Curiosity killsA few days turned into a week, and their return to school went quite smoothly.
Sa panahong iyon ay naganap ang eleksyon para sa officers ng klase. Si Reis ang napiling class president at si Kino naman bilang treasurer. Habang si Ansel ay tumanggi sa pagkaka-nominate bilang vice president ng klase.
Halos lahat ng subjects nila ay kaniya-kaniya nang nagpapaulan ng requirements kaya naman ay medyo naging busy na rin sila. And Ansel being Ansel, hinahanda na niya ang lahat ng kailangan para wala nang distractions, at nag-a-advance reading na rin siya para hindi mabigla sa ibang lessons.
Mabilis naman silang naka-adapt dahil naranasan na nila sa nakaraang taon ang ibang orientation na ginawa nila ngayong last year ng pagiging senior nila. 'Yon nga lang, mas mahigpit ang schedule nila.
Their Biology class ended before they knew. Bago pa lumabas ang mga estudyante para sa break ay tumayo sa harapan ang prof nila at nag-anunsyo, "By the way, class, those interested in joining the student council and our strand's club, please attend the orientation meeting in Room 301 during lunch break next week. Or you can just list your names there para sa mga club na gusto ninyong salihan. I'll send further updates later in our gc. That's all. You may take your break now." Maraming estudyante ang nagpakita ng interes at nagsimulang mag-usap-usap tungkol dito habang lumalabas ng room.
Bago pa man makalabas si Ansel, tinawag siya ng prof, "Fajardo, can I have a word with you?"
Tumigil si Ansel at nagpaalam sa mga kaibigan bago lumapit sa guro, kuryoso sa sasabihin nito.
Ansel stood by his desk as his classmates filed out. "Yes, sir?"
"Have you ever thought about joining the student council again?" panimula nito dahilan ng pagkagulat ni Ansel. "I know you were part of SSLG back in Junior High, and as one of the teachers who ran paperworks at the office, I must say I really acknowledge your achievements."
As he was taken aback, he took seconds to reply, "I haven't really considered it, sir."
Noong grade 8 kasi silang magkakaibigan, sinubukan nilang sumali sa student organizations. Nakapasok naman silang tatlo sa iba't ibang position at naging isa rin sa magagaling na student leader. Tumigil lang si Ansel noong grade 10 sa pagtakbo sa SSLG hanggang sa naging senior student siya.
Katwiran niya noon ay gusto niyang mas mag-focus sa pag-aaral. So now in his last year in high school, he hadn't really thought about going back.
Tumango naman si Sir Benj sa sagot nito, "How about club organization? Cogitassians, specifically since it's our strand's club? Oh, I'm not forcing you to become an officer immediately-I just think that our school needs more student leaders like you again."
"Think about it. It's your decision whether you want to join or not," he said and smiled.
"Will do, sir," Ansel replied with a nod.
With that, Ansel excused himself and left the classroom, his mind buzzing with curiosity as he considered his teacher's suggestion.
Naiisip niya na wala namang mawawala sa kaniya kapag sinubukan niya ulit pumasok sa orgs, pero nag-aalangan pa rin siya dahil mas gusto niyang piliin ang mag-focus sa pag-aaral.
Tinanggal niya sa isip ang mga bagay na ito at dumiretso sa library. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at tinignan ang oras. May 20 minutes pa siya para magbasa kaya kinuha niya na ang chance para pumunta sa tahimik na lugar.
New notifications from 'Wonder pets.'
Reis: Sel, nasa library kami. We're here at your usual spot.
Ansel: Papunta na ako.

BINABASA MO ANG
Tutoring Hearts
Romance"I've found my heart learning to love you more each day. Who would have thought it has been yours to teach and guide all along?"