Martha's POV:
It's been a week, isang linggo na ang nakalipas simula nung sinundo at ginawan ako ni mam santi nang breakfast. Isang linggo narin niya akong hinahatid sundo sa bahay.
Nandito ako ngayon sa office. Kararating lang namin kanina lang. Mag isa ako dito dahil yung boss ko may meeting. Hindi ako kasama dahil family meeting yata ang nagaganap. Dumating kase kanina ang Mommy at Daddy niya kasama ang tito/tita niya.
Andito ako ngayon at nag-iisip. Hindi ako manhid, pero naguguluhan ako sa kinikilos ng boss ko.
Hindi kasama sa trabaho ko ang ihatid sundo niya. Ang mas nakakapagtaka pa ay ang way ng pag trato niya sa'kin nitong mga nakaraan na araw. Kakaiba.
Umpisa palang ay mabait na sakin si mam santi, pero pansin ko ang until-unting pagbabago ng ikinikilos niya...
Hayss, ewan.
Mabilis lang lumipas ang oras. 11,30am na. Hanggang ngayon nga ay mukhang hindi parin natatapos ang meeting.
Binuksan ko ang laptop ko at tiningnan ang mga naka schedule na upcoming meetings na need puntahan ni mam santi. Dalawa lang ang meeting niya ngayon araw, ang kasunod ay mamaya pa naman 5:30pm.
Bored na bored nga ako dahil wala naman akong magawa, walang work na binibigay si mam santi.
Napaangat ang tingin ko ng bumukas ang pinto, kaagad bumungad ang seryosong mukha ni mam santi, kasunod ang mga magulang nito na mga seryoso din.
Kaagad nagtama ang mga mata namin ni mam santi dahil sakin kaagad ito nakatingin, ng makalapit ito sa table ko ay kaagad naman itong nagsalita...
"Martha, you can take your early lunch. I will just have a talk with my parents." Tumango naman ako kaagad dahil mukhang private ang need nila pag-usapan.
"Okay po mam." 'Yon lang ang isinagot ko. Tipid lang naman itong tumango bago mabilis na pumasok sa pinto ng mismong office niya.
Nag "good morning " muna ako sa parents nito bago nag-paalam. Tumango lang rin sila bago tuluyan sumunod sa anak.
Kinuha ko ang wallet ko pati narin ang phone ko. Dahil maayos naman ang table ko ay tuluyan nako lumabas sa office at nagtungo na sa lower floor. Nanduon kase ang canteen para sa mga employee nitong company.
Nasa 10th floor na ako ng bumukas ang elevator, kaagad akong napangiti ng makita ko si Cate, isa sa mga kaibigan ko dito sa company.
"Marthina, Hi." Kaagad ako kumaway dito ng makapasok siya sa elevator.
"Cate, how are you?" Tanong ko naman.
Sa ilang buwan ko dito, si cate lang ang masasabi kong kaclose ko. Kaibigan ko naman ang iba pero hindi lang talaga kami click. Pero sa isang 'to na sobrang kulit ay talagang magiging kaclose siya ng lahat. Na sobrahan sa vitamins kaya naman palaging hyper.
"All goods. Ang tagal kitang hindi nakikita ah. Akala ko nga fired kana." Natawa naman ako sa sinabi niya.
Halos hindi narin kase ako nakakakain sa canteen. Si mam santi kase, kung walang dalang lunch ay kumakain kami sa labas. Hindi naman ako makatanggi dahil boss ko siya.
"Oo e. Nagbabaon na kase ako, para less gastos." Pagsisinungaling ko.
Kahit naman kaclose ko siya ay hindi ko sasabihin na nililibre ako ni mam santi or pa minsan minsan ay dinadalhan ng pagkain.
"Ganon?" Tumango lang ako bilang sagot.
Nakarating kami sa canteen, dahil nga malapit na mag lunch time ay may karamihan na ang nandito.
"Ako nalang bibili food mo, hanap kanalang table natin." Presenta niya.
Tumango naman ako at sinabi ang order ko. Nagbigay din ako ng pera pambayad.
Naglakad ako at naghanap ng vacant na table. Dahil nga may karamihan na ang tao ay halos wala na.
"Marthina?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.
