Chapter 3

6.9K 273 11
                                        

Martha's POV:

May higit 1 hour din siguro ang naging byahe namin bago kami makarating sa napaka gandang place na'to. Ngayon lang ako nakapunta dito kaya naman mangha na mangha ako sa nakikita.

"Wow" hindi ko napigilan na bigkasin pagkababa na pagkababa ko palang ng sasakyan.

"You like it?" Kaagad naman nabaling ang tingin ko kay mam santi. Siya kase ang nagbukas ng pinto kaya nasa tabi ko siya ngayon.

"Opo mam, ang ganda po dito." Halata ang pagka mangha ko habang sinasabi 'yon.

Nilibot kong muli ang paningin ko. Para akong bata na dinala sa mall for the first time.

"I'm glad you like it." Mahinang sabi niya mula sa tabi ko.

Sobrang peaceful dito. Kitang kita mo ang malalaking building mula sa malayo, nasa antipolo kami. Nakikita ko lang ito sa facebook, hirap puntahan kapag walang rides. Pero ngayon andito na ako.

"Let's go. are you hungry?" Nahihiya naman akong tumango.

Totoo naman e. Kanina pa kaya.

Kita ko ang maliit na ngiti ni mam santi bago tuluyan ng naglakad papunta sa entrance. Mabilis akong sumunod sakanya.

Gulat akong napatingin sakanya ng alalayan niya akong maglakad. Nasa waist ko lang naman ang kamay niya. Saglit pa akong nakatingin dito habang patuloy lang naglalakad.

"Watch your step, martha."

Mabilis kong ibinalik ang tingin ko sa dinaraanan namin. Hindi na ako nag protesta dahil nasa loob na kami.

"Welcome, ms. Montego. Your table for two is ready " sabi nung lumapit samin na mukhang manager.

"Shall we?" Ngumiti naman ako sa boss ko bago tumango.

Medjo nagulat pa ako ng ngumiti siya pabalik, pero hindi kagaya ng mga nakaraan niyang ngiti. Ngayon kase ay labas ngipin na, at take note, wala na yatang pangit sa buong katawan ni mam santi. Pati ngipin ay sobrang ganda!

Okay naman ang naging lunch namin ni mam. Nanatili pa kami don, wala naman siyang gagawin sa office dahil cancel na lahat ng meetings and appointments niya buong maghapon.

Ngayon nga ay nandito kami, nakaupo sa nag-iisang mahabang upuan na may magandang view sa harapan.

Walang ni isa samin ang nagsasalita, ako nakatingin lang sa tanawin habang si mam ay busy sa kanyang cellphone.

"Ang ganda nang view dito mam..." pag open ko.

Mamamatay ako kapag hindi ako nakapag salita. Ayoko bumaho breath ko.

"Yup." Bahagya naman nawala ang ngiti ko dahil 'yon lang ang sinabi niya.

Napabuntong hininga nalang ako bago itinuon ang atensyon sa view.

"Mukhang maganda rin ang sunset dito." Bulong ko naman sa sarili ko.

Totoo. Feeling ko kitang kita ang pag-lubog ng araw mula dito. Masyado pang maaga, mga 3pm palang pero hindi naman mainit, may malaking tent kase sa inuupuan namin.

"Do you want to watch the sunset?"

Gulat naman akong napatingin kay mam, mukhang narinig niya ang sinabi ko.

Nahihiya naman ako umiling at ngumiti sakanya. Kita ko ang pagbaba ng tingin niya sa labi ko bago mabilis na umiwas ng tingin.

"Nako mam, hindi na po. Baka ma traffic po tayo. Tyaka sabi niyo pagod kayo diba, mabuti kung mag rest nalang kayo sa penthouse mo." Concerned na sabi ko dito.

Alam ko na sa penthouse siya umuuwi. Minsan kase ay may ipinahatid siyang files na need daw niyang tingnan, at don niya ako pinapunta.

"This is the rest i'm talking about..."

Sandali akong natigilan sa sinabi ni mam.

"Why? May naghihintay ba sayo?"

