Chapter 7

6.2K 248 31
                                        

Martha's POV:

Halos hindi ako makatingin may mam- kay santi ngayon.

Andito pa nga ako sa loob ng office niya kasama yung mga dumating na nalaman ko na mga kaibigan niya pala. Ngayon nga ay kausap niya ang mga ito, pero ang tingin naman ay nasa akin.

Hindi parin maalis sa isip ko yung kanina, kung hindi ba dumating ang mga kaibigan niya... nahalikan na niya kaya ako?

Aishh

Bakit naman niya ako hahalikan? Secretary niya ako! Tyaka parehas kaming babae.

Pero teka! Sabi niya she's into girls? Possible ba na may gusto siya sa'kin?

What the hell, martha! Bakit naman magkakagusto sayo yan? E ang taas taas niya para sa isang tulad mo...

"Martha?"

Impossible naman na may gusto sayo ang boss mo! Feelingera lang?

"Martha!"

Secretarya kalang niya. Baka nadala lang siya kaya kamuntikan ka na niyang halikan. Wag feeling ah.

"Martha!!"

Gulat akong napatayo sa inuupuan ko ng marinig ko ang sigaw ni mam santi. Nalaglag ko pa yung hawak ko na phone dahil sa biglaang pagtayo.

"What the heck are you thinking?" Galit at seryosong tanong nito.

Hindi ako makapagsalita. Na blanko ang isip ko dahil sa gulat at sa mga iniisip ko kanina.

"Your girl is gorgeous, Saint. Lutang nga lang." natatawang sabi nung isa sa mga kaibigan niya.

Napatingin naman ako sa mga kasama namin dito sa loob. Apat silang pumasok kanina, at yung babaeng nagsalita ang unang pumasok.

"Shut up, lauren" seryosong sabi naman ni mam santi. Pero hindi parin niya inaalis ang mga mata sakin.

"B-bakit po?" Bahagya akong umiwas nang tingin dahil mas naging seryoso pa ang ekspresyon ni mam santi.

Ayaw nga pala niya na may "po" kapag kinakausap siya.

"May gagawin kaba mamaya?" She ask.

Mabilis naman akong umiling sa tanong niya. Tulad nga ng sabi ko before, bahay/office lang ako. Kaya wala naman akong gagawin mamaya.

Hindi na ito nagsalita at tumango nalang sa naging sagot ko. Muli niyang kinausap ang mga kaibigan niyang mga mukhang kasama niya sa negosyo. Lahat sila mukhang mayayaman.

Narinig kong pumayag siya sa sinabi nung Lauren. Pero hindi ko alam kung ano 'yon.

Sandali pa ay nagsi-tayuan na ang mga ito at handa ng umalis. Tumayo narin ako ulit at magalang na nag-paalam.

Saglit na huminto sa harap ko yung tinawag ni mam santi na "lauren" at malawak na ngumiti.

"You're pretty. No wonder my friend here wants you." Napailing ito bago tuluyan ng lumabas.

Kami nalang ni mam santi ang naiwan. Tiningnan ko ito at kaagad naman nagtama ang mga mata namin.

"Martha, sit here." Kaagad naman akong lumapit sa inuupuan ko kanina bago dumating ang mga kaibigan niya.

"Bakit mo pala natanong kung may gagawin ako mamaya? May iuutos kaba?" Tanong ko.

Maliit naman itong umiling bago tumayo at lumipat sa tabi ko. Nag-iwas naman kaagad ako ng tingin, andito nanaman kase yung pakiramdam ko na baka ituloy niya yung kanina.

Bahagya naman akong nakahinga ng lumampas siya at may binuksan. Napakunot noo pa ako dahil ngayon kolang nalaman na may secret room pala siya dito sa loob ng office niya. Umusog ako ng konti para makita ko ang loob, pero wala ako masyadong nakita maliban sa isang malinis na kama.

Bumalik ako sa ayos ng lumabas siya na may dalang paper bag. May tatak 'yon ng isang kilalang brand.

"Here. I want you to wear this later." Inabot ko ang paper bag na binibigay niya sa'kin. Sinilip ko lang 'yon bago siya tiningnan.

