago ka magtrabaho, kumain ka muna," anito habang naglalakad silang dalawa papunta sa table kung nasaan ang mga kaibigan niya.
"Kanina pa excited si tita, HAHAHA. Hinintay ka talagang makapasok," ani Kino na nakaupo na sa mesa malapit sa counter.
"Tignan mo, Sel, may special drink pa kami kay Tita," sabi naman ni Reis na nakangisi at nilalapag ang isang tray ng pagkain sa mesa.
"Meron pa roon sa loob, ha. Kuha lang kayo. O, siya, tutulungan ko muna ang mga tao sa loob." anunsyo ng tiya niya. Siya naman ay nakaupo na, nakatingin kay Kino at tinaasan ito ng kilay.
"Parang mayor lang sa tabi tabi ah," biro ni Ansel at inilapag ang bag. Si Kino kasi, nakaupo na parang kung sinong famous na mayor. May salamin pa talagang suot.
"Grabe naman sa mayor. Baka President ng Robotics Club ‘to."
"Oh, para sa ‘yo raw," sambit ni Reis at may ibinigay na paperbag sa kanya.
"Kanino galing?"
"Mommy. Congrats daw. Meron din ‘to si Kino," anito at nagpasalamat naman si Ansel.
"Sino ba naman kasing makakaisip na mananalo ako... sa 'pustahan' namin ni Reis. Ako nanalo, HAHAHA!" sagot ni Kino.
Hinampas siya nang mahina ng pinsan. "Di pa tayo tapos. Hindi ako magbabayad hangga’t hindi pa sure. Pero teka, paano na ang love life mo niyan, Sel? Dapat ba active din kami ro’n?" pang-aasar ni Reis.
"Psh, wala nga akong oras d'yan. Dami nang ginagawa sa school."
"Ano ka ba, dapat nga habang busy ka, do’n ka pa nagkaka-love life. Para balance!" sabi ni Reis na may kasama pang kindat.
Napatingin siya nang masama sa dalawa. "Tungkol ba ‘to kay Yuriel?" Ang obvious nila sa ‘pustahan’ nila.
"Ah! First name basis? Hindi ka gagan'yan." ani Reis, kunwari seryoso pero natatawa na rin.
"So, panalo talaga ako?"
"Ewan ko sa inyo. Nananahimik yung tao."
"Weh? Pero magkasama sa library? Sabi ni Cass pagdating namin sa room kanina, kasama mo raw lumabas."
Hindi naman siya ang kasama kong mag-stay ro’n.
"Nagbasa lang ng textbook. Yung libro niyo pala, nilagay ko sa locker niyo.
"Ah, walang something?" sabi ni Kino, pinipilit pa rin yung topic.
Napasinghap si Ansel, "Hindi nga kasi."
"Ikaw talaga, serious masyado," ani Reis sabay turo sa mga pagkain. "Kain na lang tayo."
Tuloy ang pag-uusap nila hanggang sa maubos na ang pagkain. Maya-maya ay nagpasya na si Ansel na pumasok sa loob at magsimulang mag-trabaho. "Sige na, magtatrabaho na ako." aniya saka tumayo na, nagpaalam na rin ang magpinsan na uuwi na. "Tita, may kailangan bang gawin?"
"Dito, Ansel, meron!" ani Lane na nasa loob ng staff room. Dadaldalin lang ako nito, e.
Pagpasok ni Ansel sa staff room, naroon si Lane at Theo na tila may pinag-uusapan. It was only two in the afternoon, so there were only a few customers, which the three of them along with his two aunts could handle. The other workers were scheduled for the evening shift, so they still had time to catch up and chat occasionally.

BINABASA MO ANG
Tutoring Hearts
Romance"I've found my heart learning to love you more each day. Who would have thought it has been yours to teach and guide all along?"