Hindi ko alam, pero parang natakot ako sa way ng pagkasabi niya sa huli. Bigla kasing naging seryoso, pati narin yung expression niya.

"W-wala po—"

"Then let's watch the sunset together."

Hindi na ako sumagot at nanahimik nalang.

May napagkwentohan pa kami about sa work, kinamusta niya lang naman ako kung hindi ba daw ako nabibigatan sa trabaho at sinagot ko naman na hindi.

Nakakapagtaka nga kung bakit parang ang gaan gaan ng trabaho ko. Parang hindi ako secretary sa isang malaking company. Ganado pa nga ako palagi dahil bukod sa libre lahat sa office, nakaupo lang ako don at maghihintay sa ipapapagawa niya.

Ilang oras din siguro kaming nakaupo, hanggang sa mag sunset na. Hindi nga ako nagkamali, grabe. Sobrang ganda.

"The view is beautiful, right?"

Parang aso naman akong napatango tango sa sinabi ni mam santi.

"Opo mam, ang ganda." Nakangiti ako habang kinukuhaan ng picture ang view mula sa harapan.

Saglit pa akong humarap kay mam santi, nahuli ko pa nga itong nakatingin sakin bago ko ibinalik ang tingin sa harap.

"Very beautiful"

Mukhang may sinabi pa siya pero hindi ko naman narinig dahil mahina kaya hindi ko na pinansin.

Mga 6;30pm na yata kami umuwi sa manila. Nag offer si mam na ihatid na ako, nag protesta pa nga ako dahil mahaba haba ang naging byahe namin. Baka kase pagod siya. Pero dahil siya si Saint Montego, ay hindi siya pumayag at mas pinilit lang ako na ihatid.

"Sabi ko naman sayo mam, sa company building niyo nalang ako ibaba. Naipit kapa tuloy sa traffic."

At dahil Friday ngayon, Sobrang traffic dito sa edsa.

"I just wanna make sure na sa bahay mo ikaw uuwi."

Napakunot noo naman ako sa sinabi niya. At bakit naman hindi? Wala naman na akong pupuntahan iba.

Awkward naman akong natawa bago nagsalita—
"Wala naman na po akong ibang pupuntahan mam. Office, bahay lang po ako. Daily routine ko po 'yon." Natawa ako ulit dahil 'yon naman ang totoo.

Napatingin naman ako sa labas dahil nakikita ko ang patak ng ulan sa salamin.

"As you should"

Hindi ko alam kung mahina ba ang pandinig ko o mahina lang talaga ang boses ni mam. Parang narinig ko kase siyang nagsalita pero hindi ko naman sure.

"Thank you, mam. Nag enjoy po ako. Mag-iingat po kayo pauwi." Nandito parin ako sa loob ng sasakyan niya.

Hindi ako makalabas labas dahil sobrang lakas ng ulan. Pero gate naman na kaagad kaya keri lang takbuhin.

"Good to know that you enjoyed. If you want, i can pick you up tomorrow—"

Mabilis akong umiling sa sinabi niya. Nakakahiya na kapag ginawa niya 'yon.

"Nako mam. Huwag na po. Nakakahiya na"

"I insist."

"Hindi na po mam. Maraming salamat po-"

Natahimik naman ako ng hampasin niya ang steering wheel. Gulat akong napatingin sakanya.

" I said, I. Insist." Mula sa harapan ay seryoso itong bumaling ng tingin sakin.

Mukhang pati siya ay nagulat sa ginawa niya.

Kita ko ang paghinga nito ng malalim bago tipid na ngumiti sakin.

"I'm sorry. You go now, its getting late. You should rest."

Tumango naman ako at muling nagpasalamat.

Mabilis akong tumakbo palabas patungo sa gate. Hinintay kolang makaalis ang sasakyan niya bago tuluyan pumasok sa loob.

————————————————————————
A/N: bawal mang ghost. Dami ko utang sainyo.

Baliwan na in 3


————————————————————————

My CEO's Obsession Where stories live. Discover now