PART51

26.4K 444 0
                                    

*malapit na syang matapos
Pero wag muna kayong malungkot...may mga bago na 'kong ginagawang storya..hehe..sinisingit ko lang(plug,plug anywhere)

Yun lang..happy readings...(kung meron)
........................................................................................................


Pinili kong makipag-usap ng masinsinan kay luis tungkol sa sitwasyong dati ko pa dapat sinabi sakanya..hindi ko narin kasi kayang lokohin pa sya mahal ko si luis pero hanggang kaybigan lang talaga ang kaya kong ialay sakanya


Mas gusto kong dito kami makapag-usap sa may tabing ilog..may malaking tulay na dinadaanan ng maraming sasakyan..magagandang ilaw at mga umiilaw ding billboard ang nakapalibot sa mga taas ng malaking tulay...may mga upuan naman sa tabing dagat


Mas payapa dito at tahimik kaya gusto kong walang mang-iinterrupt sa usapan namin.



"Deep toughts huh!?" napalingon ako sa likuran ko at nakita ko si luis na nakangiti sakin..ganun din ang ginawa ko at pinaupo na sya sa katapat kong lamesa..umupo naman sya


"So bigla mo atang gustong makipagkita sakin ngayon..miss me?"-tatawa-tawa pang saad nya pero seryoso lang akong nakatingin sakanya kaya nawala narin ang ngiti nya


"Sab anu ba talagang nangyari..is there a problem?!"


Bumuntonghininga muna 'ko ng pagkalalim-lalim bago magsalita



"Luis gusto ko ng makipag-hiwalay sayo." nakita ko syang natigilan sa sinabi ko..titig na titig sya ng deretso sa mata ko kaya pinagpatuloy ko na ang pagsasalita kahit kinakabahan ako sa mga mangyayari ngayon.



"Luis totoong minahal kita pero kahit gaano ko itatak sa sarili kong ikaw dapat ang mahalin ko ay hindi talaga matanggap ng dibdib at utak ko..alam mong malaki ang pagpapasalamat ko dahil sa mga panahong nasasaktan ako ay ikaw lang ang nandyan para pasayahin at patatagin ang loob ko,ikaw ang naging sandalan at lakas ko..pero hanggang dito lang sa pagkakaibigan ang kaya kong ibigay sayo..si-si sky parin ang mahal ko..a-at luis buntis ako..magkakaanak na kami." malungkot kong sabi sakanya



Bigla syang natahimik...nakita kong nangingilid na ang luha nya sa mata..tumayo ako at pumunta mismo sa harap nya at paluhod na hinawakan ang muka nya..pinunasan ko yun gamit ang mga palad ko..nakatitig lang sya sa muka ko pero natigilan ako sa mga sinabi nya



"Sab..alam mong mahal na mahal kita at handa akong intindihin ang desisyon mo..kung yan talaga ang sinasabi ng puso mo ay mas maganda nga na sundin mo'to..matagal ko ng alam na kaya mo lang ako sinagot ay dahil gusto mo lang din akong sumaya..alam ko rin namang hanggang kaybigan lang talaga ang puwang ko sayo pero nakahanda akong tanggapin kung ito ang makapagpapasaya sayo..kasi nga mahal kita." naluluhang sabi nya



Ngumiti ako at hinawakan parin ang pisngi nya



"Salamat luis..alam kong may mas deserving na taong dapat sa pagmamahal mo.swerte sya kung sino man sya..si luis ata ang nakalaan para sakanya gwapo na mabait pa." nagkatitigan na kami at sabay kaming tumatawa



Niyakap ko sya at ganun din sya sakin




"I love you sab lagi mong tatandaan yan..pag-pinaiyak ka ulit ni sky susuntukin ko sya ng wala sa oras."sabi nya kaya tumango ako



Napangiti ako habang hinihimas parin ang ulo nyang yakap-yakap ko



"I love you too luis." Masayang sagot ko


Finally,,lumiwanag din ang lahat at masaya akong nasa side ko si luis

MY COLD HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon