Chapter 6

6.2K 251 33
                                        

Martha's POV:

Tiningnan ko ang mga tao sa paligid, lahat sila tahimik. Andito lang naman ang boss ko /namin.

Ni isa walang bumabasag sa katahimikan. Kahit si cate na OA ay hindi magawang makapag-ingay.

"Ah, mam santi? Kakain po ba kayo?" Pagbasag ko naman sa katahimikan.
Kita ko pa ang pagkalma ng katawan ni cate bago tumingin kay mam santi.

"Why would you think that I'll eat in this kind of place, ha!" Seryosong sagot niya naman.

Feeling ko naman napahiya ako kaya pinili ko nalang manahimik.

Sandaling katahimikan pa bago muling nagsalita si mam—

"Martha! Let's go."

Mabilis ko naman kinuha ang wallet at phone ko na nakapatong sa ibabaw ng table bago mabilis na lumapit sa gilid niya.

Hindi pa kami umaalis dahil nakatayo parin si mam santi malapit sa table namin. Tiningnan ko ito at kita kong seryoso siyang nakatingin sa mga kaibigan ko. More likely kay Leon.

Ng magsimula na itong maglakad ay nakasunod lang ako mula sa likod. Pakiramdam ko kase ay mainit ang ulo niya, sa way palang ng kilos niya.

Mabilis lang kaming nakarating sa office niya dahil private elevator ang gamit namin. Para lang ito sa mga importanting bisita at sa may-ari.

Ng makarating na kami sa loob ng office niya ay nauna na akong lumapit sa table ko. Akala ko nga ay papasok na siya sa office niya pero kita kong natigilan siya sa harap ng pinto...

Uupo na sana ako sa upuan ko ng bigla naman siyang magsalita kaya nahinto ako—

"What are you doing! Come here." Binuksan na niya ang pintuan ng opisina niya at padabog na pumasok.

Galit nga.

Nagtataka man ay sumunod nalang ako. Ako narin ang nagsarado ng pinto dahil iniwan niyang nakabukas.

Naabutan ko itong nakatayo at malayo ang tanaw sa may floor to ceiling niyang glass wall.
Naka crossed arm pa ito.

Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya, hindi naman ako nabigo dahil kaagad nitong itinuon ang tingi sa'kin.

"May ipapagawa po ba kayo, mam santi?" Tanong ko sakanya.

Hindi nito pinansin ang sinabi ko at naglakad lang papunta sa mini bar niya.

Nasa ginagawa niya lang ang atensyon ko. Kita ko kung paano niya straight na ininom ang mamahalin niyang alak. Napangiwi pa ako dahil wala manlang siyang naging reaksyon, mukhang sanay na sanay na siya.

Minsan niya na kase akong binigyan nun at ng inumin ko, ay parang gusto ko nalang masuka dahil sa napakapait na lasa.

"Stop calling me "mam" " mula sa hawak niyang baso, nag-angat naman ako ng tingin sakanya.

At bakit ko naman ititigil na tawagin siyang "mam" e boss ko siya...

"Po? What do you mean, mam-"

Nahinto ako dahil sa lakas ng pagbagsak niya sakanyang hawak na baso—

"I said, stop calling me "mam"! Just call me, santi."

Awang ang labi at naguguluhan naman akong nakatingin sakanya.

Nakaupo na siya sa swivel chair niya habang ako ay nakatayo sa harap niya.

Hindi ako makapagsalita dahil naguguluhan ako sa sinabi niya. Boss ko siya, kaya dapat tawagin ko siyang "mam" bilang paggalang.

"I don't want to repeat myself, Martha."

Uminom muli ito sa baso niya habang ang mga mata ay nakatingin sakin. Seryoso ito.

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now