Martha's POV:
Unti-unti akong nagmulat ng mga mata, pero kaagad rin napapikit dahil sa sobrang liwanag.
Ng makapag-adjust, kaagad kong inilibot ang tingin ko. Nasa kwarto ako ni Santi.Kaagad pumasok sa isip ko yung nangyari kagabi. Fuck!
Tiningnan ko ang kabuohan ko, wala akong kahit na anong suot at comforter lang ang nakatabon sa hubad kong katawan.
Kinabahan ako dahil sa nakita. Lasing ako kagabi pero tandang tanda ko ang mga nangyari. Simula sa Club hanggang sa parking.
Gusto kong maiyak dahil sa nangyari. May part sa'kin na nagsisisi ako dahil bumigay ako kay Santi. She's my first, first sa lahat.
Nakita kong wala akong kasama dito sa kwarto. Nakita kong may bathrobe sa gilid ko kaya kinuha ko 'yon at isinuot. Hinanap ko ang damit na naiwan ko dito kagabi dahil dito ako nagpalit. Ng makita ko naman yon ay kaagad kong isinuot.
Ng matapos ako ay pumasok naman si santi sa kwarto, nabaling kaagad ang tingin ko sakanya...
"Good morning, love." Nakangiting bati nito.
May dala siyang pagkain, naka bathrobe lang ito at mukhang kakatapos lang maligo.
"I was about to wake you up, I cooked our breakfast" naglakad ito palapit sa'kin.
Tangkang hahawakan niya ako, pero kaagad naman akong umiwas. Kita ko ang pagtataka sa mukha nito bago ako nagpaalam.
"Ah, u-uwi na po ako, mam" paalam ko habang hindi nakatingin sakanya.
Hindi ko magawang tumingin. Nahihiya ako at the same time naguguluhan.
"What?" Seryosong tanong niya.
Hindi ko na siya sinagot at mabilis na naglakad papunta sa pintuan.
Pero hindi pa ako nakakalayo ng maramdaman ko ang mahigpit na kapit niya sa braso ko—
"Mam, m-masakit..." nasasaktan na sabi ko.
Kunot-noo itong nakatingin sa'kin. Mukhang hindi makapaniwala sa nakikita.
"What are you doing, iiwanan mo ako!" Galit na sabi niya.
Mas lalo akong napaaray dahil mas humigpit pa ang kapit niya.
"after what happened to us last night, huh!"
Pilit kong inaalis ang hawak niyang mahigpit. Masakit na talaga.
"Mam, m-mali 'yon—" naputol ang sasabihin ko dahil marahas niya akong hinila pabalik sa kwarto.
"What the fuck! what did you say?" Sigaw niya.
Kita ko ang galit sa mukha niya, namumula na kase ito.
"Mali? there is nothing wrong with what we did, martha. You are mine."
Napakunot noo naman ako dahil sa sinabi. I'm hers? Hindi naman kami.
"Mam, hindi po tayo—" napatakip ako sa bibig dahil sa ginawa niya.
Tinapon niya kase yung mga pagkain. Lahat ng plato ay nagsibasag dahil sa lakas ng pagkakatapon.
"You are mine. the moment you step into my company, you are already mine."
Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Hindi dahil pinapasweldo niya ako ay may karapatan na siyang angkinin ako.
At hindi dahil may nangyari sa'min ay pwede na niya akong angkinin.
"Mam, hindi porket may nangyari sa'tin kagabi ay pwede mo na akong angkinin." Matapang na sagot ko.
Pagak itong tumawa bago inayos ang buhok niya.