"Leon? Hi" napangiti ako ng makita ko ang isa ko parin na kaibigan dito sa company.
"Hi. Naghahanap ka table?" Tumango naman ako at naghanap ulit. Pero mukhang wala na talaga.
"Here nalang. Ako lang naman mag-isa e." Nakangiting presenta nito.
"Sure ka? May kasama ako e" hinanap ng mga mata ko si cate, hanggang ngayon nga ay nakapila parin siya.
"Sure. No prob." Tumayo ito at inalis ang bag na nasa bakanteng upuan.
Nagpasalamat naman ako at umupo sa harapan niya.
Si Leon ay Marketing Manager. Nakilala ko siya nung bago palang ako dito, nakakasabay ko din siya madalas sa pagkain at pag-uwi before.
"Longtime no see ah. How are you na?"
Nag-usap lang kami at nagkamustahan about sa work. Medjo natagalan si Cate kaya matagal rin ang naging kwentohan namin.
Nagtatawanan kami ng dumating si cate dala ang mga pagkain namin. Kaagad naman akong tumayo at tinulungan siya.
"Girl ang haba ng pila ah." Exaggerated na umupo ito sa inuupuan ko kanina at kaagad inilabas ang mini fan niya bago itinutok sa mukha.
Natawa naman ako at lumipat nalang ng upuan. Ngayon ay magkatabi na kami ni leon habang si cate ang nasa pwesto ko kanina.
"Cate, this is leon. He's the Marketing Manager." Pagpapakilala ko sa katabi ko.
Tumingin naman si cate at mukhang hindi pa napansin na may kasama kami dahil gulat ang naging reaction niya.
"Oh my G. Sorry, hindi kita napansin. By the way, Hiii" Nakipag shake hands naman ito, ganon din ang ginawa ni leon.
Kwentohan at tawanan ang nangyari habang kumakain kami. 12:10 palang naman at 1pm pa ang balik namin sa work kaya nag stay muna kami dito.
Mukhang komportable na ang dalawa dahil kanina pa sila nagbibiruan habang ako naman ay nakikitawa lang sa pinag-uusapan nila.
Nakita kong umilaw ang phone ko dahil may nag notif, kukuhain ko na sana 'yon sa table ng pigilan naman ako ni leon...
"How about you, Marthina? May plans kana ba sa Christmas?" Tanong niya.
Naramdaman ko na ipinatong niya ang kanang braso niya sa likod ng inuupuan ko. Umiling lang ako dahil wala naman talaga akong plano.
Nasa ibang bansa ang parents ko. May mga tita and tito ako dito pero hindi ko naman ganon kaclose. Usually kapag Christmas, lumalabas lang ako. Bumibili ng regalo para sa sarili ko.
"Hmm, wala naman. Baka pumunta ako sa California sa parents ko or mag stay lang dito."
Tumango naman ito bago malawak na ngumiti. Nag-uusap na ulit sila ni Cate.
Pansin ko na hindi parin inaalis ni leon ang braso niya sa likod ko. Kung titingnan ay mukha siyang nakaakbay sakin.
"You okay?" Gulat naman akong napalingon kay leon ng bigla siyang bumulong. Mas lalo akong nagulat dahil sobrang lapit ng mukha niya.
Kaagad akong paatras dahil don. Magsasalita palang sana ako ng marinig ko ang matinis na tili ni cate—
"Hoyyy, bagay kayo!" Mukhang kinikilig na sabi nito.
Rinig ko ang mahinang tawa ni Leon. Rinig na rinig ko 'yon dahil parang tumahimik ang paligid.
Magsasalita na sana ako para sawayin ang kaibigan ko pero mas nagtaka ako dahil mukhang tumahimik nga.
Inilibot ko ang mga mata ko, at tama nga ako. Lahat sila tahimik, yung iba pa nga ay nakatungo. Parang may dumating na demonyo.
Ibabalik ko na ang tingin ko sa mga kasama ko ng makita ko naman ang taong seryosong nakatayo malapit sa table namin.
Gulat at napataas pa ang dalawang kilay ko ng makita ko kung sino 'yon...
Si mam santi lang naman. Mukhang galit pa ito dahil sa expresyon ng kanyang magandang mukha.
Anong ginagawa niya dito?
————————————————————————
A/N: Patay na.
