Martha's POV:
Dilim. Sobrang dilim. Kahit konting liwanag ay wala akong maaninag.
"Tulong" 'yon kaagad ang unang lumabas sa bibig ko ng magising ako. Hindi ko alam kung nasaan ako.
Sinubukan kong gumalaw pero para akong paralesado. Hindi ko maigalawa ang mga kamay ko, ang buo kong katawan.
"T-tulong" mahina pero sapat lang para may makarinig sa'kin.
"P-parang awa niyo na, t-tulong..."
Pakiramdam ko ay uhaw na uhaw ako. Madilim ang paligid. Until unti, naramdaman ko ang posas na nakakabit sa magkabilang palapulsuhan ko.
Sinubukan kong igalaw pero sakit lang ang nakuha ko. Ramdam ko na ang sakit ng may ilang beses ko pang subukan.
"Please, tulong—"
Nahinto ako sa paghingi ng tulong ng may marinig ako. Pintuan, nagbukas ang pintuan...
Kaagad kong naisara ang mata ko ng biglang lumiwanag. Sobrang sakit sa mata ng ilaw kaya naman mariin kong naisara ang mga mata ko.
Sandali lamang ay malakas na sumara ang pinto at narinig ko pa ang pag lock nito.
Pinilit ko naman buksan ang mga mata ko, hindi pa man nag aadjust sa ilaw ay naramdaman ko naman ang paglubog ng kama sa gilid ko.
"finally, you're awake..."
Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang taong naupo sa gilid ko. Hanggang ngayon ay nag-aadjust parin ang mga mata ko.
Ngunit ng tuluyan ng umayos ang paningin ko, laking gulat ko sa taong nakita ko...
"Mam santi?..."
Gulat at mabilis akong napabangon dahil sa alarm. Kaagad kong kinuha ang phone ko at tiningnan ang oras. 7:30am na, ilang minutes nalang at paniguradong late nanaman ako.
Mabilis akong tumayo at tumakbo na papunta sa CR. Hindi na ako masyadong nakapag-ayos dahil malilate nanaman ako. Nakakahiya na kay mam santi, baka isipin niya abuso na ako porket hindi niya ako pinagsasabihan.
Hindi na ako nakapag ayos, sunscreen at lipstick nalang ang nailagay ko sa mukha ko bago patakbo na lumabas ng bahay. Nakalimutan ko pa nga ang susi sa gate kaya naman bumalik pa ako.
8:15 na, paniguradong marami na ang tao sa MRT, siksikan at tulakan nanaman ang mangyayari nito bago ako makarating sa office.
"Hayss, bwesit naman." Inis na sabi ko dahil nasa gate na ako at handa na sanang isarado ng mapansin ko naman na magkaibang sapatos pala ang nasuot ko.
Bubuksan ko na sana ulit ang gate ng gulat naman akong napatingin sa likod ko dahil biglang may nagsalita—
"No need to hurry. Take your time."
Hindi ko alam kung tulog paba ako or nananaginip. Si mam santi, nasa harap ng gate namin habang gandang ganda sa suot niya office attire. Nakasandal pa ito sa gilid ng kotse niya habang may suot na sunglasses.
Itinaas niya ang sunglasses at inilagaw sa ibabaw ng ulo. Kita ko ang pag pasada niya ng tingin sa kabuohan ko bago maliit na napangiti.
"Go now. Change your... shoes. I'll wait you here."
Maliit lang akong ngumiti at dali-daling binuksan ang gate. Narinig ko pa ang mahinang tawa nito dahil hindi ko halos maisuot ang susi dahil sa pagmamadali.
"Nakakahiya ka, marthina." Pagalit ko sa sarili ko.
Kaagad akong nagpalit ng sapatos. Sandali pa akong tumigil sa salamin at tiningnan kung okay na ako. Ng makitang ayos na, dali-dali akong bumaba dahil baka mainip na si mam santi.
Pag dating ko sa may gate ay nakita kong ganon parin ang ayos niya. Kaagad napunta sakin ang tingin nito at malawak na ngumiti.
"You ready now?"
Nahihiya naman akong tumango bago lumapit sakanya.
"Good morning, m-mam santi." Nahihiyang bati ko naman sakanya.
"Hmm. Good morning, martha. Let's go?"
Kaagad siyang umalis sa harap ko at lumapit sa pintuan sa shotgun seat. Binuksan niya ito bago tumingin muli sakin.
Sandali pa akong natulala bago nakuha ang ibig niyang sabihin.
Pinagbuksan nanaman niya ako ng pinto.
"S-salamat po."
Tumango lang ito at ng makasakay na ako ay maingat niyang isinara ang pinto.
"Seatbelt please " nanginginig naman ang kamay ko habang naglalagay ng seatbelt.
Talagang tinutoo niya ang sinabi niya kagabi na I insist sa pagsundo niya ngayon.
Pero bakit?
Bakit kailangan niya pa akong sunduin? Hindi naman ito kasama sa trabaho ko sakanya.
Hindi ko nalang sinabi sakanya. Baka kase maulit yung naging reaction niya kagabi.
Tahimik lang ang buong byahe. Ilang minuto lang at nakarating narin kami sa company building niya. Hindi siya nagsalita kaya hindi nalang rin ako nagsalita.
Pagka park niya sa private parking niya ay kaagad naman siyang bumaba. Bubuksan ko na nga sana ang pinto pero nauna na niyang ginawa para sakin. Nagpasalamat nalang ulit ako at tulad kanina ay ngiti lang ang ibinalik niya. Bago kami tuluyan pumunta sa elevator ay may kinuha pa siyang paper bag sa likod ng kotse.
Habang nasa elevator kami paakyat sa office niya ay pumasok naman sa isip ko yung naging panag-inip ko kanina. Hindi kona masyadong tanda pero ang isa lang na natatandaan ko ay si mam santi.
Sa panag-inip ko ay kinulong niya daw ako sa isang kwarto.
Pshh. Kung ano-ano nalang napapanag-inipan ko. Bakit naman niya ako ikukulong?
"Martha? I made a breakfast for the two of us. Let's eat it together? In my office?"
Nagtataka naman akong napatingin sakanya at sa dala niyang paper bag. Anong nangyayari?
Magsasalita palang sana ako ng bumukas na ang elevator. Naunang lumabas si mam santi, habang ako ay mukhang tanga na nakatingin sakanya.
Ginawan niya ako ng breakfast? Yung boss ko?
————————————————————————
A/N: mabilis lang 'tong story na'to guys. Konti lang per chapter. Mamaya ulit.