"Para saan?" Tanong ko.

"I'm going to the club, and I'll take you with me."

Club? Sa buong buhay ko yata ay never pa akong nakapasok sa lugar na'yon.

Tumango nalang ako at inilagay sa gilid ko ang paper bag. Kita kong nakatingin parin sa'kin si santi. Gusto kong iopen yung kanina pero hindi ko nalang itinuloy at nanahimik nalang.

"You can change in my penthouse."

Mabilis akong napatingin sakanya. Maliit naman itong nakangiti sa'kin habang hinihintay ang sagot ko, naguguluhan man ay tumango nalang ako.

8pm na. 6pm kami umalis sa office dahil may naging emergency meeting pa siya. Dinala niya pa ako sa manila pen para mag early dinner daw bago kami umuwi dito sa penthouse niya sa Makati.

Ngayon nga ay nandito parin ako sa cr ng kwarto niya, halos hindi ko makilala ang sarili ko dahil sa suot. Isa kase itong sexy backless ruched dress na kulay maroon. Hanggang binti ko lang ito. Meron siyang parang chain stap cowl sa may neck part at kitang kita ang cleavage ko.

Maputi ang kutis ko kaya naman litaw na litaw ang kulay. Nag lagay narin ako ng konting make-up at inayos lang ng konti ang buhok kong kulay blonde.

Kaya ngayon naman ay halos hindi ko talaga ma imagine na ako ito. Shakss, may igaganda pa pala ako?

"Martha? Are you done?" Gulat akong napatingin sa labas ng pinto dahil sa narinig kong pagkatok ni santi.

"Ah, oo. Saglit lang" mabilis kong inilagay sa bag kong dala ang mga make-up na ginamit ko. Tiningnan ko pa muna ang sarili ko sa malaking salamin bago tuluyan lumabas.

Wala si santi sa labas ng pinto, kaya naman dumiretso na'ko sa living room. Tama nga ako at nanduon siya, nakaupo sa sofa habang nanunuod sa malaki niyang TV.

Naramdaman niya siguro na may tao sa likod niya kaya naman kaagad itong lumingon. Kaagad niya akong pinasadahan ng tingin, mula ulo hanggang paa. Nahiya naman ako kaya umiwas nalang ako ng tingin. Pero bago 'yon, kita ko pa ang bahagyang pag-galaw ng lalamunan niya.

"A-ayos lang ba?" Tanong ko.

Hindi ito sumagot kaya naman ibinalik ko ang tingin ko sakanya.

Mariin itong nakatingin sa katawan ko, kita ko ang pag-galaw ng panga niya. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako. Sobrang seryoso niya kase.

"Fuck" bulong nito.

Galit ba siya?

Mariin itong pumikit bago huminga ng malalim.

"Ayaw mo ba? P-pwede naman akong magpalit nalang. Yung suot ko nalang kanina?—"

"No. It's fine... Very fine." Ngumiti ito bago lumapit sa'kin.

May kinuha siya sa suot niya na trouser, kulay red 'yon na box.

"Here." Ipinakita niya sa'kin ang box bago ito dahan-dahan na binuksan.

Napatitig naman ako sa nakita. Kwintas 'yon at alam kong hindi lang 'yon basta basta.

Silver necklace ito na may malaking diamond sa gitna. Kumikinang sa sobrang ganda.

"I want you to wear this too." Nakangiti niyang sabi bago kinuha ang necklace sa box.

Kaagad akong napailing. Seryoso ba siya? Alam kong mahal 'yon kaya bakit niya ipapasuot sa'kin.

Tatanggi palang sana ako ng siya na mismo ang pumunta sa likod ko para isuot ito. Mabilis niyang na ikabit ang kwintas.

Akala ko nga ay aalis na siya pero para yata akong natuod ng maramdaman ko ang malambot niyang labi na dumapo sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko 'yon dahil naka exposed ito.

Saglit niya lang hinalikan ang balikat ko bago may ibinulong sa tainga ko...

"the necklace looks good on you, baby"

————————————————————————
A/N: alam ko naman inaabangan niyo yung talong ni santi. Wait lang.

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now