Chapter 7

5.8K 215 50
                                    

Chapter 7:

∘₊✧──────✧₊∘
EDITED
∘₊✧──────✧₊∘

Napatingin ako sa phone ko na nakalapag sa dining table ni Archer nang makitang nag-dm si ate.

Kukunin ko na sana, pero biglang nagsalita itong nasa tapat ko, "no phone while eating." Seryosong sabi niya.

Kung gano'n kaseryoso ba naman ang magsasabi, malamang susunod ka na lang at baka lalabas ako rito sa unit niya na putol na ang isa kong kamay.

"Sariling desisyon mo talaga na mag Pol Sci?" Tanong ko bago sumubo. Masarap siya magluto. May future din 'to sa cooking. Parang lahat na talaga nasa kan'ya na. Hindi man lang nagtira. Halatang favorite siya ni Lord.

"Oo." Tipid na sagot niya.

"Talaga? Ayaw mo ba mag-culinary? Magaling ka rin magluto, e. O, baka gusto mo maging pro gamer?" Tanong ko ulit.

"P'wede naman. Pero mas gusto ko mag-abogado." Sagot niya. Tumango-tango ako. "Bakit ikaw, gusto mo ba talaga ang course mo?" Siya naman ngayon ang nagtanong.

"Ewan." Nagkibit-balikat ako. "I don't really know what I want. Basta go with the flow lang ako sa buhay." Patuloy ko.

"May gan'yan naman talaga. Life is not a race. May kan'ya-kan'ya naman tayong timeline. Hindi pa lang siguro ngayon ang panahon para malaman mo kung ano ba ang gusto mo." Sagot niya.

Tumango-tango ako.

Kung iisipin ang sinabi niya, tama siya. Magkakaiba tayo ng timeline. P'wedeng 'yong mga kasabayan mo ay nauna nang malaman ang gusto nilang marating, habang ikaw hindi pa sigurado.

Gano'n din siguro ako. Nasa phase pa lang ako na hinahanap ko pa rin kung ano ba ang para talaga sa'kin.

Kung noong bata siguro ako tatanungin kung ano bang gusto ko pagtanda ko, ang isasagot ko ay gusto ko maging Doctor o abogado. Pero habang tumatanda, nag-iiba rin talaga ang mga gusto mo, ang mga preference mo. Marami kang mare-realize.

Iyong mga bagay na gusto mo noon, mare-realize mo na hindi 'yon ang para sa'yo.

Noong high school ako, na-inspire ako no'n na maging journalist dahil sinali ako sa school publication, pero gaya sa una, binitawan ko rin iyon. Hindi ko nakikita ang sarili ko sa field na 'yon.

Hanggang sa mag-college na lang, hindi ko pa alam kung anong kukunin ko. Kaya wala na akong ibang choice no'n kung hindi ang mag Business Administration.

"Sa music, ayaw mo ba?" Tanong niya ulit.

Umiling ako, "Hobby ko lang talaga kumanta," sagot ko.

Pero kung iyong pagkanta talaga ako dadalhin ng kapalaran ko, okay lang din naman.

Nang matapos kaming kumain, nagpresinta akong ako na ang maghuhugas. Pumayag naman siya agad, para naman daw may ambag ako. Tsk.

Nang matapos akong maghugas, hinanap ko siya sa sala. Pero wala siya. Bukas ang pinto ng kwarto niya kaya pumasok ako roon.

Narinig ko ang pagbagsak ng tubig mula sa CR. Malamang ay naliligo 'yon. Doon ko lang naalala na damit ko pa pala mula kagabi itong suot ko.

Pero okay lang. Mabango pa rin naman ako.

Lumabas siya ng CR na pinupunasan ang buhok niya. Nakasuot lang siya ng white t-shirt at black na shorts. Wala siyang suot na salamin kaya kitang-kita ko ang kabuoan ng mukha niya.

Mas pwapo siya kapag wala siyang suot na salamin.

"Hindi ka pa ba-"

"Ayaw ko pa umuwi." Pagputol ko sa kan'ya. Ayan na naman kasi siya sa tanong niyang 'yan. Sa ayaw ko pa ngang umuwi.

Veiled Desires✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon