Kaya't bakit ko hahayaang samantalahin ni Chelsea ang ibinibigay sa kaniya ng mga magulang namin? I knew she's just asking for a five hundred bill, but still, hindi ba siya marunong mag-ipon para mabili rin ang sariling niyang mga kagustuhan?

Pero sa huli, alam ko sa sarili kong wala akong magagawa at ibibigay ko pa rin kay Chelsea ang bagay na gusto niya.

Agad akong nag-iwas ng tingin. "Anong gagawin mo sa pera, Chelsea?" tanong ko. I heard how she gasped but I didn't mind it. Agad din yata siyang natauhan dahil narinig ko rin agad siyang nagsalita.

"M-may gusto lang akong bilhin, ate. G-gustong gusto ko 'yong bilhin, pero kulang talaga ang pera ko. Hindi na ako makakapaghintay, ate, kasi baka m-maubusan ako." may halong kaba sa boses nito.

I mentally scoffed. Sariling luho lang naman pala? Sinabi niyang gustong gusto niya ito, ngunit bakit hindi niya ito pinag-ipunan?

"A-ate, please." agad akong nanghina nang marinig ang sinabi niya.

I pursed my lips to stop myself from gritting my teeth. "Sige. Ita-transfer ko sayo mamaya." labag sa loob kong sagot, ngunit hindi ko iyon ipinahalata.

Hindi pa rin ako nakatingin sa kaniya ngunit bigla ko na lamang naramdaman ang katawan niyang nakadampi rin sa akin. She hugged me.

"Thank you, ate. The best ka talaga." ang kaba sa kaniyang tinig kanina ay tuluyan nang naglaho. Napalitan na ito ngayon ng galak at tuwa.

Matapos niya akong yakapin ay masaya na itong nagtatakbo papunta sa taas. Ni hindi niya man lang ako nilingon habang pumapanhik siya sa hagdanan.

I sighed as I scoffed to myself.

I might seem like I am soft, but actually, I am. Lagi akong may rason. I always have a reason why I am doing this. Kung bakit siya palagi ang inuuna ko.

I was scared. All this time, it was only that thing that frightened me the most. Ayokong maulit muli ang mga pagkakamaling nagawa ko noon. Ayokong maging makasarili. Ayoko, dahil iniisip ko pa lang na uunahin ko ang sarili ko ay baka may masama na namang mangyari. Katulad ng nangyari noon.

I was well aware. At nagagalit ako sa sarili ko dahil ni minsan, hindi ko nagawang ipaglaban ang saloobin ko. Hindi ko kayang unahin ang sarili.

Pero mas lalo lang akong nagagalit sa isiping ginagamit lang ako ng kapatid ko. I hate to think that she's taking advantage of my situation, so I always erase those thoughts from my head. Palagi kong iniisip na nasanay lang si Chelsea na palaging siya ang inuuna ko, kaya't nagagawa niyang pa-oo-hin ako sa lahat ng gusto niya.

So much for advising Faith to pick herself first, while here I am, who can't even fight the urge to always prioritize my sister over myself.

Pero wala akong magagawa eh. May pangamba na ako na baka muling maulit ang mga pangyayaring kinimkim ko buong buhay ko. Ang mga pangyayari noon na halos sarili ko lang ang sinisi ko.

Hindi ko napansing may tumutulo na palang luha mula sa mga mata ko. I gently wiped the tears running on my cheeks as I heaved a heavy sigh.

Umiling ako at naglakad na patungo sa kuwarto ko.

I can't choose myself. Because the last time I did, everything was taken away from me. Lahat ay nawala sa akin. Maging ang kalahati ng buong pagkatao ko. Nawalan ako ng respeto sa sarili ko.

But despite everything, I still managed to live. I still managed to continue running and fighting at the course of living. Unti-unti kong nabawi ang respeto sa sarili ko, ngunit hanggang ngayon, hindi iyon nabubuo. May parte pa rin sa puso ko ang nabubuhay sa dilim, nabubuhay sa takot.

Chasing Boundaries (Parallel Rhythms Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon