Chapter 8

6.6K 248 23
                                        

Martha's POV:

10pm na ng makarating kami sa club. Nalaman ko na sa kaibigan pala ni santi ang club na ito.

Nandito pa kami sa parking area, kararating lang namin. Pagka park nga niya nang mamahalin niyang sasakyan ay kaagad na itong lumabas. Lalabas narin nga sana ako pero naunahan naman niya ako sa pagbukas ng pinto. Nag "thank you " nalang ako.

Hindi ko alam, pero ayokong bigyan ng meaning ang mga ginagawa niya. May idea na ako pero ayokong paniwalaan.

"Let's go?" Tumango lang ako bago sumunod sakanya.

Kita ko ang may karamihan na nakapila sa labas ng club dahil sa entrance kami pumasok. Karamihan ay halos mga kabataan.

Tuloy tuloy lang ang kasama ko hanggang sa makarating kami sa mismong entrance kung nasaan ang mga bouncers. At dahil nga mukhang kilala na nila ang kasama ko, may dalawang bouncer pa ang umalalay sa'min papasok ng club.

Ng makarating kami sa loob ay halos mamangha ako sa ganda. Sobrang ingay dahil sa music, at marami rin tao. Mukhang masaya dito.

"This way, mam" rinig kong sabi nung bouncer.

Naramdaman kong hinawakan ni santi ang kamay ko at pinagsalikop ito. Mula sa mga taong nagsasaya ay nabaling ang tingin ko dito. Tiningnan ko siya pero kausap nito ang bouncer.

Umakyat kami sa second floor kung saan may mga private room na para lang sa mga VIP.
Hawak parin ni santi ang kamay ko habang ako naman ay nagpapatianod lang sakanya.

Nakarating kami sa may dulo nitong second floor. Pansin ko na nag-iisa lang ito at mas malaki ang space kumpara sa mga nadaanan namin. Nakita ko ang sign na VVIP.

Pumasok na kami sa room. Kaagad kong nilibot ang tingin ko, hindi lang yung apat na babae na pumunta sa office ni santi ang nandito. Siguro ay may nasa sampo ang tao sa room na ito ngayon.

Una kong nakita yung lauren, sa tabi nito ay isang magandang babae. Mukha nga lang bata, pero matured naman ito sa suot na dress.

"Saint! Buti naman tumupad ka. Welcome "

Halos lahat naman ay napatingin ng batiin si saint nung isa pang magandang babae. Ngayon kolang siya nakita dahil hindi naman siya kasama kanina.

"Martha, this is Aaliyah. She's my friend." Pagpapakilala ni santi sa babae.

Ngumiti naman ako sabay sabi ng "hello"

Manghang nakatingin sa'kin yung aaliyah. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nahihiya naman akong nag-iwas ng tingin.

"Stop that, aaliyah." Malamig na sabi ni Santi.

"Girl, chill. I will not take your girlfriend away from you." Natatawang sabi nito.

Handa na sana akong itanggi yung sinabi niya na girlfriend ako ni santi ng hawakan muli ni santi ang kamay ko.

"You okay?" Saglit pa akong natigilan bago tumango nalang.

Tuluyan na kaming pumasok. Sandali pang pinakilala ni santi ang mga kasama namin dito sa loob. Lahat pala sila ay mga kaibigan niya at ang iba naman ay mga girlfriend ng kaibigan niya.

Nalaman ko na best friend pala ni santi si Aaliyah. Siya rin ang may-ari nitong club at kauuwi niya lang galing ibang bansa. Parang naging reunion nila ito, kaya naman nahihiya ako dahil ako pa ang sinama ni santi dito.

Makikita mo talaga sakanila na lahat sila ay mayayaman, kahit yung mga kasama nilang girlfriends.

Bahagya akong nanliit. Pero kahit ganon, nagpapasalamat ako na hindi nila pinafeel sa'kin na out of place ako.

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now