Chapter 13

5.5K 220 29
                                    

Chapter 13:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

"Adrian."

Ibinaba niya ang kamay niya na nakahawak sa ulo no'ng lalaking kasama niya.

Umupo ako sa tabi niya na salubong pa rin ang kilay. Nang tignan ko 'yong kasama niya ay nagtataka ang tingin niya sa'kin.

"Uhm... Arc, I think I need to go?" Sabi niya. Halatang nataranta dahil sa biglang pagsulpot ko sa harap nila.

Mas lalo lang akong nainis dahil sa tinawag niya kay Archer. Arc? Tsk.

"Wait, Cai. Sure ka? Hindi ka pa okay." Pigil niya roon sa kasama niya. "Samahan na kita umuwi?" Patuloy niya pa kaya napatingin ako sa kaniya.

"Okay lang ako, mauna na ako." Sabi niya, tumingin pa siya sa'kin kaya tinaasan ko siya ng kilay. Agad din siyang nag-iwas ng tingin. Halatang natakot dahil sa masama kong tingin sa kan'ya. "S—sige po." Mahinang sabi niya at mabilis na umalis sa harap namin ni Archer.

"Problema mo?" Tanong ni Archer nang makalabas na ng cafe ang kaibigan niya. "Tinakot mo pa si Cairo." Patuloy niya at masama na ang tingin sa'kin.

"Anong tinakot? Wala naman akong sinabi." Maangan ko. Tumingin lang naman ako, tinakot ko na agad? OA, ah.

"Oh, look who's here." Napatayo siya nang biglang sumulpot sa harap namin ang kapatid niya.

I rolled my eyes. Umayos ako ng upo at bored na sumandal sa upuan.

"Bliss. Mag-usap tayo?" Malumanay at may pagsusumamo sa tono ng boses niya. Lumapit din siya sa kapatid at hahawakan sana ang kamay nito, pero agad na umatras si Bliss.

"You know what, kuya, I don't need your lies. Ilang beses mo na ba sinabi na lalayuan mo na siya?" She said firmly. Tumingin pa siya sa'kin saglit. "Tapos makikita ko na magkasama kayo?"

"I'm trying—"

"If you want us to be okay again, kuya, get away from him."

"Bliss!" Tawag niya pa sa kapatid niya na marahas na umalis sa harap namin.

Huminga ako ng malalim. Alam ko sa sarili ko na malaki ang naging ambag ko sa away nila ng kapatid niya, at lalo na sa pagpapalayas sa kan'ya ng tatay niya. Pero kasi, tama ba na gan'yan siya tratuhin?

"Archer," tawag ko sa kan'ya dahil nakayuko lang siya roon habang nakatayo pa rin.

Napalunok ako nang bigla siyang tumingin sa'kin. "Narinig mo naman ang sinabi niya, 'di ba? Kaya tigilan mo na ako, Alcazar." Marahas niyang kinuha ang bag. "Tinulungan kitang magpanggap sa harap ng mga magulang mo, kaya sana tulungan mo rin ako ngayon na maayos ang relasyon namin ng kapatid ko." He added, at mabilis na lumabas ng cafe.

Dahil sa taranta ko, tumayo rin ako at hinabol siya.

"Teka lang, Archer!" Tawag ko sa kan'ya, pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretyo lang siyang naglakad. Wala rin siyang pakialam kung sino ang mga makakasalubong niya.

"Shit." Agad akong tumakbo nang bigla na lang siyang tatawid sa kabilang side ng kalsada. "Tang ina."

Agad ko siyang hinila pabalik sa gilid dahil muntik na siyang mabangga no'ng motor.

"Ano bang problema mo?" Kunot na noong sabi ko nang nasa gilid na kami. Hawak ko pa rin ang kamay niya. "Magpapasagasa ka ba?" Inis na sabi ko pa, hindi ko na napigilang tumaas ang boses.

Nakatingin lang siya sa'kin kaya napapikit na lang ako. Kinakalma ang sarili. "Sorry—"

"Stop saying sorry, Alcazar. I'm sick with that word." Mariing sabi niya kaya napatingin ako sa kan'ya.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon